Kabanata 7

9 0 0
                                    

Kabanata 7

"Kamusta ang lakad mo?" salubong sa akin ni Papa.

Papalubog na ang araw ng makauwi ako sa mansyon. Si Papa ay kagagaling lang din sa opisina. Halos magkasunod lang ang pagdating namin.

"Okay lang po, Pa." I smiled.

He nodded. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

Mabilis natapos ni Zoren ang project. Ala una ng hapon ay nagliligpit na kami ng mga gamit. Pagkatapos ko siyang subuan ng cake ay hindi na niya ako kinibo at mas nag pokus sa ginagawa.

Nakakabingi ang tahimik sa pagitan naming dalawa. Walang sumubok na magsalita. Ang paglapat lamang ng oil pastel sa cartolina ang maririnig. Minsan ay lumalagitik ang kawayang upuan kapag mag-iiba siya ng pwesto.

Nakakailang ang sitwasyon naming dalawa. Para kaming magkasintahan na sweet sa isa't-isa. I look like his girlfriend, willing to feed him because he's busy. Busy doing my project.

Lumabas ako at naglakad-lakad sa dalampasigan. I enjoy watching how the waves plash my on feet. Nababasa ang sandals ko kaya pinulot ko ito at hinawakan na lang.

I noticed the girls approaching me. Nagtutulakan pa sila kung sino ang lalapit. Pinagtulungan ng tatlo ang isang babaeng may bagsak at mahabang buhok.

I'm observing their every move. Makukulit sila at hindi mapermi sa isang tabi. Nakakaaliw silang panuorin habang nagkukulitan. Carefree and loud.

Hindi na nanalo ang babae sa tatlong tumutulak sa kanya. Sa huli, naglakad ito sa direksyon ko. Nakayuko siya at hindi makatingin sa akin ng diretso.

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay ang kanyang paglapit. Nag angat lang siya ng tingin ng nasa tapat ko na siya. Tipid itong ngumiti at mas lumapit pa ng kaunti.

What could be her reason for approaching me? I was guessing in my mind when she speaks.

"Pwede po magtanong?" nahihiya nitong sabi.

She looks a year younger than me. Cute siya at singkit ang mga mata. Lumalabas din ang dimples kapag ngumingiti. Tama lang ang pangagatawan. Overall, she's pretty.

"Yes? Ano 'yon?" I said attentively.

"Uh... Itatanong lang po sana namin kung ano ang pangalan ng kuya mo?"

Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Nahiya naman ito at yumuko ulit. She's playing with her hands and she's sweating a bit in her forehead.

Sinong kuya ba ang tinutukoy niya? I only have a younger brother. They must be referring to Sam.

"Sorry pero wala akong nakakatandang kapatid. You must be mistaken."

Napatingin ang babae sa kubo. She was staring at Zoren who's still serious with his work.

"Pinsan niyo po ba siya? Ayy sorry po..." sabi niya habang nakaturo sa kubo.

Does she mean Zoren? They think he's my brother or my cousin?

He looks ruthless and serious with his work. He is giving so much attention for that piece of paper. I remember the warrior in those princess movies. There expression and behavior look exacty the same. Untamed and mysterious.

Natawa ako sa sinabi ng babae. I bit my lip to suppress my laughter but it would still come out. Napakunot ang noo ng babae maging ang tatlo na nasa malayo.

This is what I'm talking about. He can make everyone like him. Wala pa man siyang ginagawa ay may nabibilog na siya. He would just sit in the corner and all eyes are on him. And now, these girls. Sino ang susunod?

Fleeting Glimpse Of Love (Dela Salde Series #1)Where stories live. Discover now