Siguro dahil iba 'yung feeling na nakakasabay ko s'yang kumain sa canteen lang, pero ngayon ay sa isang class restaurant.



Sa tingin ko talaga suwerte ang magiging future wife nito. Biruin niyo kasi nasa kan'ya na ang lahat!. Grabeh sinalo n'ya yata ang lahat ng blessing na binigay ni lord at wala man lang s'yang tinira sa iba kahit konti?! Nasaan ang hustisya? Jowk!.




So yun nga.. he acted really like a real boyfriend hehehe boyfriend naman talaga kasi un ang role n'ya. Alam n'yo 'yon? Napaka gentleman naman this boy. Ipinagtulak n'ya lang naman ako ng upuan. Tapos yung puso ko para ng sasabog sa sobrang kilig! AHEM! FIRST TIME LANG KASI!. 



Nang dumating na ang pagkain namin ay agad 'kong kinain ang pasta. Isa kasi 'yon sa favorite ko. Lagi kasi akong pinag lulutan ni mommy no'n for my mirenda time, nung bata pa ako at hanggang sa kasalukuyan narin. Those memories are still in my mind and of course to my heart. Hindi na siguro 'yon mawawala hanggang sa aking pagkamatay. 




Mamaya ay bigla akong nagulat ng biglang may nakatapat sa akin na kutsara. Oh m g! Ito ang isang bagay na hindi ko inaasahang gagawin n'ya!----ang subuan ako!.




"Say ahhh... Nandyan na ang airplane.." sabi pa n'ya. Kaya naman tinignan ko s'ya ng masama.



"Ano? Ano ako bata?" Pagtataray ko.



"Hahaha joke lang ito naman pinapasaya lang naman kita eh" sabay kamot n'ya sa batok.



"Eh?" Yun lang ang nasabi ko at sinubo ko narin 'yon baka kasi mangalay pa, kawawa naman.




"Are you okay?" Sabi n'ya at agad naman kumunot ang noo ko.



"Ba't mo natanong?"




"Nakatulala ka kasi kanina habang tinititigan ang pasta."




"Ah..." Napansin n'ya pala 'yon. " Wala may naalala lang ako." At pinagpatuloy nalang ulit nag pagkain.



"Si tita ba?" Tanong n'ya at tumango nalang ako. Nagulat naman ako ng bigla n'yang hawakan ang kamay ko. 



"B-bakit?" Kinakabahan kong sabi.




"Don't be sad okay? Nandito lang ako para sayo lalo na boyfriend mo ako."




Boyfriend... Wow! Bakit parang nakakakilig pakinggan? 




"O-okay.." at ngumiti sa kan'ya para sabihing okay naman talaga ako. Pero in reality talaga is kinikeleg ang lola n'yo! Hoho.

100 DAYS OF RELATIONSHIPWhere stories live. Discover now