First Crush

38 0 0
                                    

Dear Ridon, 

Grade 1 ako noong una kita nakita. Admiration is the most appropriate term to describe it.

First day of school pinakilala ka na sa'kin ng lola ko kasi kaibigan niya ang nanay mo.

Wala na akong maalala na mga usapan natin pero malinaw pa rin sa'kin na ikaw ang unang crush ko.

There's this one moment na pinakuha ka ng teacher natin ng gumamela. Tumakbo ka papalabas ng room at pumitas ng isa sa may school garden. That day, ang lesson is parts of the flowers.

After ng lecture, binalik sa'yo ni mam yung flower at binigay mo sa'kin. Todo, kilig naman ako kahit di ko alam ang meaning ng feeling na 'yon.

Naging mag-kaibigan tayo. Sabay tayo lagi umuwi kasi iisa lang tayo ng service na tricycle. Ang tanda ko ay dalawang bentsingko lang ang pamasahe ko noon, but I'm not sure though.

Ikaw ang top 1 at top 2 ako sa klase pero one day iniuwi na ako ng tatay ko sa amin.

Sorry kung 'di ako nakapagpaalam. Araw ng wika 'yon noong sinundo niya ako.

Naaala mo kaya na ako yung kasama mo sa performance natin that day? Yung partner mo sa school performance for nutrition month?

Sorry kung nawalan ka ng partner. Bigla na lang kasi kami bumyahe ng tatay ko nung madaling araw.

Paggising ko, nasa ibang probinsya na ako, kasama ko na ulit pamilya ko.

Umuwi ulit kami kay lola during Christmas and to my surprise, bumisita kayo ng family mo sa bahay pero 'di mo na ako pinansin.

I want to thank you for giving me this first batch of butterflies soaring my young little heart.

Love,  Catherine.

Letters to my CrushesWhere stories live. Discover now