Ikakasal ba kasi at kailangan magpictorial?!!

Pinukpok ko yung sarili ko sa naisip ko.

Fuck! Anong kasal?

Kay Jade lang ako ikakasal ano ba?! Tama kay Jade lang!

Humugot muna ko ng malalim na hininga bago magsalita.

"Mom. Tama na. May nililigawan na kong iba."

Halatang nagulat ang reaksyon ni mommy sa sinabi ko.

"Ano?! Wag mong sabihin yung babae na 'yon Jethy boy?" sabay turo niya kay Jade.

Hindi ako makasagot.

"Well, I don't like her!"

Fuck.

"I don't need your opinion mom. I love her."

Napasapo sa ulo si mommy dahil sa sinabi ko. Wala akong pake kung hindi nila gusto si Jade.

Nagulat ako nang tingnan ko ang kinaroonan ni Jade. Wala na siya don sa pwesto niya.

Fuck! Napasabunot ako sa ulo ko.

Dali dali akong tumakbo para hanapin siya.

Nakita ko siyang nakasandal sa pinto ng C.R. habang umiiyak.

"Your mom doesn't like me, Jeth. She like Shinea over me." isinandal ko siya sa balikat ko at doon hinayaang umiyak.

"Wala akong pake sa sinasabi nila. Hinding hindi ko magugustuhan si chubs, okay?"

Nakakainis na! Bakit ba nila kasi pinagpipilitan yung mataba na 'yon? Hindi ba nila alam kung gaano kasama ugali non?

Pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain niya. Para gumaan yung loob niya kahit papaano.

"Ito oh. Kumain ka muna." sabay abot ko sa kanya ng binili kong sandwich sa cafeteria.

"It's okay. Busog ako Jeth."

"Okay."

So ayon. No choice ako. Ako din kumain ng binili ko. Hayst.

"Dewford Universityyyy!" sigaw ng emcee. Nagsigawan naman ang mga manonood. "Handa na ba?!"

Nakakabingi ang sigawan ng mga nanonood dito sa gymnasium.

"Let's all start with the Blue Skies band! Around of applause everyone."

"Nako! Wala yan! Mas magaling kami diyan." dinig kong komento ni Drey.

"Boka! Yabang mo!" inis na sambit ko sa kanya.

"Gulat ako sa banda ni Marcus ah. Kinuha si Shea bilang vocalist nila. Mukhang hindi naman kumakanta yun eh!" tumawa pa. Talaga naman eh. Malakas lang naman talagang mangarap.

Nang magsimula ng kumanta ang blue skies ay bigla na namang napakomento si Drey.

"Tssk. Wala talaga."

"Pucha ka Drey Adriano! Pag natalo kayo, kukutusan talaga kita."

Tinawanan lang ako ng loko.

"Oh sunod na kami!" Biglang napatayo sa kinauupuan si Drey. "Yiee!" nang-aasar pa dahil nakita niyang nakaakbay ako kay Jade.

"Everyone, handa na bang kiligin kay Drey Adriano ng T3?" biglang naghiyawan ang mga manonood. "Okay. Let's hear it for Blue Colonyyyyy!"

Nakatuntong na nga sila Drey sa stage.

"Shout nga po pala sa kolokoy kong tropa! Jethroy Andrada!" sambit ni Drey pagkatuntong niya sa stage. "Pati sa kanyang soon to be girlfriend."

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now