Chapter 7

9 0 0
                                    


Biglang naalala ni Sakura ang envelope na bigay ng parents ni Jael pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nailapag. Bumaba uli siya para hanapin ito. Naghahagilap siya sa sala pero hindi talaga niya maalala kung saan niya ito inilagay.

"Nak, ito ba ang hinahanap mo?" tanong ng nanay niya hawak ang envelope.

"Nay, opo. Kinabahan po ako akala ko Nawala. Bigay ito ng parents ni Jael hindi ko alam kung ano ang laman..." sabi niya at saka sinikap na buksan ang lalagyan.

Nagitla siya sa nakita, trip for two to Europe.

"Nay, will you come with me?" tanong niya sa nanay niya.

"Saan?" tanong nito sa kaniya.

At ipinakikta niya ang voucher.

Nagyakap sila sa kasiyahan. What a pleasant surprise!

"Kailan tayo aalis?" tanong ng nanay niya.

"Kapag nakauwi na ang mga anak ko nay sa kanilang mga pamilya... puwede na tayo umalis, kuha muna tayo visa.." sagot ni Sakura.

"Gusto ko makarating ng Switzerland..." sabi ng nanay niya.

"Mt. Alps I know, we'll see, mom..." sagot ni Sakura.

Few months passed by, parating na rin ang nanay ni Joshua from Singapore.

"Joshua, this is it na..." sabi ni Sakura kay Joshua habang hinihintay nila sa airport ang mama nitong si Crezel.

"Nay... this is not goodbye..." sabi ni Joshua habang naka-akbay sa kaniya.

"Of course nak..."

"Von, Rechelle, kayo na bahala kay nanay ah..." bilin nito sa dalawa sabay kindat.

"Tito Kiro... ang nanay po namin ah..." sabi ni Von kay Kiro na katabi rin nila.

Nagkatitigan si Kiro at Sakura at nagkangitian.

"Kara!!!! Joshua!!!!" sigaw ni Crezel nang makita sila.

Nagyakap yakap sila.

"For good na ba ito o bakasyon lang?" tanong ni Sakura sa kaibigan.

"For good na ito. Naka-ipon na ako ng konting puhunan sa negosyo, mabubuhay na kami ni Joshua..." sabi nito at yakap kay Joshua.

Umakbay naman si Kiro ay Sakura, habang nakahawak naman sa kamay ni Rechelle si Sakura. Tinitigan sila ni Crezel.

"Best, baka may gusto kayong ikuwento ni Kiro ah..." sabi ni Crezel.

Nangiti si Sakura.

"Wala! Asan na pasalubong naming?" tanong ni Sakura.

"Ay, oo nga! Teka puwede bang sa restaurant tayo magkalkalan ng pasalubong?!" sabi ni Crezel.

So they went on a nearby restaurant across NAIA 3 sa may Resorts World area.

"Oh, ito para sa'yo Kara, ito para sa'yo Kiro, Ito kay Rechelle at Von, teka asan si Jael???" tanong ni Crezel.

"Hindi pa ba sa'yo nakuwento ni Josh na umuwi na sa kanila? Malaya na ang parents niya..." sabi ni Sakura.

"Oh, good to hear. Eh ito pakibigay na lang... saka ito kila mama mo..." sabi ni Crezel.

Wanted: Perfect Foster FatherWhere stories live. Discover now