Chapter 53: Save

En başından başla
                                    

"Okay na?"tanong ko

"If something bad happens to you, mameng will surely fire you for being my tutor."sabi nya habang nakahawak ang mga kamay sa baba

"Ha?"

Nagulat ako ng bigla nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko, as in lapit na lapit.

"Pipikit ko na lang mata ko para di ko maisip na ikaw yan."sabi nya

Nanlaki ang mata ko ng unti unti syang lumapit sakin, nakapikit ito tapos nakanguso. Teka. Hahalikan nya ba ko?

Agad akong tumayo kaya naman napasubsob sya sa higaan

Sinamaan naman nya ko ng tingin

"Bakit ka umalis?"naiinis na tanong nya

"A-ano ba kasing ginagawa mo?"tanong ko

Ang lakas ng kabog ng puso ko...

"Tsk. Next time na lang siguro."sabi nito tsaka umalis sa kama

"May pupuntahan ako,bukas ka na ulit bumalik para magturo."sabi nya ng nakangiti tsaka umalis na ng kwarto nito

Napahinga naman ako ng malalim at napahawak sa dibdib. Malakas pa rin kabog ng dibdib ko.

Inayos ko na ang mga gamit tsaka nagpaalam sa lola ni Pier na uuwi na. Ayos din kasi mababantayan ko si nanay at hindi na ko masyadong gagabihin.

Naglalakad ako palabas ng village nila Pier ng biglang may humarang sakin na tatlong lalaki. Mukhang mga lasing sila. Mga amoy alak kasi.

Yumuko ako tsaka umiwas ng daan pero humarang ulit sila

"Kita mo yan dude? Ganyang ganyan yung nerd na pangit sa school natin HAHA"

Humigpit ang hawak ko sa mga libro at hindi makagalaw sa kinatatayuan

"Oo nga noh? Sobrang pangit nya pala pati yung buhok nya kulang na lang iluto,parang pansit canton na eh."natatawang sabi nung isa

Akmang hahawak yung isa ng may pumigil sa kamay nito at tinulak sya

Napatingin ako sa tumulak.

Seryosong mukha ni Pier ang bumungad sakin

"Is there any problem here dude? Are you insulting my girlfriend? Ow wait, may balak ba kayong masama sa kanya?"tanong nito

Napaatras naman yung tatlong lalaki at agad agad na umalis sa harap namin

Napayuko na lang ako at hindi nagsalita

Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Pier at pinapasok sa kotse nya

"Hindi safe maglakad dito pag gabi. Nagtatricycle ka dapat palabas."sabi nya

"Sakto lang kasi yung pera ko pang jeep."bulong ko

Narinig kong bumuntong hininga si Pier

"Turo mo yung daan papunta sa inyo"sabi nya

Tumango na lang ako at itinuro sa kanya ang daan

Pagkarating namin brgy namin ay nagpaalam na ko at nagpasalamat sa kanya.

"Salamat."nakayukong sabi ko sa kanya at lumabas na ng sasakyan.

Nakayuko lang akong naglalakad papunta sa bahay

Muli kong nilingon yung sasakyan ni Pier at andun pa rin ito hanggang sa makapasok na ko sa bahay.

----

"Grabe kinakabahan na talaga ako sa Event sa Wednesday."sabi ni Deil

"Wednesday na daw ba yung Battle of the Bands? Akala ko Friday?"tanong ni Diel

Umiling naman si Deil

"Inadjust nila kasi gagawing friday na yung sa basketball."sagot ni Deil

Napatingin ako kay Zey na kumakain lang

"Zey magkakilala ba kayo nung Xaymond?"tanong ni Diel kay Zey

Napatingin naman si Zey at kumunot ang noo

"We know each other pero hindi kami close."sabi nya

"How come?"curious na tanong din ni Deil

"Ex-boyfriend sya ng friend ko sa U.S"

Tumango lang silang dalawa

Napatingin ako sa pintuan ng cafeteria at nakitang pumasok yung Xaymond

Nakangiting pumunta ito sa pwesto namin

"Hey Zey. Remember what we've talk about?"sabi nito tsaka nakisingit na naman ng upo sa pwesto namin

Pangalawang beses na to.

"Sila Liam."sabi ni Diel kaya napatingin kami sa pinto ng cafeteria ng pumasok ang pitong magkakaibigan

Naglalakad sila palapit samin

Nakita kong ngumisi si Xaymond at napailing

Ano kayang meron sa kanila?

"Pwede ba kaming makisamang kumain?"tanong ni Henz

Tumango lang kami tsaka nila inadjust yung mga upuan para magkasya kaming lahat

"So bakit ka pala nandito Xaymond? Ang daming ibang tables."sabi ni Liam

Ngumiti lang ito tsaka tumingin kay Zey

"May pinag-usapan kami ni Zey, kung ano man yun amin na lang dalawa yun. And it doesn't matter to them right?"tanong nito samin

Tumango na lang kaming dalawa ni Deil habang si Diel naman ay umirap

Sumama naman ang tingin ni Liam kay Xaymond at wala ng sinabi

Naramdaman ko naman na tinapik ako ni Pier at may inabot na papel

'Wag ka na muna magtutor mamaya, busy kami sa battle of the bands para sa wednesday.'

Tumango na lang ako kahit hindi nakatingin sa kanya

Valid naman yung reason kaya siguro maiintindihan ng mommy nya kung tumawag ito mamaya,lagi kasi itong natawag kapag tapos ng turo ko.

"Bakit hindi ka na lang samin sumama?"sabi ni Liam kaya napatingin kaming lahat sa kanya

"Seryoso ka ba?"natatawang sabi ni Xaymond

Nagkibit balikat si Liam

"We'll know."

Nararamdaman namin yung tensyon sa pag-uusap nilang dalawa kaya tahimik lang kaming kumain at hindi na naki-usyoso sa kanila.

----

AUTHORS NOTE!!!!

TRY KO ULIT MAG-UD MAMAYAA!! LUVLOTSSS 💓 mwaaapsss 😚😚 Happy Reading people!! Ingat pa din kayoooooo lagiiiii 😄

Weston High | On HoldHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin