Kabanata 8

12 0 0
                                    

Kabanata 8

Hanggang ngayon ay pinuri pa rin ni Sir George ang "gawa" ko. Among everyone in his class, sa akin daw ang kakaiba at detalyado because of the mixed classic and modern design. Ako rin ang nakakuha ng pinakamataas na marka.

I made a note to myself na pasalamatan ulit si Zoren. I'll buy him something kapag bibili na rin ng para sa birthday ni Margarette. Maybe I'll just give him my gift during our island tour. I also made a promise that this will be the last time that I will talk to him and after that, we are completely strangers.

"Ste, ikaw talaga may gawa no'n? Seriously?" Xan said unbelievably.

I rolled my eyes at her. Paulit-ulit na siyang nagtanong ng kaparehong tanong niya ngayon.

"I just can't believe it. Hindi ka naman artistic kaya bakit ganon ka perpekto ang gawa mo?"

I shrugged my shoulders and pretended like I didn't hear her.

I sipped on my juice and stared at the field. Busy ang lahat dahil sa nalalapit na Sports Fest. Para rin siyang Intrams pero walang field demo o anumang sayaw. Nakapokus lang ang event na ito sa sports.

Everyone can join. Kahit may experience o wala. It's also the best time to discover your skill in any sports. The whole week is intended for practice and after pa ng exam next week gaganapin ang Sports Fest. Ang mananalo ay siyang ipanlalaban sa kabilang school.

Sumali si Alice sa archery. Malayo ang pwesto nila sa amin at nandoon sila sa kaliwang bahagi nagpa-practice and we sat at the right corner kasi hindi mainit. Ang cheerleaders ang malapit sa amin. They are practicing their stunts and exhibitions.

"Kilala mo ba si Celsa? Yong transferee sa Grade 10? Siya 'yon diba?"

Tinuro ni Xan ang babaeng nasa tuktok ng pyramid habang kampanteng nakatayo.

I shrugged my shoulders. "I think so. Bakit?"

"Wala lang. Nagagandahan lang ako sa kanya."

I stared at her and she is indeed pretty. She has an angelic face and sweet smile.

"Yeah."

Biglang natawa si Xan. Nakaturo siya sa babaeng nasa ibaba ng pyramid na nakasuporta sa mga binuhat. Nakasimangot ito at hindi maipinta ang mukha.

"Margarette looks funny. Naungusan na siya ngayon ng isang transferee." She said and laughed hesterically.

Natawa na rin ako dahil sa ekspresyon sa mukha ni Margarette. She looked bored and uninterested habang ginagawa ng mga nasa tuktok ang mga stunts.

I was kinda worried dahil baka mabitawan niya ang inaalsang cheerleader. She is not giving her full attention at baka madisgrasya pa ang binubuhat na babae.

Malaki ang field and everyone can do their practice. Nasa malayo din ang soccer at baseball team. Nagjo-jogging naman paikot sa buong quadrangle ang basketball players.

Biglang sumigaw si Xan at nakaturo sa pwesto ng mga cheerleaders. Napatingin ako sa tinitignan niya and I saw the transferee in the ground. Hawak niya ang siko at bakas ang sakit sa mukha.

Naestatwa sa kanyang kinatatayuan si Margarette. Kinakalabit na siya ng mga kasama niya pero hindi siya nakikinig. Nakatitig pa rin siya sa babaeng namimilipit sa sakit at bakas ang pagsisisi sa mukha.

"What happened? Bakit nahulog ang babae?" nagugulahan kong tanong.

Xan is still in a state of shock. Nasa pinakatuktok ang babae sa pyramid kaya mataas ang pinagbagsakan nito. Mabuti at may mat kaya hindi siya masyadong nasaktan pero mukhang mali ang pagkakabagsak niya at naitukod ang kanyang siko.

Fleeting Glimpse Of Love (Dela Salde Series #1)Where stories live. Discover now