Si Juan and Pedro 0.5

44 3 0
                                    

Si Juan and Pedro 0.5

Pedro: Kagabi nanaginip ako. May sinabi ka na sobrang nagpasaya saakin.

Juan: Ano ’yun?

Pedro: Lilipat na daw kayo ng bahay sa malayo.

*   *   *

Juan: Pedro! Nakalunok ako ng buto!

Pedro: Are you choking?!

Juan: No! Aym serious!

*   *   *

Juan: Eto ba yung kabilang kanto?

Pedro: Hindi, sa kabila ’yun.

Juan: Ano ba yan! Ang sabi nung lalaki dun sa isang kanto dito daw yung kabilang kanto, hindi naman pala.

*   *   *

Juan: Nangingisda ka?

Pedro: Hindi, nilulunod ko ’yung bulate.

*   *   *

Pedro: Paano umaandar itong radyo mo?

Juan: Hindi ’yan umaandar, tumutugtog lang ’yan.

*   *   *

Juan: Pautang ng 500 pesos.

Pedro: 400 pesos nalang pera ko eh

Juan: Sige, okay na yan. May utang ka pang 100 sakin ha?

*   *   *

Pedro: Anong gagawin mo sa lapis at papel?

Juan: Susulatan ko ’yung kapatid ko.

Pedro: Pero hindi ka marunong magsulat, diba?

Juan: Okay lang yun. Hindi naman marunong magbasa ’yung kapatid ko eh.

*   *   *

Pedro: Musta ang exam?

Juan: Madali lang.

Pedro: Eh bakit mukha kang nalugi d’yan?

Juan: Madali lang ’yung tanong, ang mahirap ay yung sagot.

*   *   *

Juan: Good news! Sabi ni Mam mag tetest daw ngayon, umulan man o umaraw.

Pedro: Anong good news dun?

Juan: May tsunami ngayon eh!

*   *   *

Pedro: Tatlong taon ng tumutugtog ng piano ’yung kapatid ko.

Juan: Hindi ba napapagod ’yung daliri niya?

*   *   *

Perstaym sumakay ni Juan at Pedro sa tren. Nagbaon sila ng saging. Nang simula na nilang balatan ’yung saging sakto namang pumasok sa madilim na tunnel yung tren.

Juan: Pedrooo! Nasimulan mo na bang kainin yung saging mo??!

Pedro: Hindi pa. Bakit?

Juan: ‘Wag mo ng kainin ’yan! Kasi nung kinain ko, wala na akong makita!

*   *   *

Nakita ni Juan si Pedro sa tapat ng delivery truck na nagbubuhat ng box. Mukhang nahihirapan si Pedro kaya tinulungan niya. Makalipas ang 30 minutes na pagbubuhat, hindi pa rin sila nakakaalis sa pwesto nila kanina.

Pedro: Hindi natin kaya Juan. Hindi natin maipasok sa loob ng truck eh.

Juan: Ha?? Ipapasok ba sa loob ng truck?? Akala ko nilalabas mo!

*   *   *

Juan: Gusto kong magkapera para makabili ng elepante.

Pedro: Ano namang gagawin mo sa elepante?

Juan: Wala naman. Gusto ko lang magkapera.

XD   XD    XD


Peyborit ko talaga sila Juan and Pedro =D


♥—Kwin

Maisan sa WattpadWhere stories live. Discover now