Chapter 57: Brown out

1.8K 102 17
                                    

LIAM'S POV

Sa lahat ba naman ng makukuha ko bakit Q pa tapos si Zey pa magdedare. Takteng buhay to.

"My dare is..."

Sinamaan ko na ng tingin si Zey dahil alam kong hindi magiging maganda dare nito.

"Wala akong maisip, mag lap dance ka na lang kay Pier." sabi ni Zey

Nagtawanan naman silang lahat habang si Pier ay tumango pa at pinagpag ang damit tsaka umupo ulit tapos tumingin sakin at pinapalapit ako sa kanya. Tinaas ko naman ang middle finger ko at inis na tinignan si Zey.

"Do it." sabi nya

"Ayoko na." sabi ko at tumayo na

"What? Laro mo to diba? Tapos ikaw unang susuko?" mapang-asar na sabi ni Zey

Damn. Napaka pangit ng trip sa buhay ng babaeng to.

Naglakad ako palapit kay Pier at pumwesto sa harap nya.

"Mas maganda siguro kung half naked kayo." sabi ni Zey na nataas - taas pa ang kilay

WTF! Gagawin niya pa kaming bakla na nag-aanuhan..
Hinubad na ni Pier ang tshirt nya kaya wala na kong nagawa kundi hubarin na rin ang damit at gawin ang dare. (Playing: PONY by Ginuwine)

Nagpalakpakan sila habang tumatawa pagtapos kong gawin yung dare.. Mga hangal. Tsk. Bumalik na ko sa upuan ko at tinignan ng matalim si Zey na nakayuko habang nagpipigil ng tawa.

Damn this girl, gagantihan kita. Nagpatuloy pa ang laro namin hanggang sa makuha ni Zey ang K at A naman ang nakuha ko pati ni Deil.

"Uhm... Since medyo tumatagal na din naman tayong magkaibigan. Pwede ko bang malaman yung totoo? Totoong ikaw tsaka totoong nangyari sayo." tanong ni Deil

Tahimik naman kaming lahat habang nakatingin kay Zey na walang emosyon ang mukha.

Nagkibit balikat lang sya tsaka uminom ng alak.

"I don't know, dinko nga maalala totoong nangyari sakin diba? May amnesia ako"

"Pero sabi mo simula nung bumalik ka dito sa pilipinas nabalik na alaala mo. Kaya nga ayaw mo na bumalik sa states diba? So meron kang naaalala kahit papano." tanong pa ni Deil

Ngumisi naman si Zey at umiling,

"One question at a time Deil, next". sabi nya tsaka tumingin sakin

Ano ba itatanong ko? Kung itatanong ko kung pano sta nagka-amnesia, malamang ganun lang din isasagot niya.

"Just answaer Deil's question, yun na lang din tanong ko sayo." sabi ko

Tumawa naman ng mahina si Zey

"Ganun nyo na ba kagustong kalikutin buhay ko?" sabi nya at umiling

Huminga muna sya ng malalim bago umayos ng upo at nagsalita

"As I said, wala akong maalala masyado sa nangyari, ang alam ko lang mali ng sinabi sila Mommy and Daddy sakin, kasi hindi naman ako sa states lumaki, I grew up here at hindi ako nabangga ng truck, 100% sure ako dun. Kung anong nangyari? I don't know, hindi ko maalala kung ano yung aksidente or kung pano nangyari yung aksidente, saan nangayari.. Wala, wala akong maalala.. Yan pa lang.. Sa ngayon.." sagot nya

Wala namang nagsalit saming lahat dahil sa sagot ni Zey na mukhang seryoso naman sya, kahit ako na gustong barahin at salungatin lahat ng sasabihin nya eh walang masabi.. Speechless.

Babasagin na sana ulit ni Zey ang katahimikan ng biglang...

"Ay putangina.. Brown out." sabi ni Pier

Oo nagbrown out.

"Di na muna natin itutuloy yung laro, hindi naman kasi natin makikita dahil medyo madilim.Ubusin na lang natin tong isang bote." sabi ko

"Sige pero kukuha muna ko ng kandila sa baba." sabi ni Pier

"Uhm, pwede bang pass na ko? Medyo hindi ko na din kasi kaya.." sabi ni Deil, tumango lang ako

Tumayo na si Deil na sinundan ni Henz dahil ihahatid nya na daw si Deil sa kabilang kwarto, sumabay na din si Pier at Carl kaya kaming dalawa na lang ni Zey ang naiwan sa madilim na kwarto na to na tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin, kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa labas..

Tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman. Kinuha ko yung baso ko na may lamang alak tsaka ininom yun

"Do you ever felt so lonely in your whole life?"

Napatingin ako kay Zey ng bigla itong magsalita

"Why?" tanong ko

Nagkibit balikat lang sya, medyo naaaninag ko yung mukha nya dahil nasa pwesto nya yung liwanag ng buwan dahil medyo malapit sya sa bintana

"Wala lang.. Kasi since I moved here in Philippines, parang napaka lonely kong tao.."

She's serious...

Huminga ako ng malalim tsaka binaba ang baso bago magsalita

"When my girlfriend died, 2 years ago.. Wala akong kinakausap na kahit sino.. I just want to be alone.. Yun lang, ayokong may mangdidistorbo sakin kahit pamilya ko, lahat ng nag aabalang kausapin tsaka lapitan ako, inaaway ko. Kahit nga sila Mond, Pier at Henz nakasapakan ko na dahil lang don.."

Seryosong nakatingin si Zey sakin, why do I felt something?

"Why do you felt so lonely eh lagi mo namang kasama sila Deil" tanong ko.

"I don't know.. My feelings and emotion can't actually answer that, because that's what they felt.. Being alone and left behind? I don't know." sabi nya

Tumango na lang ako tsaka muling nanahimik ang buong kwarto. Bakit ba ang tagal bumalik nila Pier, sa mall pa ata kumuha ng kandila.

"Bakit namatay girlfriend mo?"

"Car accident.. Uhh no.. They killed her." medyo pagalit na sagot ko

Tuwing mapapag-usap tsaka maaalala ko talaga ang nangyari kay Hazel bigla na lang akong magagalit na maiinis na ewan.

"They? Murder?" Zey asked

Umiling ako

"Nabangga yung kotseng sinasakyan namin, and yung nagdrive ng kotse na nakabangga samin, hindi nalaman kung sino.."

"They deserved to be killed also.." natatawang sabi ni Zey

"Hinahanap ko na yung nagdrive ng sasakyan na yun, at pag nangyaring nahanap ko sya.. Pagbabayarin nya yung ginawa nya.." sabi ko habang nakatingin sa bintana

"Chill, I'm just kidding.." sabi ni Zey

"Well, I'm not.." sabi ko tsaka uminom ng alak tsaka muling tumingin kay Zey

Nakatingin lang din sya sakin na parang inaalisa ako..

"Why?" tanong ko ng unti unti syang lumalapit sa mukha ko

"I think you have something in your face.." sabi nya tsaka tinuro yung kaliwang pisngi ko, hinawakan ko yun tsaka tinanggal yung sinasabi nyang something

"Just a sauce..." bulong ko tsaka muling bumaling ng tingin kay Zey pero mukhang wrong move yung ginawa ko....

-----------------

AUTHOR'S NOTE:

Pakinggan nyo na lang sa youtube yung kanta 😂 Btw, ako lang ba nakakapansin na parang may 2 moods si Liam? 🤦🏻

Enjoyyy readinggg!!!

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon