2 : The Disguise

150K 3.5K 384
                                    


What if ligawan ko siya. Eww - Iza

-----

Iza

Kumain kami sa labas. As usual, masaya ang barkada dahil nanalo ang Jaguars. Nanlibre si Miguel dahil ewan ko feeling ko monthsary nila ni Sab. Parang napapansin ko kase tuwing second week ng buwan sobrang overflowing ng kilig factor nila. Pansin ko kada 16 buwan buwan ay may sekretong lakad ang dalawang 'to. Feeling ko lang.

" Say Grace, Hans" Si Miguel

" Grace" Gigs muttered in reply. Gosh ang bobo niya talaga kahit kailan.

Buti nalang at magkatabi kami at may pagkakataon akong sikuin siya ng slight.

" Pray. Dasal" I whispered at him

" Alam ko. Hindi ako tanga. At huwag mo akong landiin" Baling niya sa akin. Galit na naman ang Gregoryo na 'to.

" Papalandi ka nga eh. 'Yung halik ko ah, inutang mo lang iyun. Kailan mo babayaran?" My gosh Iza paano ko ba natutunang lumandi ng ganito. I am really acting so much. Hintayin niya lang talaga na makapagtapos ako who you na siya sa akin. I will get my degree and fly away.

Nang matapos siyang magdasal ay kumain agad kami. Kumain sina Miguel pero lumamon si Gigs. Bakit ba kahit matakaw 'tong lalaking 'to eh ang ganda parin ng katawan.

Tinapik ko pa ang mukha ko para tigilan na ang iniisip ko.

Kasabay non ang paggalaw ng binti ni Gigs para kunin ang atensyon ko.

" Oh, kuha ka na ng pagkain mo. Di kita lalagyan dahil di kita girlfriend." Napanguso ako sa sinabi niya. Ang gago lang 'te. As if gusto kong maging jowa niya. Nerrrh!

" Puwede naman Babe. Bagay tayo eh. Bagay na bagay" Eww Iza! Malambing kong wika sa kaniya sabay kindat sa kaniya. Dahil sa ginawa ko ay lumayo siya ng bahagya sa akin.

Haha allergic sa akin. Pero lalandiin ko parin.

PAGKATAPOS ng hapunan namin ay isa isa ng nagpaalam ang mga Jaguars. Kaniya kaniya ding hatid ng mga Jaguars ang mga kaibigan ko. Si Sabina sumama kay Miguel. Si Kiefer naman ang naghatid kay Grasha. Si Kim sumama kay Shannon. Si Kyle naunang umalis dahil may emergency daw. Ayun tuloy naiwan akong walang may gustong maghatid sa akin kaya shempre dapat ihatid ako ni Gigs.

" Uy pahatid Babe!" Sinadya kong nilakasan para marinig ng ibang taong nasa paligid namin. Kase pag di ko ginawa iyun, di niya ako papansinin.

" Matanda ka na. Umuwi ka mag-isa mo." Tsk kainis naman.

" Uy Greggy boy pahatid na. Maggagabi na oh, baka may makasalubong akong manyak sa daan irape ako taz mawawala na virginity ko nito" Drama ko buwisit. Kailangan ko talaga ng maghahatid sa akin.

" Kaya mo na iyan Ms. Sexy ka eh. Mag Mr. Macho ka na muna kahit ngayong gabi lang. Bye Isagani." He laughed before entering his car. Akala mo naman nakakatawa iyung joke niya. Sinong babae ang may gustong masabihan nun?

" Uy Gregorio huwag mo akong iwan dito! Babae ako!" My ghad! Totoong babae ako uy!

" Susunduin ko pa girlfriend ko, Babe! Bye na! Mag-taxi ka nalang madaming siraulo dito. Umuwi ka na!" Tsk! Alam kong walang girlfriend iyun sa ngayon. May nililigawan oo siguro pero wala pang girlfriend iyung Gregoryo na iyun.

" E hatid mo nga kase ako. Diyan lang ako sa kabilang kanto uy! 5 kilometers lang naman. Babayaran ko gas mo! Promise kahit doblehin ko pa. Babe naman pahatid na kase!" Sigaw ko na dahil medyo malayo na siya sa akin. Walang taxi dito eh ako pa niloloko niya.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now