Chapter 54: Flain

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinamaan ko sya ng tingin

"Mukha ba kong reckless driver?"

Natawa naman sya at nailing

"No, pero bakit nga?"

"I don't know, ever since nagka amnesia ako di naman ako nakapag drive ng kotse.. Nagulat lang din ako na marunong ako magdrive pero walang nagturo sakin even dad.."

Tumango tango naman sya

"May amnesia ka pala.. Hindi pa bumabalik ang ala ala mo?"

Tumawa naman ako at tumingin sa kanya ng matraffic kame

"You're interested huh?"

Inismiran nya ko tsaka umayos ng upo

"Just asking"

Nagkibit nabalikat lang ako

"Simula nung andito na ko sa Pinas, unti unti na bumabalik ala ala ko.. Siguro hindi pa lahat pero pinipilit ko bumalik lahat.."

Tumango lang sya tsaka ngiting ngiting humarap sakin

"Do you want me to help you?"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya at muling bumaling ng tingin sa daan ng umandar na ulit ang mga sasakyan sa harapan

"No thanks.."

"No no, I'm serious.. I'll help you.. Siguro naman alam mo family background ko right? I can search all about your past.."

Napaisip naman ako saglit at natahimik na din si Xaymond

Nalipat ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko at kinuha ko yun sa bulsa tsaka sinagot ang tawag

"Who you?"

"The f*ck? Di mo pa din sinesave ang number ko?"

Umirap ako tsaka niloud speaker ang tawag at nilapag kasi nagmamaneho pa ko

"Where the hell are you?" tanong ni Liam sa kabilang linya

"I'm on my way.."

Tumingin sakin si Xaymond tsaka ngumisi na binalik ang tingin sa cellphone ko

"Nagtaxi ka? Bakit di mo ko inantay? Tsk."

"Nauna kang umalis ng room, malay ko ba kung nasan ka.. Sumabay na lang ako kay Flain.."

Saglit na natahimik ang kabilang linya, akala ko naputol na yung tawag pero

"WHAT THE F*CK?! BAKIT SUMABAY KA SA KUPAL NA YON?" sigaw nya sa kabilang linya

Nailing na lang ako habang natawa naman si Xaymond at naiiling din

"I can hear you Brugger.."sabi ni Xaymond

Napatingin lang ako saglit sa kanya ng magsalita sya

Malapit na din kami kila Pier

"We're almost there.. Nandun na din daw si Henz at Deil.." sabi ko na lang

"The f*ck.. F*ck you Flain.. I swear gigilitan kita pag nakita kita.. I'm on my way!"

Natawa naman si Xaymond sa sinabi nya

"Should I stay there or?"

"Don't you f*ckin stay there!"sigaw pa rin nito

Napailing na lang talaga ako sa mga sinasabi ni Liam

Napakagulo haynako

Pagdating namin sa kanila Pier agad na kong bumaba ng sasakyan at ganun din si Xaymond

"Salamat.."sabi ko

Tumango lang sya at humarap sa gate ng lumabas si Deil kasunod si Henz

"Oh? Akala namin kasabay mo si Liam?"tanong ni Deil

Si Henz naman ay blankong nakatingin lang kay Xaymond

Parang lahat ata sila mainit ang dugo kay Xaymond

"Malay ko ba nasan yung lalaking yun, kaya nauna na ko"sagot ko

"May pinag usapan lang sila ni Mond kaya nauna din silang lumabas ng classroom"sabi naman ni Henz

Tumango lang ako tsaka tumingin kay Xaymond

"You can go now.."sabi ko sa kanya

Natawa naman sya at nailing

"Di mo man lang ba ako aayain na magstay muna dito?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya

"Why would I? This is not my house though.."irap na sagot ko sa kanya

"Mauna ka na pre baka ano pa magawa sayo ni Liam pag naabutan ka nya dito.."singit ni Henz

Tumango tango lang si Xaymond tsaka nagpaalam sakin na aalis na

Nang makaalis na si Xaymond sakto namang dumating si Liam

"Where the hell is that Xaymond Flain!"sigaw nya ng makababa sa kotse

Umiling na lang ako habang si Deil ay nakangiwi at si Henz naman ay nakangising naiiling

"Kakaalis lang"sagot ko

"Bakit nyo pinaalis"sigaw nya habang nakatingin sakin

Umirap lang ako at nagpameywang

"Sabi mo wag sya magstay dito.. Magulo din utak mo Brugger.."

Sinamaan nya lang ako ng tingin

"Sa susunod wag ka na talagang aalis sa paningin ko sinasabi ko sayo Zey Anderson.."

Umiling na lang ako tsaka pumasok na sa loob ng bahay nila Pier.

-----

Author's NOTE

Bitin muna hehe, sobrang tagal naaaaa ang hirap na tuloy magsulat HAHAHA btw thankyouuu sa 1M readssss love y'all so muchhhh 😚😚 I'll try my best na mag update ng mag update 😅 So ayunnnn 😊 Keep safeeeee!!!

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon