Si Juan and Pedro 1.0

26 2 0
                                    

Si Juan and Pedro 1.0

Pedro: Hindi naman delikadong tumalon d’yan sa tulay.

Sinubukan ni Juan tumalon. Dahil nabalian siya, dinala siya sa hospital.

Juan: Langya ka Pedro! Akala ko ba hindi delikado tumalon sa tulay??!

Pedro: Hindi mo naman kasi ako pinapatapos. Hindi naman talaga delikado tumalon, yung pagbagsak sa dulo ang delikado.

*   *   *

Pedro: Anong ginagawa mo?

Juan: Nagda-drawing ng baka na kumakain ng damo.

Pedro: Asan ang damo?

Juan: Kinain na ng baka.

Pedro: Asan yung baka?

Juan: Umalis na. Wala ng damo e.

*   *   *

Juan: Ang sama ng panaginip ko kagabi!

Pedro: Ano?

Juan: Nanaginip ako na kumakain daw ako ng napakalaking burger.

Pedro: Anong masama dun?

Juan: Pagka gising ko kasi, wala na yung kalahati ng unan ko.

*   *   *

Juan: Gusto mo ba makarinig ng maraming joke?

Pedro: Sige

Juan: Joke, joke, joke, joke, joke.

*   *   *

Juan: Nasan ang “Park?”

Pedro: Wala namang park dito.

Juan: Weeh? Eh bat nakalagay “Park here”?

*   *   *

Juan: Nawawala yung aso ko.

Pedro: Bakit hindi mo ipanawagan sa radyo?

Juan: Para saan pa? E hindi naman yun nakikinig ng radyo e.

*   *   *

Pedro: Kakalipad ko lang galing amerika.

Juan: Siguro ang sakit na ng kamay mo.

*   *   *

Juan: May narinig akong joke. Nasabi ko na ba sayo?

Pedro: Nakakatawa ba yun?

Juan: Oo

Pedro: Edi hindi mo pa nasasabi saakin.

*   *   *

Juan: May butas ba yung brief mo?

Pedro: Nakaka insulto ka na ah! Syempre wala!

Juan: Hala! Paano mo yun nasusuot?

*   *   *

Pedro: Nakakapayat daw ang pag swi-swimming.

Juan: Eh bakit ang mga balyena?

*   *   *

Pedro: Alam mo ba na tatlong tupa ang kailangan para makatahi ng isang jacket?

Juan: Hindi ko alam na marunong palang magtahi ang mga tupa.

*   *   *

Pumunta sa museum sila Pedro at Juan. Nang nasa tapat sila ng isang mummy, nagtaka sila sa numerong nakasulat sa ibaba ng case nito na “1320 B.C”

Pedro: Anong ibig sabihin ng number?

Juan: Hmmm.. Baka yung plate number ng nakabangga sakanya.

*   *   *

Pedro: Anong ginagawa mo?

Juan: Sinulatan ko yung sarili ko.

Pedro: Anong nakasulat?

Juan: Hindi ko pa alam. Bukas ko pa matatanggap yung sulat eh.

XD   XD   XD


Next: December 23, 2014

♥–Kwin

Maisan sa WattpadWhere stories live. Discover now