"V-Veron napatawag ka"

[Pumunta ka ngayon dito, ngayon din] diin at malamig na sabi ni Veron sa kabilang linya.

[Pumunta ka ngayon dito, ngayon din] diin at malamig na sabi ni Veron sa kabilang linya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Veron...

Para bang biglang kinutuban si Mathilda ng marinig ang kakaibang tono ng boses ni Veron at hindi niya alam kung bakit. Sa kalagitnaan ng kaniyang biyahe ay mabilis niyang pinatulin ang takbo ng kaniyang sasakyan, hanggang sa marakarating siya.


"Tinawagan ako ni Doctor, Velasco at sinabi nya sakin na pumunta si Christine sa opisina nya para magpamedical test. And it's for DNA test"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Mathilda ng marinig yon.

"Ano't parang bigla kang nagulat? May alam ka ba na hindi ko nalalaman?"

"V-Veron kasi----"

"Kailan pa, huh?! Kailan!! Hindi ba't sinabi ko na sayong hanapin mo kunsaan tumutuloy ang batang yon!! Don't tell me... Matagal mo ng alam, pero hindi mo man lang sinabi sakin!!"

"V-Veron, hindi mali ka. Sa totoo niyan kahapon ko lang nalaman na kay Christine pala sya nagtatrabaho at tumutuloy. Nasa mall ako kahapon at don ko sila nakitang magkasama, a-akala ko nga bumalik na ang mga alaala nya pero hindi pa pala. Kahit ako ay nagulat din sa pangyayaring yon, pero 'wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan, para mailayo sila sa lalong madaling panahon"

"Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi. Alam na ang mangyayari"

________

Nang makauwi si Christine sa Mansion ay natigilan sya ng magkasalubong si Yumi. Agad namang napayuko ng bahagya si Yumi sa kaniya as a sign of respect.

"Good evening po, Ma'am Christine"

"Good evening"

Lumapit sya kay Yumi ngunit nagtaka ito ng mapansin ang itsura niya. "Ayos lang po ba kayo? Bakit parang hindi po ata kayo ok, may nangyari po ba?"

Hinawakan nya ang ulo ni Yumi at hinaplos-haplos ang buhok nito. Animo'y para bang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Yumi, puwedi bang tawagin mo 'kong... Mama?"

"P-po?"

"Gusto ko lang kasing marinig. Maaari ba?"

Bigla namang napangiti si Yumi sa kaniya at tumango. "Mama"

"Puwedi bang isa pa"

"Mama"

Nang sambitin ulit ni Yumi ang salitang yon ay mabilis na pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata at niyakap si Yumi.

"Salamat. Ang tagal ko na kasing hindi naririnig ang salitang yon sa anak ko at namiss ko talaga yon ng sobra. Kung hihilingin ko man ay sana... sana ikaw na lang ang nawawala kong anak, Yumi"

You're Still The One (COMPLETED) Where stories live. Discover now