Kinakailangang kami mismo ang maging modelo. Sapagkat kahit anong gawin ay sa amin pa rin sila nakadepende.

Ako mismo ang bumasag sa katahimikan. "Anong kakainin mo?" Bigla ay tanong ko.

"Baka hindi mo magustuhan kapag sinabi ko sa iyo ang gusto kong kainin," sandaling sumulyap sa akin si Kai. 

Hindi ko alam pero sa tuwing ang lalaking ito ang kaharap ko ay pakiramdam ko ang dumi ng aking utak. Lalo pa't nakakadumi ng utak ang mga ngisi niya.

Pasiring akong tumingin kung saan, "Sige sabihin mo, ano ba iyon?"

"Gusto ko ng tulya iyong fresh," makahulugan niyang sambit. Umarko ang aking kilay. 

Hindi ako pamilyar sa request niya.

"Sawa na kasi ako sa tahong," nahalata niyang hindi ko alam kung ano ang tulya. Kaya naman nag-ngising aso siya, "Ang tulya ay baby crams sa english ang tahong naman ay mussels." Madilim ko siyang tiningnan.

Humalakhak si Kai, "Oh, bakit ganyan ka makatingin?" He asked between his chuckles.

"Hindi ako tanga alam ko iyon. Sadyang hindi lang ako pamilyar sa termino niyong  tulya." Binigyan ko si Kai ng mapaklang ngiwi. Nakakasira siya ng ulo sa totoo lang. 

"Iyon naman pala eh," bumungisngis siya.

Marahan ko siyang sinamaan ng tingin. Kung nakakamatay lang ang aking tingin ay kanina pa nakabulagta ang isang ito. 

"Alam mo ikaw? Ang bastos mo! Pati ako nagiging madumi na ang pag-iisip dahil sa iyo! Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo?"

His eyes widened naughtily, acting as if I uttered something unbelievable. 

"Oh, bakit naman nadamay ang nanay ko diyan? Masama ba na gusto ko ng tulya dahil sawa na ako sa tahong?" Gusto kong hablutin ang kuwelyo niya at tanungin kung inaasar niya ba ako. 

"E, bakit kailangan mo pang sabihin iyan sa akin?" Asik ko. 

"Dahil iyon naman talaga ang gusto kong kainin..." naningkit ang mga mata niya. "Teka, ibang tulya't tahong ba ang nasa isip mo?" pakiramdam ko ay tataasan ako ng dugo sa lalaking ito. "Iyong tahong na laging nakangiti?" Literal akong pinanlakihan ng mata. I'm not shallow, I know what he's trying to point out. 

Grinned engraved on his face, permanently, "Wag kang mag-alala, Rin. Hindi pa ako nakakatikim niyan. Nakakakita oo, pero nakakatikim? Hindi pa naman. Teka… wag mong sabihing mahilig ka roon? Gusto mo subukan natin?" Hindi makapaniwala ko siyang dinuro.

"Pwede ba—pwede ba? Itikom mo ang madumi mong bibig!" Hindi ko maalaman ang dapat kong sabihin. Hindi ako sanay na open sa mga ganitong bagay. Sa Norte ay walang nag-uusap ng mga bagay tulad ng pinagsasabi niya. Bago pa man ako makapaglabas ng sasabihin ay nagsalita na si Kai.

"Don't tell me na pinagbabawal ding kumain ng tulya rito sa bansa niyo?" Walang enerhiya siyang bumuntong hininga. Para siyang nalugi. 

"Sayang naman kung ganon. Sa tingin ko pa naman ay masasarap ang klase ng mga tulya dito." Paulit-ulit akong napamura sa isipan dahil hindi ko malaman kung pagkain ba ang sinasabi niya o kabastusan lamang. 

Napapikit ako, nagtitimpi, "Kasi naman, iba ang nasa isip mo! Napakadumi mo! Sekkiya!" Jerk.

Hindi ko kayang sabayan ang mga pinagsasasabi niya.

Nakangising napailing si Kai. Siniguro niyang gwapo siya sa ganoong anggulo. "You're really weird, Rin. Your actions are really confusing me. It seems like you are not comfortable with this topic. Ganito ba talaga sa bansang ito? O naa lang juy sayop sa imo?" Pilit kong pinakalma ang sarili kahit hindi ako pamilyar sa huling salitang sinabi niya. 

"Wala itong kinalaman sa bansa namin. Hindi lang talaga lahat ng lalaki ay kayang sabayan ang kadumihan ng isip at bunganga mo! Hindi lahat ng lalaki ay katulad mo!" Inis na usal ko, siniguro kong seryoso. Sa paraang lalaking-lalaki at matino.

"Ang tanong," binitin ako ni Kai  

Nilayo ko ang aking sarili sa kaniya dahil nagbaba siya ng tingin at pinagpantay ang mga mukha namin. Subalit mapang-asar siya dahil dahan-dahan niya pang nilapit ang mukha sa akin.

Naramdaman ko ang hininga niya, "Lalaki ka ba talaga?" Pinigilan kong panlalaki ng mga mata dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan narinig. 

Nanginig ang tuhod ko, "O-Oo naman l-lakaki ako," nauutal ngunit matigas kong katwiran. Malaki ang boses.

"Talaga lang, ah?" Sa bawat paghakbang niya palapit sa akin ay paghakbang ko naman palayo sa kaniya. "Meron ka talagang tinatago sa akin. Akala mo hindi ko mahahalata?" Ang nakakalokong ngisi ni Kai ay nagdulot ng kaba sa dibdib ko.

Masyado ba akong halata? Solma! Alam na ba niya? Andwaeyo… 

Bigla ay pinagsisihan kong pumayag akong tulungan siya. Sana ay tahimik ako at walang pinoproblema ngayon.

"W-Wala akong tinatago sa iyo!" Buong lakas ko siyang tinulak sa dibdib. Umarte akong para bang ako ang pinakamaangas na tao sa mundong ito.

Ganoon nalang din bumagsak ang tingin sa akin ni Kai. Iyong tipikal niyang itsura. Nakangisi ngunit bakas pa rin ang kagwapuhan sa kaniyang mukha. Gumalaw ang labi ni Kai. Mabilis niyang inilang hakbang ang pagitan namin. Tumigil siya sa harapan ko, binaba ang labi niya sa aking tainga.

I feel his breath. Ang init noon. 

Kaya ito ako ngayon, pigil ang hininga at halos manigas ang tuhod. Hindi makagalaw. Mas lalo akong nanigas sa ibinulong niya. 

"You can't fool me, baby…"

Love In Disguise (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن