" Yehey! Tapos Daddy tignan din natin iyung snake tapos iyung tiger" Ako naman ngayon ang matawa sa sinabi ni Savi. Hindi na ocean park iyun.

" Sige, sa zoo din tayo pumunta pagkatapos ng ocean park anak" Pang iispoil parin ni Gigs sa anak namin.

" Yehey! I love you Daddy!" Masayang wika ni Savi sabay halik sa pisngi ng ama niya. Gustong gusto naman ni Gigs.

I felt Gigs intertwined our hands together as we both looked at the calm sea.

" Hindi naman na siguro ako susugurin ni tatay ng itak probinsiya Babe" Nakasimangot niyang wika sa akin. I smiled.

" Hindi na. Magaling ka daw kase magsibak ng kahoy, magpakain ng baboy, mag-igib ng tubig, mag-araro sa bukid at mangahoy sa gubat. So no, Gigs. Hindi na" I told him. Pinarinig pa talaga niya sa akin iyung pagbuntong hinga niya.

" Buti nalang pumasa ako Babe. Baka hindi ako payagang pakasalan ka" Mukhang kinakabahan niyang baling sa akin. Ngayon palang kase namin sasabihin sa pamilya ko na ikakasal na kami. Pinagalitan nga ni Papa si Gigs nung unang dalaw namin sa Palawan dahil inanakan agad niya ako ng hindi pa kami kasal.

" Gigs paano kung hindi nga" I was trying to test him.

" Luluhod ako Babe. Tapos aarte ako na parang kawawa hanggang sa payagan nila akong pakasalan ka. O di kaya'y maspagbubutihan ko pa ang pagsibak ng kahoy, pag-igib ng tubig, pangangahoy, pag-aararo sa bukid at iyung pagpapakain ng baboy. Babe gagawin ko ang lahat payagan ka lang nilang pakasal sa akin." He said. Ang seryoso na usapan namin pero si Savi parang walang pakialam. Kasalukuyan kase itong kumakain ng kung ano na namang pinabili niya kay Gigs sa mall kahapon na kahit gaano pa kapagod si Gigs ay sinamahan niya iyung anak niyang bumili sa mall.

" Paano kung hindi parin, ayaw parin nila" I asked him again.

" Babe naman. Sobra naman iyan. Babe hindi iyan possible kase nakuha ko na iyung oo ni nanay at iyung mga kapatid mo. Si tatay nalang ang kulang" Oh really. So may underground business na pala siyang nung unang punta namin sa palawan. Kaya pala sobra nalang ang panliligaw niya kay mama at dun sa sumunod sa akin na lalaki, si Stanley.

" Ah ganon, Gigs. Ikaw talaga. Kaya pala todo pagpapasikat mo kay mama at kay Stanley pati narin kina Trina, Melanie at kay Isko" I told him. He just smiled at what I've said.

" Shempre naman Babe. Ako pa ba" He smiled then kissed my forehead.

NANG MAKARATING kami sa daungan ng barko ay sumakay kami ng jeep papunta dun sa pagsakayan ng bangka tapos sumakay ulit kami ng bangka papuntang probinsiya namin. Mahigit kumulang dalawang oras ang biyahe namin sa jeep tapos isang oras ulit sa bangka. Nagpumilit si Gigs na gamitin nalang namin iyung private plane niya pero tinanggihan ko. Gusto ko kaseng makita din ni Gigs at ni Savi kung paano makakapunta sa amin.

Matagal ang biyahe. Halos isang araw ang kinatagal ng biyahe namin pero si Gigs ay hindi ko manlang nakitaan ng pagod. Salitan naman kami sa pagkarga kay Savi ngunit masmatagal iyung sa kaniya. Alam niya kaseng mabigat masyado si Savi para sa akin kaya kahit wala pang isang oras ay kinukuha na niya ito sa akin.

Sinalubong agad kami ng mga kapatid ko ng makarating kami sa bahay.

Isang bungalow type ang bahay namin na gawa sa kahoy ng narra at mahogany.

" Ate! Kuya!" Tuwang tuwa ang mga kapatid ko ng makita nila kami. Napangiti ako. Lumapit agad sa amin sina Isko at kinarga si Savi.

" Hi kuya Isko!" Masayang bati ni Savi

" Hi din mga ate kong ganda" Wika din niya kila Trina at Melanie na ngayon ay hinahalik halikan ang pisngi ni Savi.

" Ate nabili mo pa iyung pinapabili ko sa 'yong sapatos? Ate iyung bag na sinasabi ko dala mo ba? Kuya iyung jersey na pinabili ko, nabili niyo po ba?" Sunod sunod na tanong sa amin nina Trina, Melanie at Isko. Natawang binalingan sila ni Gigs.

