"Pa?" hikbi kong pagtawag.

"Hindi ba't naniniwala ka naman sakin nung pinangako ko 'yon sa'yo? Paano ko na matutupad 'yon pa? Iniwan mo na ako.. Tinanggalan mo ko ng karapatang bumawi sa'yo. Ang daya-daya mo naman pa." hagulgol kong panunumbat sa kaniya.

Muli kong niyugyog ang kabaong niya. Wala na akong pakielam kahit magmukha pa akong nasisiraan ng bait sa harapan ng mga taong nandito ngayon. Magulong buhok at madungis na katawan dahil ilang araw na akong di naliligo.

"Pa! Hindi mo ba ako naririnig?! Gumising ka na d'yan pa! Huwag mo na akong biruin ng ganito!" naghuhumiyaw kong pakiusap sa kaniya.

"Hindi ko pa kaya, pa! Bakit? Bakit mo 'ko iniwan? Bakit hindi ka lumaban para sa akin? Nakalimutan mo na ba agad ako dahil sa matinding sakit na naramdaman mo nang mawala sina mama at Alexa?" paos kong tanong sa kaniya.

Gusto kong marinig ang pagsagot niya. Gusto kong marinig na humihingi siya ng tawad sa akin at ang dahilan kung bakit niya ito ginawa.

Gusto kong malaman kung bakit siya sumuko kung pwede niya naman akong gawing dahilan na anak niya para lumaban? Gusto kong malaman kung naalala niya ba muna ako bago siya nagpasyang iwanan ang lahat?

Dinuro ko ang sarili ko.

"Kasi ako pa? Nasaktan din naman ako para sa pagkamatay nina mama ah. Hindi ko din matanggap pa.. Pero pinilit kong magpakalakas para sa atin.. Para sa'yo... Kasi kailangan natin ang isa't-isa..Kailangan kong maging matatag para makakita ka ulit. Tinutuloy ko itong buhay ko hindi para sa akin kundi para sa'yo. Para makita mo ulit ako, itong anak mo na mahal na mahal ka.."

Hindi ko na inabala pang punasan ang mukha kong basang-basa dahil sa mga luha.

Napahawak ako sa dibdib ko sa pagsikip noon. Parang dinudurog nang pinung-pino ang puso ko habang inaalala ko ang mga sandaling kasama ko pa siya. Yung mga oras na buo at masaya pa ang pamilya ko. "Bakit ka nagpakamatay?" garalgal kong sambit sa kaniya.

Bakit mas pinili mo pang tuldukan ang lahat sa madaling paraan kaysa lumaban ng pangmatagalan pero sigurado ang tagumpay sa dulo?

Ang kaninang hagulgol ko ay naghudyat sa walang tigil kong paghikbi na nakapagpahirap sa aking huminga.

"Hindi mo na ba talaga nakaya? Hindi ba ako ganon ka-importante sa'yo kaya mas pinili mong sundan na agad sina Mama at Alexa? Kaya kinalimutan mong may anak ka pang natitira?"

Pinikit ko muli ang mga mata ko nang muling rumehistro sa utak ko ang itsura ni papa nang matagpuan ko siyang nakahandusay sa kusina namin at bumubula ang bibig.

Dilat at tirik ang mga mata niya, maputla ang kaniyang buong mukha habang hawak niya ang isang bote ng bleach.

Hapon 'non galing ako sa eskwela at excited na umuwi sa pag-aakalang maipapakita ko kay papa ang medal at certificate na nakuha ko dahil top 4 ako sa classroom. Umaasa akong masaya niyang mukha ang madadatnan ko pero iba ang sumalubong sa akin.

Imbes na siya ang masurpresa ko, ako ang nasurpresa niya.

Yumuko ako at inihiga ko ang ulo ko sa ibabaw ng kabaong ni papa. Niyakap ko iyon ng mahigpit. "Sorry pa.. Hindi ko gustong magalit sa'yo.. Sorry sa pagsigaw ko pa.. Gumising ka na kasi para di na ako mainis." pagmamakaawa ko sa kaniya habang nakayapos ang dalawa kong braso sa kinalalagyan niya.

Hinarap ko ang mukha niya at itinapat ko doon ang mga daliri ko.

"Umuwi na tayo pa.. Nagugutom na ako eh." namamalat kong hiling.

Naalala ko na huling gabi na pala ito kaya napakadaming tao ngayon. Sinadya kong hindi pumunta nitong mga nagdaang burol. Bukas ng umaga dadalhin na siya sa...

Blanco Carnation [Mus-alonlymAward20]Where stories live. Discover now