[Ch.53] Losing You

Magsimula sa umpisa
                                    

"But you know what's the catch there?" Marahas kong pinunasan ang mga luha sa pinsgi ko. "Hindi siya nawala. Nariyan lang siya. Napagod lang siya sa akin. He didn't leave; he just gave up on me. Napagod lang siya." Nanghina ang tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. My tears were running down my cheeks.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Just hate me, it would be easier that way. So I wouldn’t have to carry more guilt in my chest. So we’d be equal. Just hate me. "You don't have to wait for him. You don't have to wait anymore. Ako 'yung narito. Ako 'yung hindi mapapagod," bulong niya sa akin na siyang nagpalambot ng tuhod ko.

Bahagya niyang niluwagan ang pagkakaakap sa akin, tama lang upang makita ko ang mukha niya. Inalis niya ang mga hibla ng takas na buhok sa mukha ko. "I'm sorry. I'm sorry for shouting at you. I'm sorry."

I didn't know how I was able to walk to get away from Ian's home. Hindi ko alam kung saan pa nanggaling iyong lakas ng tuhod ko. I felt so fragile. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ako. Na ano mang oras ay hindi ko na lang kakayanin ang lahat.

Huminto ang sinasakyan naming taxi ni Jiro sa tapat ng bahay namin. He hasn’t uttered anything. Sinabi lang niya sa taxi driver ang address ko kanina at hindi na siya umimik pa. Inabot niya ang bayad sa taxi at lumabas ng sasakyan.

"Aya..." he said when we reached the patio near the garden. Umupo siya roon at umupo ako sa tabi niya at humarap sa kaniya. I knew I looked like a mess. Buti na lang at wala si mama ngayon dahil may inasikaso siya sa Cebu. Kung nandito siya at makita niya akong ganito ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. I was sure she’d ask, and I wouldn’t know what to answer her.

"Ella's mad at me. Ian's mad at me—"

"I'm mad at you, too." Parang biglang tinarakan ang dibdib kong kanina pa durog na durog. I'm drowning. Drowning in pain.

"But this is nothing," he said, shaking his head. Nagulat ako nang abutin niya ang kamay ko. He rubbed the top of my hands. He held me so cautiously. Hinanap niya ang mga mata ko. "I like you." Nalaglag ang panga ko. It was the least, least thing I ever expected from him at this point in time. Kinagat niya ang labi niya at umiwas ng tingin.

"I love you," sabi niya na para bang itinama niya ang sarili niya. Tears started welling up my eyes. Hindi ko alam na may iiyak pa ako. I thought I was too drained to cry more. But I was wrong. Nabuhay na naman ang sakit sa dibdib kong nagawa kong ikubli.

"Don't do this, Jiro. Please." Iyon lang ang nasabi ko. I wanted him to stop. I wanted him to retract everything that he has said. Ayokong mapunta sa kung saan ito. I didn't want to lose him in any way possible. "No."

"Nalaman ko 'yung tungkol sa inyo si Paolo sa Bolinao," pagbabalewala niya sa pagpigil ko sa kaniya. Nalaglag ang panga ko. I wanted to speak up, but I didn't know what to say. Paano? Why didn't he tell me, then? "No'ng una, I found it really odd, preposterous even. Bakit mo naman ba kasi magugustuhan 'yung sarili mong pinsan, 'di ba?" Tinignan niya ako. "It started that way... until I got so curious about you." Huminga siya nang malalim. "And that curiosity branched into so much more."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Give up on him. Sasaktan ka lang niya." I carefully met his gaze. Nanginginig ang titig niya sa akin. "I'd be patient on you. I'll wait 'til you're ready. Hihintayin kong makalimutan mo siya. I'd just stay by your side. Hindi ako mapapagod. Hindi ako aalis."

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon