CHAPTER 24

265 9 0
                                    

Chapter 24

"So you are really getting married?"

Laurence nodded with a delighted expression. "Yup. Too young, right?" she chuckled and sip on her iced tea.

"I don't think so. I mean you think so maturely so having your own family is good for you. And Chaos's too, he's more mature than I thought he is."

"Sa sobrang mature niya hindi siya nagrereply sa mga messages ko."

Hindi makapaniwalang napanganga ako dahil sa inasal ng kaibigan. Kung normal na babae ko lang siya noon nakilala ay baka normal lang din sa akin na makita ang ganitong side niya pero hindi.

She's really a grown up now. Marunong nang magtampo at magselos base sa kwento ni ate Enna noong nakaraan. Muntik na daw itong manampal ng isang Hapon na nagtatanong ng contact details ni Chaos. Kung hindi pa daw ito nakita kaagad ni Chaos ay nagkagulo na.

"Having my own family? I don't think so. A baby is not part of the plan. That would be in the far future, let's say 10 years from now."

"Wow! You really planned your future! At baka busy lang si Chaos. He's a company Director and a student and so you are. Bakit mukhang wala ka namang ginagawa?"

"Oh, about that? Inako na ni Chaos yung paggawa sa mini thesis na dapat ay partner kami. He said he'll do it alone while hanging with his friends then explain it to me after."

I blink my eyes then afterwards burst into laughter when her words all sinked in to me. Kahit pinagtitinginan na ng mga tao ay patuloy pa rin ako sa pagtawa. Kahit sumakit pa ang tiyan ko ay hindi na yata ako mauulian. Ngayon na lang ulit ako nakatawa ng walang inaalala.

"What the fuck, Cassandra Marie? Stop laughing!" sinamaan ako nito ng tingin at halatang pikon na kaya pinilit kong tumigil.

Pinahiran ko ang luha sa gilid ng mga mata ko dahil sa sobrang pagtawa. I felt so happy like I've never been this happy in my entire life until now.

"Hindi ka na ma-pride? Akala ko makikipag-away ka pa sa mini thesis niyo." natatawa kong sabi at tumingin sa labas ng glass wall para makaiwas sa nanlilisik niyang tingin.

"Ayos na 'yon. Bawas sa mga gawain ko."

"Bawas? E, baka nga siya mismo ang gumagawa ng papers mo!" biro ko dito.

"You're right tho." nakakunot pa rin ang noo nito habang uniinom sa inumin niya.

"Anyway, saan tayo pupunta after this?" pag-iiba ko sa usapan.

She stopped tapping on her phone screen and lifted her chin a bit as if she's in a deep thought. Animo'y pinag-iisipan ng mabuti ang pupuntahan namin.

"I dunno. What about you? Where do you want us to go next?"

Nilingon ko ang relong pambisig at nakitang alas ocho y media na ng gabi. Siguro ay dapat umuwi na muna kami at bukas na ulit mamasyal. Halos 12 hours na rin laming pagala-gala sa mall at pupunta sa kung saan saan. We've been to Arcade for 5 hours, then we ate everywhere. Sa McDonald's kami nagtanghalian after that nagpahinga lang kami saglit bago nagpatuloy sa pag-iikot. Hindi ko na nga mabilang ang mga paper bags na dala namin.

We entered Gucci and she bought us two pairs of matching white sneaker shoes. We went to Chanel and she bought me a pencil cut checkered skirt and a knee-high leather boots while she bought herself a high waisted jeans.

"Here. Give this to my goddamn childish cousin."

She gave me a Givenchy paper bag. Eto iyong black shirt na pinili niya kanina. Actually dalawa ang binili niya siguro ay para kay Chaos ang isa.

Dark Phoenix #2: Echoes Of LiesWhere stories live. Discover now