Chapter 10

13 0 0
                                    

It is the day of operation. Kalmado si Sakurang nakahiga at hinihintay na kunin siya ng OR staff para sa scheduled operation niya. Nandoon ang buong pamilya niya, si Kiro at ang mga foster children niya. She smiled at them.

Her mom approached her.

"Nak, kakayanin natin ito ah, just relax..." sabi nito sa kaniya, nangingilid ang luha.

"Nay, don't cry... don't worry too much...I love you..." sabi ni Sakura while holding her hands.

Lumabas ito ng kuwarto nang hindi na mapigilan ang luha. Lumapit naman sila Basti at mama and papa nito.

"You have been there with us when it seemed impossible..." sabi ng kuya niya.

"We will be here for you until you get well, sis..." sabi ng hipag niya.

Napangiti si Sakura sa kanila. Basti then hugged her and she hugged him back.

Pumalibot naman sa kaniya ngayon ang mga ampon niya, tahimik na tahimik silang apat.

"Oh walang iiyak! Hindi pa ako patay!" warning ni Sakura.

Kaso tuluyan nang umiyak ang apat and they hugged her again.

"Tsk, sabi nang walang iiyak eh!" sabi ni Sakura feeling her tears also flowing from her eyes.

"Nay, fight po ah!" sabi ni Jael nakamostra ang kamay.

Napangiti si Sakura at ginaya ang kamay niya to show fight sign. Napabuntong hininga si Sakura.

"Magpakabait kayong apat, may pingot kayo sa akin after ng surgery na 'to kapag nalaman kong nagpasaway kayo ah!" sabi ni Sakura.

Biglang napahawak sa mga tainga nila sila Von at Joshua.

Pumasok na ngayon ang ilang nurses na magdadala sa kaniya sa Operating Room.

Hinawakan ni Kiro ang kamay ni Sakura.

"Are you ready?" tanong nito sa kaniya.

Napangiti at napatango si Sakura sa kaniya. He then kissed her in the forehead and accompanied her with the nurse hanggang sa makarating sa pintuan ng OR.

"Sorry sir, hanggang dito na lang po tayo..." sabi ng nurse nan aka-scrub suit.

He does not want to let go of Sakura's hand, but he should. Slowly he let go of her hand but his lips told her, "I love you..."

She smiled at him for one last time and then the OR door shut in between them.

The time for agonizing waiting game began. Hindi mapakali ang mga bata akyat baba sila sa Operating room at sa kuwarto ni Sakura. Sakura's mom kept on praying. Si Kiro naman nakabantay sa labas ng OR, tatayo, uupo, maglalakad. His heart kept on beating nonchalantly.

Five hours passed by... Seven hours... Twelve hours...

Nag-aabang na sa labas ng OR si Kiro, Rechelle, Von, Joshua at Jael. Nang mapansin nilang may papalabas nang naka-scrub suit at nag-aalis ng face mask. Siya na ata ang surgeon ni Sakura...

"Doc, how is she?" nag-aalalang tanong ni Kiro nang lumabas na ang doctor.

Napahawak ang doctor sa braso ni Kiro, tahimik lang. napabuntong-hininga ito at saka umiling. Natulala ang lima sa doctor.

Wanted: Perfect Foster FatherWhere stories live. Discover now