" Shempre naman! Kami pa ng ate niyo" Sagot ni Gigs

" Yes!" Wika ni Isko sabay apir kay Gigs. Pati rin sina Trina at Melanie ay tumatalon talon pa sa saya.

" At hindi lang iyan bumili pa ako ng mga damit niyo. Madami pa kaming gustong bilhin ng kuya niyo kaso masyado ng mabigat. Dibale, ipagshoshopping ko kayo pagpunta natin sa Manila" Masaya kong wika sa mga kapatid ko. Kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mata. May binili din akong damit para kay Nanay at Tatay.

" Wow naman ate! Excited na akong pumunta ng Maynila!" Ramdam ko ang excitement sa boses ni Melanie

" Si kuya Stanley niyo pala?" Tanong ko.

" Pumunta sa bahay nila Lucas, nagpakain ng baboy tapos nagtambay muna dun. May laro daw kase sila ng basketbol dun. Pero uuwi naman daw ng maaga ate kase alam niyang uuwi kayo nila kuya Gigs" Sagot naman sa akin ni Trina. Si Lucas ay ang anak ng kapitan namin dito sa baranggay. Matagal kong manliligaw iyon nung high school palang ako dito.

" Ganun ba. Ang hilig parin talaga ng kuya niyo sa basketbol" I smiled

" Anak mano ka sa lola at lolo" Wika ko kay Savi ng makarating kami ng tuluyan sa bahay.

Agad naman itong sinunod ni Savi

" Mano po lola ganda! Mano po lolo bait!" Masayang masaya ang aking mga magulang ng makita nila si Savi.

" Napaaga ang dalaw niyo ulit anak" Wika ni Tatay na kagagaling lang sa bukit at may hawak pang itak.

" Uhm miss ko na po kase kayo at saka po may gusto sana kaming sabihin sa inyo ni Gigs pero saka nalang po 'Tay." Wika ko kay Tatay. Tumango naman ito.

" Mano po 'Tay, 'Nay" Si Gigs naman ngayon ang nagmano pagkatapos ko.

Nilagang manok ang niluto namin pang hapunan. We were already preparing the table for dinner when Stanley came.

Alas singko na ng gabi ng umuwi si Stanley kasama si Lucas.

Gulat ako ng makita ko si Lucas pagkatapos ng mahabang panahon. Mastumangkad pa ito at maslalong gumuwapo.

" Hi ate! Musta na! Kuya!" Masayang bati sa amin ni Stanley

" Ah ate si Lucas pala. Naaalala mo pa ba siya? Siya iyung manliligaw mo nung high school na binasted mo" Wika niya sabay baling kay Lucas at tatawa tawa pa.

Si Lucas naman ay napatawa lang din. Ramdam kong napahawak si Gigs sa bewang ko.

" Gigs pare" Nauna ng naglagad ng kamay si Gigs kay Lucas na tinanggap naman niya.

" Lucas pala pare" They shake hands. I saw how Gigs smirked afterwards and looked at me with that warning stare.

Nakangiti akong bumaling kay Lucas.

" Hi Lucas. Long time no see. Musta ka na? May asawa ka na ba? Girlfriend?" Pakuway tanong ko pero umiling siya.

" Ah wala. Wala akong ibang matipuan e" He answered. Maslalong humigpit ang pagkakahawa ni Gigs sa bewang ko.

I smiled politely.

" Dibale, soon meron din iyan. Sabi nga nila, there's someone out der por yu diba?" Pilit kong pinapangit iyung accent ng pang-iinglis ko para mapatawa lang siya. Agad naman siyang tumawa sa sinabi ko.

" Tama ate. Ayaw pa kase niyang ligawan iyung apo ni Aling Nena e kapit bahay lang nila" Tawang tawa namang sagot ni Stanley.

Inaya namin si Lucas na makikain sa amin. Nagpatuloy kami nina Trina na ayusin iyung hapagkainan. Nasa may lababo ako at naghuhugas ng sili ng maramdaman ko si Gigs sa likuran ko.

" Babe, type mo ba iyun?" Malamig pero may malambing parin sa boses niya.

Deep inside, I was already laughing. E halatang nagseselos kase si Gigs.

" Oo bakit? Guwapo siya Gigs tapos matangkad tapos matangos ang ilong" I answered him. Maslumapit pa siya sa akin tapos bumulong sa tenga ko.

" Babe, isa pa. Subukan mo pang lumandi, itatali kita sa kama mo mamaya" He threatened me but I wasn't threatened at all.

Kailan ba iyung huling nagselos si Gigs?

-----

Updated : May 23, 2020 Saturday 8:50 PM

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now