@Home-Less

41 4 4
                                    

@Home—Less


Anak: ’Tay kaya mo bang magsulat sa dilim?

Tatay: Siguro. Ano bang ipapasulat mo?

Anak: Yung pirma niyo po sa report card ko.

*   *   *

Tatay: Diba pinangako mo na magiging mabait na bata ka?

Anak: Opo Itay.

Tatay: At sinabi ko din sa’yo na pag di ka naging mabait, papaluin kita diba?

Anak: Opo ’tay. Pero dahil hindi ko tinupad ’yung pangako ko, hindi niyo na po kailangan tuparin din yung sinabi niyo.

*   *   *

Anak: ’tay may goodnews at badnews ako. Una ang goodnews ay pwede niyo na pong bitawan yang tumutuling gripo.

Tatay: Buti naman. Ano ang badnews?

Anak: Ang badnews po ay kailangan natin ng tubig dahil nasusunog ang bahay natin!

*   *   *

Tatay: Tingnan mo itong mga dapat bayaran. Yung kuryente, renta at tubig. Lahat mataas! Magiging masaya sana ako pag may makita akong mababa.

Anak: ’tay eto po yung report card ko. Maging masaya ka sana.

*   *   *

Anak: ’tay paano nagkakaroon ng kulog?

Tatay: hindi ko alam anak.

Anak: Paano po nagkakaroong ng ulan?

Tatay: hindi ko alam eh.

Anak: ’tay okay lang ba na nagtatanong ako sainyo?

Tatay: Oo naman anak. Paano ka matututo kung hindi ka magtatanong, diba?

*   *   *

Tatay: Pag hindi mo pa tinigil yang pag gigitara mo, mababaliw na ako!

Anak: Pero ’tay, kahapon pa po ako tumigil sa pag gigitara.

*   *    *

Tatay: Bakit mo kinain yung perang binigay ko??!

Anak: Kasi po sabi niyo yun yung pang lunch ko eh.

*   *   *

Tatay said: Pag nalaglag ka dyan sa puno at nabalian ng paa, wag kang TATAKBO saakin ha??!

*   *   *

Tatay: Anak bakit mo tinadyakan itong tiyan ng kapatid mo??

Anak: Kasalanan niya po yun—kasi humarap siya saakin eh.

*   *   *

Kakauwi lang ng anak galing sa first day niya sa school.

Tatay: Anong natutunan mo anak?

Anak: Wala. Kailangan ko pang bumalik bukas.

*   *   *

Anak: ’tay naka 100 ako ngayon sa test namin!

Tatay: Wow. Anong subject anak?

Anak: 25 sa English, 25 sa math at 50 sa Filipino po.

*   *   *

Tatay: Pumunta ka ba sa party ng bestpren mo anak?

Anak: Hindi po. Nakalagay kasi sa invitation ay mula 3 hanggang 6. Eh seven na po ako.

*   *   *

Tatay: Bakit ka umiiyak?

Anak: Si Ineng po kasi—sinira yung manika ko.

Tatay: Paano niya nasira?

Anak: Pinukpok ko sa ulo niya.

*   *   *

Anak: San ka ipinanganak ’tay?

Tatay: Sa cebu.

Anak: Eh si Mama?

Tatay: Sa Mindoro.

Anak: E ako?

Tatay: Sa Manila.

Anak: Wow! Ang galing kasi nagkita-kita tayo noh?

XD   XD   XD

P.S
Meet the “Less” Family =)


♥–Kwin

Maisan sa WattpadWhere stories live. Discover now