19 : The Reasons

111K 2.9K 210
                                    


Ano na Iza? Pagod ka na din ba?- Iza

-----

Iza

NAKATANGGAP ako ng tawag mula kay Gigs nang mag-aalas otso na pero hindi parin ako nakauwi.

Mag-isa akong naglalakad sa Manila Bay habang nakatingin sa mga taong sa paligid. May mga magjowa na nagdedate may mga naglalakad din kagaya ko. The people seems to have their own worlds. Pero isang tao lang ang nasa isip ko ngayon.

Si Gregoryo.

Sinadya kong patayin ang cellphone ko hindi dahil sa ayaw ko siyang makausap. Gusto ko lang talagang makapag-isip. Kung sakaling hindi naging mayayaman ang mga kaibigan ko, pupulutin ako sa kulungan. Ayokong isipin ni Gigs na pinagpeperahan ko siya. Na kaya ko siya sinagot ay dahil kailangan ko ng tulong niya. Na kailangan ko ng pera niya. I struggled in that thought that even me cannot take away. Everything seems to be easy for me because I have him. Na hindi ko na kailangan pang dumaan sa butas ng karayom dahil lang sa makapangyarihan siya. He is a billionaire and I know that already. Hindi madaling kalaban ang isang tao na malakas ang impluwensya at may maraming pera. Matatalo ka lang. Pero si Gigs ang pinag-uusapan dito. I've known him to be the best Jaguar. I've known him to be the number one fan of truthfullness and justice. Pero sa ginagawa niyang 'to, nakikita ko ang Gigs na kailanman ay hindi ko nakilala.

At kasalanan ko ang lahat ng 'to. Nakangiti siya kung kasama niya ako, nanlalambing pa pero paano kung hindi na ako nakatingin? Who is the Gigs that I've known when I am not looking?

Malawak ang dagat na animoy walang hangganan. Kalmado at parang nagpapahinga lang. Walang iniisip na problema. Walang iniintindi. I don't get to have all the burden in me because he has all of it. Dahil parang inangkin na niya ang kasalan na ginawa ko. Siya na ang gumagawa ng paraan. Siya ang gumagalaw. He does all of it despite the fact that he is busy with his job being the CEO.

Nang in on ko ang phone ko ay tumambad agad sa akin ang madaming missed calls at text messages ni Gigs. All his text messages have the same thought. Nasaan ako. Bakit hindi pa ako umuuwi.

I took a taxi going home. Kahit mahal, wala na akong pakialam. I just want to go home and see him.

Halos fifteen minutes ang kinatagal ng pagsakay ko sa taxi hanggang sa nakarating na ako sa boarding house ko. When I opened my door, I saw him on the phone with someone.

Tumingin siya agad sa akin. His eyes were blood shot angry.

" Forget it. She's here" Iyun lang ang sinabi niya at mabilis na pinatay iyung tawag.

The moment his eyes settled on me for a couple of seconds more, the anger I've seen just awhile back changed into something that I usually see in his eyes.

Pagmamahal

Aaminin ko, natakot ako ng makita ko ang galit niyang mga mata pero hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makita ko ang sobrang pagmamahal sa mga mata niya ngayon.

Sinalubong niya agad ako ng isang mahigpit na yakap.

" Babe saan ka naman pumunta? Pinag-alala mo ako" His voice was soft now. Hindi kagaya nung boses niya kaninang nadatnan ko na nakakatakot.

Niyakap ko lang siya pabalik. Despite everything that is happening, I need to trust him.

" Naglakad lakad lang ako sa Manila Bay kanina. Nag-isip" I truthfully told him.

" Is there a problem? Is something bothering you? Tell me. Pag-usapan natin" He guided me to sit at the couch before giving me all his attention.

Oh Gigs. What am I going to do without you?

Concealed Identity (Completed) [R-18]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang