Sa may lanai ng aming mansion ay natanaw ko sina Freeda at Sel na titig na titig sa akin.

I smiled at them and waved.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

Umirap siya.

"Hindi ka sumasagot sa group chat! It's been a month, Adi! Nag - aalala na kami!" Hysterical niyang sabi.

I chuckled.

Nanlaki ang mata niya sa reaksyon ko. Umiling ako at naglakad na para puntahan ang dalawang naghihintay.

"Seriously?" rinig kong reklamo ni Brynn.

Ngumiti ako at nakipagbeso kila Freeda.

"Hi, na-miss ko kayo! Kumain na ba kayo?" I asked.

Tumango ang dalawa. 

Nginuso ni Sel ang miryendang nakahanda sa table.

"We missed you too. Are you really okay?" Tanong niya habang sinusuri pa rin ako.

I laughed and nodded.

"Of course, bakit naman hindi?" Nagtaas ako ng kilay.

I heard Freeda groaned.

"Bakit hindi ka sumasagot sa group chat?"

"Oh, that... Sorry, I'm busy with swimming so..." I smiled sweetly.

She heave a sigh of relief bago bumaling sa pinsan ko.

"I told you, Brynn. You're just overreacting! I know she didn't like him enough para magmukmok kagaya ng nabalitaan mo!"

Brynn rolled her eyes.

"It's true! Kuya Amari told me na palagi niyang nahuhuling tulala 'yan!" dinuro pa ako ni Brynn.

Umiling ako at muling natawa.

Umupo na ako at sumunod naman silang tatlo.

"Brynn, hindi ba pwedeng pagod lang ako tuwing naaabutan ako ni Kuya na tulala?" tinaasan ko siya ng kilay.

Umirap siyang muli.

"Hindi ako naniniwala! Kung talagang okay ka, bakit wala kang bagong boyfriend?" mataray niyang tanong.

I sighed.

"My gosh! Hindi ba pwedeng break muna? Kaya ko naman mabuhay na walang lalaki!"

Sel and Freeda laughed. Tumango sila at nakipag high five pa sa akin.

"See, Brynn? Now, calm down. Adi is okay," ani ni Sel.

Mabuti na lang din at ngayon lang nila naisipan na pumunta. Kung mas napaaga siguro sila ay tuluyan ko na nasabi kung ano talaga ang pinagdadaanan ko.

It was so hard at first. I couldn't believe it. I didn't know when my feelings for him started at hindi ko talaga 'yon matanggap.

Bakit kasi sa lahat ng lalaki ay siya pa? I mean, bakit? Hindi ko maintindihan. We're not that close naman. Hindi ko talaga maintindihan.

Was it because everytime I tried to look at him, he's already staring? Or was it because everytime I need help, he's suddenly there? Parang ang babaw naman.

Mabuti na lang, my emotion was already in place now. At least, hindi na ako nagkalat tungkol sa nararamdaman ko.

The following days, bumawi ako sa mga kaibigan ko. Mabuti at pinayagan naman ako ni Mommy kaya halos maubos namin ang mga pasyalan dito sa Iloilo.

Ngayon ang huling araw namin sa pamamasyal dahil sa susunod na linggo na ang pasukan.

We're going to Ilomoca because Sel is a sucker for museums. Matagal niya na kami kinukulit kaya pinagbigyan na namin ngayon tutal ay napuntahan naman na namin ang lahat.

Nobody Compares To You [ Quintero Series #1 ]Where stories live. Discover now