Chapter 66.1

761 40 7
                                    

DEIL'S POV

Nanlalaki ang mata ko at nakangangang nakatingin sa kanya matapos siyang magtanong. Nakangiti pa rin siya at inaantay ang sagot ko.

"Uhm..."

Mahina siyang tumawa at umiling tsaka binalik ang acoustic guitar at tumayo na

"Tara na baka hinahanap na nila tayo." sabi niya kaya tumango na lang ako

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Bakit niya tinanong yun? Anong nasa isip niya?

"Bakit?" mahina kong tanong kaya napatingin siya sakin

"Anong bakit?" nagtataka niyang tanong

"B-bakit mo tinanong yun?" tanong ko sa kanya

Napatango tango naman siya ng mapagtanto kung ano yung tinutukoy ko.

"Curiosity" sabi niya ng hindi nakatingin sakin

Tumango lang ako at di na ulit nagsalita. Pagkarating namin sa auditorium ay tapos na magsalita ang mga official at unti-unti na ring naglalabasan ang mga estudyante

"Oh? San kayo galing?" tanong ni Diel

"D-diyan lang. Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya, di ko na din napansin si Henz na dire-diretsong pumasok sa loob

Tumango naman si Diel habang pinanliliitan ako ng tingin kaya medyo nailang ako dahil parang may iniisip siyang kung ano.

"Bakit ba ganyan ka makatingin? Asan sila Zey tsaka Yumi?" tanong ko sa kanya para maiwasan yung kung ano mang nasa isip niya

"Why we're you with him Deil? Are you two dating?" tanong ni Diel sakin kaya nanlaki ang mata ko tsaka mabilis na umiling

"H-hindi noh! May b-binili lang kami..." nauutal na sagot ko sa kanya

Mas lalo niya pang pinanliitan ang mata niya at nilapit ang mukha sakin

"Deil wag na wag kang maglilihim sakin ha. Subukan mo lang." banta niya tsaka umayos ng tayo at hinawi ang buhok niya tsaka lumingon sa likod kung san nakita namin si Zey tsaka Yumi na naglalakad na palabas. Di ata nakita ni Diel si Zey tsaka Yumi sa loob kaya di sila magkakasama.

"Tara na." sabi ni Zey

"San tayo?" tanong naman ni Diel

Nagkibit balikat lang si Zey tsaka tumingin sakin

"Bakit?" tanong ko

"San kayo galing?" tanong niya

Putek. Hotseat naman ako ngayon.

Umiling lang ako tsaka nagmadaling lumabas.

"Sila ba?" narinig kong tanong ni Yumi

Napapikit na lang ako ng mariin. Ano ba yan pati tuloy pagsama ko kay Henz may meaning na sa kanila. Ang issue masyado ha.

---

HENZ'S POV

"Hoy Henz! San ka ba galing kanina hinahanap ka namin eh." sabi sakin ni Pier

Nagkibit balikat lang ako tsaka tinuloy ang pagkain, lunch time na kasi at andito kami sa cafeteria. Puno yung buong cafeteria pero buti na lang di kami nahirapan maghanap ng upuan.

"Uy sila Zey oh." turo ni Luke sa apat na babae na naghahanap ng mauupuan dahil sa sobrang dami ng estudyante na nakain

"Dito!" sigaw ni Pier habang kumakaway

Di ko na lang sila pinansin at tinapos ang pagkain. Nakita ko namang umupo sila Zey sa bakanteng upuan sa table namin at ayan na naman yung tinginan ni Liam at Zey sa isa't isa. Palagi na lang nag-aaway sa tingin eh. Tsk.

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon