Even in the end it says "goodbye"

818 33 14
                                    

XXIII



Jade's PoV


Hindi ko alam kung anong nagpabalik sa aking diwa habang tulalang pinanonood si Althea na naglalakad palayo sa akin. Ang alam ko lang is that something snapped inside of me and I need to act fast or else mawawala na naman siya sa akin. So, hinabol ko siya at niyakap ng pagkahigpit-higpit mula sa likuran.


     "Althea" I breathed out.


     "Bitiwan mo ako Jade." Galit ang boses na sabi niya. Nagpumilit rin siyang kumawala mula sa pagkakayakap ko but I never let her. Mas lalo ko pa ngang hinigpitan ang pagyakap sa kaniyang baywang upang hindi siya makawala sa akin.


     "No," garalgal ang boses na sabi ko. "Please Althea, huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan." Naiiyak na pakiusap ko.


     Naramdaman ko ang paghugot niya ng isang malalim na buntonghininga. Hinawakan niya ang aking mga braso at inalis ang mga iyon sa kaniyang bewang saka hinarap ako. "Anong kailangan mo?"


     Tinignan ko siya habang umiiyak. Pinaglalaruan siguro ako ng tadhana dahil dito ko lang pala siya makikita sa San Dionisio. Halos sumuko na kasi ako sa paghahanap sa kaniya dahil hanggang ngayon, wala pa rin akong makuhang matinong impormasyon kung nasaan ba talaga siya.


     Buti na lang talaga, hindi muna agad ako sumama sa kanila ni mommy pauwi nang mansiyon kanina dahil 'pag nagkataon, hindi ko sana nakita si Althea sa daan habang pauwi ako. Pagkagaling kasi namin sa sementeryo ay pinuntahan naman namin si Sally upang kamustahin siya. Nagpa-iwan na rin ako doon saglit upang makasama pa ang bestfriend ko.


     Sinubukan kong hawakan ang laylayan ng kaniyang damit at gano'n na lang ang aking pagkatuwa nang hinayaan niya akong gawin 'yon.


     "Tititigan mo nalang ba ako dito buong gabi?" Natigil ako sa aking ginagawa.


     "Why are you being like that?" Tanong ko sa kaniya dahil nakakapanibago ang inaakto niya towards me.


     "Huwag mo akong dramahan Jade. Hindi mo na ako madadala sa mga paganyan-ganyan mo." Masungit na sagot niya.


     "What!?" Tanong ko. Or mas maiging sabihin na sigaw ko.


     "Ngayon kung wala ka nang ibang sasabihin, pwede na ba akong umalis?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko nang akmang tatalikod na naman siya.


     "Don't you dare!" Hinablot ko muli ang t-shirt niya nang walang pasabi at pinaharap sa akin. "Huwag mo akong tatalikuran Althea, kinakausap pa kita."


     "Pwede ba Jade, tigilan mo ako? Saka bitiw na, kailangan ko nang umalis." Pagmamatigas niya. Pero hindi ko siya titigilan. I need to know where she lives.


     "Please tell me kung saan ka ngayon umuuwi." I pleaded.


     Umiling siya. "Hindi ko sasabihin sa'yo."


     Tumalikod siya muli at hahakbang na sana ngunit hindi natuloy nang may humintong tatlong sasakyan sa aming harapan at bumaba ang ilang kalalakihan mula sa loob no'n. Kinabahan ako when I saw na may mga baril na nakasukbit sa kani-kanilang mga baywang.


     "Cha." Tumingin ako sa lalaking tinawag si Althea na Cha.


     "Tom? Ba't ka nandito?" And it seems like they know each other too. Hindi kasi mababakasan ng pagkabahala ang mukha ni Althea kahit napapalibutan na kami ng mga armadong lalaki.


     Lumapit sa kaniya ang lalaking tinawag niyang Tom.


     "S-señorita, kailangan na po nating umalis." Nilingon ko ang driver kong si Leo na nakalapit na pala sa amin ng hindi ko namamalayan. Namumutla ang itsura niya na parang kinakabahan habang nakatingin sa mga lalaking tahimik na nakatayo sa paligid namin.


     "Pasensya na Cha, pero napag-utusan lang." Rinig kong sabi no'ng Tom at saktong pagtingin ko ulit sa kanila, nakita ko kung paano niya pinukpok ng hawak na baril sa ulo si Althea.


     "Althea!" Tatakbo na sana ako papunta sa nakahandusay na si Althea ngunit may humawak sa aking mga braso at pilit akong isinakay sa kotseng malapit sa aming kinatatayuan. "Let go of me!"


     "Bitiwan niyo po si señorita Jade pakiusap!" Rinig kong sigaw ni Leo pero hindi ko na siya nagawang lingunin dahil nilagyan na nila ng piring ang aking mata. They also covered my nose with a handkerchief that made me start feeling dizzy after I exhaled kaya dahan-dahan akong nawawalan ng malay. Pagkatapos ay wala na akong idea kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nilamon ng dilim.


Even in the end it says "goodbye"


----------------------------------------


Thank you in advance sa magvo-vote. Okay lang kung ayaw mag-comment. Stay safe everyone. 🙏🌍

Till it's TimeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora