Chapter 4

10 0 0
                                    


Napayuko si Sakura sa narinig.

What's new? Akala ko ok na ako, umasa pa rin ba ako? Wala naman na akong pakialam dapat diba? Kung sino man 'yun kung gusto na niyang mag asawa, dapat hindi na ako affected.

Mga salitang umaalingawngaw sa utak ni Sakura.

"Kara, are you ok?" tanong ni Kiro sa kaniya.

Pilit siyang ngumiti.

"Yes, I'm ok... tara na, it's getting dark already..." sabi ni Sakura.

"Oh, ok.." sagot ni Kiro.

Kagyat na tumayo si Sakura at tinawag ang mga bata at ang mama niya.

On their way home...

"Sinong gusting pumasyal sa Enchanted Kingdom?" tanong ni Kiro.

"Kami!!!" sabay sabay na sagot at taas kamay ng mga bata.

"Good! Next weekend, sa EK naman tayo!" sabi ni Kiro.

"Naku hindi na ako sasama diyan, bahala na kayong dalawa sa mga bata ah" sambit ng mama ni Sakura.

Napatingin si Sakura kay Kiro. Ngiti naman ang itinugon ni Kiro dito.

Pagdating sa bahay..

"Ok kids, what will you say to Tito Kiro?" sabi ni Sakura.

"Thank you po." Sagot nila in chorus.

"You're welcome. See you all next week!" sagot ni Kiro.

Inihatid ni Sakura sa may gate si Kiro.

"Thank you for today Kiro.."

Tumitig sa kaniya si Kiro at ngumiti.

"I wish that you'll get to do what you wanted to do here in Manila... I want you to be happy." Pagpapatuloy ni Sakura.

"Good night, Kara." Matipid na sagot ni Kiro at saka sumakay sa kotse niya at kumaway bago umalis.

Sa kuwarto ng mga boys...

"Hindi talaga ako naniniwala na magkaibigan lang sila..." panimula ni Von.

"Bakit na naman?" tanong ni Joshua.

"Basta, pakiramdam ko may gusto kay nanay si Tito Kiro..." sambit ni Von.

"Eh mukha namang mabait e... mukhang gusto namang maging tatay natin..." sagot ni Joshua.

"Kailangan natin masiguro na hindi niya lolokohin si nanay..." sabi ni Von.

"May plano ka ba?" tanong ni Joshua.

"Sa EK..." tugon ni Von.

"Sige, Sali ako diyan..." sagot ni Joshua.

At nagbulungan silang dalawa.

Sa girl's room naman...

"Ate Rechelle, pano kaya pag nagkatuluyan si nanay at tito Kiro?" tanong ni Jael.

"Edi masaya may tatay na tayo... kumpleto na pamilya natin..." sagot ni Rechelle.

"Pero may gusto ba talaga siya kay nanay?" tanong ni Jael

Wanted: Perfect Foster FatherWhere stories live. Discover now