"Hoy! Hoy! Lover boy! Bakit nadedemonyo ka diyan?"

Inis akong napasabunot sa ulo ko habang palakad lakad lang sa harap ni Drey.

"Si Chubs saka si Marcus magkasama sa iisang table!"

"Bro! Table lang yun!" napatawa pa yung loko. "Sandali. Selos ka no?"

"Oo nagseselos ako! Leche!" napasapo na ako sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ay! Ay! Ay! Ang lakas na talaga ng tama mo kay Chubs." Walang lubay sa kakatawa yung loko.

Ang lakas niyang mang-insulto. Tiningnan ko na siya ng masama. Alam na niya kasunod ng mga tingin na 'yon kaya ayon, tumahimik na siya.

Kinabukasan ay ganon pa din ako. Tamang hintay lang ulit bago siya pumasok. Tamang kausap lang kahit hindi naman ako pinapansin.

"Chubs." sambit ko nung makitang pababa na siya ng hagdan. Hindi pa rin kasi talaga niya ako kinakausap. Papunta siya sa cafeteria. Nauna siyang kumuha ng tray sabay upo sa bakanteng table. Nang makuha ko na yung tray ko ay lumakad ako patungo sa kinaroroonan niya.

"Tinutunganga mo diyan?" Nagulat ako nang magsalita siya. Nakatayo lang kasi ako sa tapat niya at hindi pa umuupo.

Napangisi na lang ako sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama kaya ayon bigla akong napatahimik.

Umupo na ako habang tinitingnan lang siya habang kumakain.

"Bakit di mo kasama si Marcus?" pagbasag ko sa katahimikan dahil kanina pa walang nagsasalita sa aming dalawa.

"Wala. Kasama ng family niya."

Akala ko hindi na naman siya sasagot. Ah kaya pala. So napilitan lang pala siyang samahan ako.

"May gusto ka pa ba?" tanong ko nang makitang ubos na ang pagkain sa plate niya.

Ayon, balik uli sa dati. Hindi na naman siya sumagot.

Next Day. Balak ko sanang yayain siya para lumabas. Wala na silang ginagawang ga'no ngayon kaya alam kong maluwag na ang schedule niya.

Gaya ng dati ay hinintay ko siya sa corridor nila pero walang chubs na dumadating.

Nasan na kaya yun?

Papasok kaya siya?

Sinubukan ko namang maghanap sa library. Baka nandon siya. Alam kong mahilig siyang magbasa ng mga libro kaya nagbaka-sakali ako na baka naroon siya. Palinga-linga ako sa bawat sulok pero wala pa rin akong nakita.

Nasaan ka na Chubs?

Pumunta naman ako sa cafeteria. Baka kasi kumakain lang sila ni Lauren don. Nilibot na rin ng mata ko ang bawat sulok pero wala din akong nakita.

Sa peace garden, sinubukan ko pero wala din. Ganoon din sa soccer field.

Sinubukan ko namang lumabas ng campus para tingnan siya sa dorm. Sarado daw ang pinto nila at mukhang wala namang tao sa loob.

Nasaan kaya si Chubs?

Iniiwasan niya ba ko?

Umakyat na lang muna ako sa tambayan. Inis akong napaupo at saka napahampas sa table.

Nagulat naman si Drey at kaagad na napatingin sa akin. "Oh! Beast mode na naman si lover boy ah! Ano ba problema?"

"Si chubs hindi ko makita."

"Ano?!!" binalot ang buong kwarto ng boses niya. "Hala ka! Baka naunahan ka na ni Marcus! Niyaya niya na siguro 'yon!"

Inis akong napasabunot sa sarili ko. Iniisip ko pa lang na magkasama sila ay kumukulo na yung dugo ko.

Sinubukan kong tawagan, wala din sumasagot. Hayst. Hindi ko na alam kung saan pa siya hahagilapin.

Nag-iwan naman ako ng text para kahit papaano ay mabasa niya pero hanggang ngayon ay wala pa ring reply.

Inopen ko yung messenger ko. Baka online siya.

Online naman. Ginagamit niya yung cellphone niya. Pero bakit hindi siya sumasagot?

TUKMOL💪:
Chubs

TUKMOL💪:
Nasan ka? Hindi kita nakita sa classroom niyo
Seen

Animo'y pinipiga ang puso ko pagkakakita kong sineen niya lang.

TUKMOL💪:
Wala ka din sa dorm niyo

TUKMOL💪:
Asan ka?
Seen

Sumasakit ang kalooban ko sa tuwing iniignore niya yung mga chat ko.

TUKMOL💪:
May problema ba?
Seen

FUCKKKKK! Napasabunot na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko.

Patuloy lang ako sa ginagawang pagchat sa kanya pero tanging seen lang ang natatanggap ko. Naguguluhan na ko.

Para akong binigyan ng tanong na hindi ko naman mahanapan ng kasagutan.

"Baka naman kasi may nagawa ka o may nasabi kang mali sa kanya kahapon."

"Bro wala!"

Hindi ko na kaya pang kontrolin ang emosyon ko.

Dumating ang gabi pero wala pa rin akong nakukuhang sagot sa mga tanong ko.

"Bro alam kong mahirap yung pinagdadaanan mo pero kailangan mo ring matulog." sambit ni Drey habang nakahiga sa kama niya.

Hindi ko kayang matulog sa sitwasyon na 'to. Inaalala ko si Chubs. Kung okay lang ba siya? May nangyari ba sa kanya? Hindi ko kayang matulog nang hindi nasasagot yung mga tanong na 'yon sa isipan ko.

"Lover boy! Saan ka pupunta?" sambit ni Drey nang makitang napabangon ako sa higaan at saka lumabas. "Hoy! Gabi na at saka ang lakas ng ulan oh!"

Pinaandar ko kaagad yung kotse ko. Napagtanto ko na kung sino dapat ang puntahan ko. Siguradong alam niya kung nasaan si Chubs ngayon.

Ipinasok ko na yung kotse sa bahay namin. Nakapatay ang ilaw at mukhang tulog na sila mommy.

"Lauren! Lauren! Lumabas ka diyan!"

Nakita ko naman na bumaba si mommy sa hagdan. "Ano ba problema mo Jethy boy?"

"Mom si Chubs nawawala. Hindi ko alam kung saan nagpunta." Napasabunot ako sa sarili ko habang sinasabi ko 'yon kay mommy.

"What???!!" Gulat na gulat siya sa sinabi ko.

Nakita ko naman si Lauren na bumaba na rin ng hagdan. Mukhang kakagising lang. "Ano ba kuya? Gabing gabi na oh!"

"Where's Chubs?"

"Ha? Hindi ko alam?" Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Kaibigan mo siya! Siguradong alam mo kung nasaan siya ngayon."

"Please Darling." pakikiusap ni mommy kay Lauren.

Napakamot pa uli siya sa ulo niya bago magsalita.

"Okay fine. Nasa Hacienda siya."
Sa wakas ay napilitan na rin siyang sabihin kung nasaan si Chubs.

Pagkabigay sa akin ng eksaktong lugar ni Lauren ay agad ko ng sumakay sa kotse ko.

I badly need you, Chubs. I missed you. I know it was just a day but I can never spent a moment without seeing you.

__________________☆

-CYRONGRAY













Tune of HeartsWhere stories live. Discover now