Nasa sala ako nang tumawag si Zarrick. Nasa kompanya ito ng pamilya at marami raw itong kailangan asikasuhin. Dinig ko kasi ang mga paalala ng kaniyang sekretarya. Ang dami dami nitong sinasabi na hindi ko na nasundan.

Nanatili si Zarrick na katawagan ako sa telepono, mag-aapat na oras na nga ang tawag niya sa akin. Napagpasyahan ko pang kantahan siya habang abala parin siya sa pagtatrabaho.

Itinutok ko ang aking labi sa speaker ng cellphone at nagsimula na ngang kumanta.

"Hey, have you ever tried

Really reaching out for the other side

Maybe climbing on rainbows"

I smiled. Narinig ko rin ang pagtigil ng kaniyang kamay mula sa pagtipa sa kaniyang laptop.

"But baby, here goes..."

Hindi na mawala-wala pa ang aking pagkakangiti.

"Dreams, they're for those who sleep

Life is for us to keep

And if you're wondering what this song is leading to

I want to make it with you"

Huminto ako sandali, wala na kasi akong naririnig sa kabilang linya kaya naman sinulyapan ko ang screen, patuloy parin ang pagdagdag ng numero doon. Naroon parin si Zarrick.

"Zarrick?" Paninigurado ko kung naroon pa nga ba siya. Baka naging abala na kasi siya sa kaniyang trabaho.

"Continue, doll. I'm listening. You have an angelic voice"

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.

"I really think that we could make it, boy

No, you don't know me well

In every little thing will only time will tell

But you believe the things that I do

And we'll see it through

Life can be short or long

Love can be right or wrong

And if I chose the one I'd like to help me through

I'd like to make it with—"

Mabilis akong napahinto nang mapansin si ate Harrietta. Natigil tuloy ako sa pagkanta. Napatay ko pa ang tawag ni Zarrick sa akin. Napailing siya sa akin. Papasok na siya sa kusina nang tanungin niya ako.

"Anong gusto mong almusal?"

"Pancake nalang, ate, or hot choco!" Medyo namumula kong sagot sa kaniya.

Nanatili ako sa sala nang ilang sandali para itext si Zarrick na nakita ako ni ate kaya natigil ako. Sunod sunod na kasi ang mga text niya sa akin. Nabigla pa ako nang biglang tumawag si Zarrick sa face time. Nasagot ko tuloy yon sa pagkakataranta, baka bumangis ang leon.

"Hey, sorry. Dumating kasi si ate—"

"You should have continue singing, you want to make it with me. Say it, doll, and call me baby again"

Napanganga ako sa kaniya. Napailing na rin pagkatapos.

"I'd love to make it with you, baby" nangangamatis nanaman ang pisngi ko panigurado. "Sige na, susundan ko na si ate sa kusina at baka sabunutan na ako noon"

"Erriah, halika na dito. Kumain ka muna. Mamaya na 'yang pagiging call center mo. 'Di ka naman sumusweldo d'yan"

Nabigla na lang ako kay ate nang nasa likuran ko na pala siya. Mabuti na lang at wala na doon si Zarrick. Black na kasi ang screen cellphone ko.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONDove le storie prendono vita. Scoprilo ora