" Babe, kukunin ko lang saglit si Savi tapos aalis na tayo ha. Halika na Babe, kunin mo na din iyung mga kailangan mong kunin" He even said not allowing me to be alone with Tim. Nilagay din niya kung kamay niya sa bewang ko.

" San-sandali Gigs. Kailangan ko munang makausap si Tim" Untag ko kay Gigs na pilit akong sinasama sa kaniya. Gulat man ay nagawa parin ni Tim na intindihin ang sitwasyon.

Gigs stayed and allowed me.

" Isa totoo ba ang sinasabi niya? Siya ba ang ama ni Savi?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong sumagot gayong wala naman akong maalala.

" She cannot remember anything that's why I am telling you the truth Mr. Legazpi. Hayaan mong isama ko ang mag-ina ko." Si Gigs na ang nagsalita para sa akin. Nakita ko kung paano mapayuko na lamang si Tim.

" Hindi ko lubos akalain na ganito kayo kabilis kuhanin sa akin ng totoong ama ni Savi. Pero naiintindihan ko, Isa. Siya ang boss ko sa bago kong pinagtatrabahuan kaya alam kong mabibigyan niya kayo ng maayos na buhay" Ramdam ko ang pagkabigo sa boses ni Tim.

" Ang pinagtataka ko lang ay ang kung paano kayo natagpuan ni Mr. Hans" Wika ni Tim na agad namang sinagot ni Gigs.

" Iyung ginisang sitaw at kalabasa. She cooks that for me often when she was still with me." Sagot na lamang ni Gigs.

Tumango si Tim na agad ding nakuha ang gustong sabihin ni Gigs.

Huh? Paanong sa sitaw at kalabasa? Ako ma'y hindi ko maintindihan kung ano ba ang koneksyon nun sa pagkakahanap niya sa amin ni Savi?

" I'll take them now." Parang boss niyang wika kay Tim. Kitang kitang ko sa mga mata ni Tim kung gaano niya kagustong pigilan kami pero wala siyang magawa.

BINUHAT ni Gigs si Savi at siya na din ang nagbuhat ng bag na dala ko. Mga damit namin iyon ni Savi. Nagpumilit akong ako na ang magbubat ng bag namin dahil masyado ng mabigat si Savi ngunit hindi niya ako hinayaan. Binuhat niya si Savi at ng bag namin na para bang wala itong kabigabigat.

Naabutan din namin si Nay Flora na kakauwi lang din galing sa paglalaba sa kapit bahay bago kami umalis. Gulat siyang malaman ang lahat ngunit hindi rin nagtagal ay natanggap niya ang lahat. Mahirap iwanan sila. Lalo na't sila ang naging pamilya namin ni Savi sa loob ng anim na taon. Nanatiling tulog parin si Savi sa bisig ni Gigs hanggang sa makaalis kami. Sinubukan ko siyang gisingin para makapagpaalam kina Tim at Nay Flora ngunit sinabihan ako ni Gigs na huwag na dahil magkikita pa naman daw sila.

Sinundo kami ng isang puting van. Agad na may lumapit sa amin at kinuha iyung bag na hawak ni Gigs.

" Babe una ka ng pumasok. Sunod kami" Pinauna ako ni Gigs sa pagpasok bago sila sumunod ni Savi.

" Boss saan tayo?" Tanong nung driver kay Gigs

" Sa bahay tayo ni Melissa" Sagot ni Gigs.

Bahay ni Melissa? Ako? Bahay ko? May bahay ba ako?

Kahit ang dami kong tanong ay minabuti kong huwag munang magtanong kay Gigs. Tahimik lamang siya sa buong biyahe habang hawak hawak ang pinagsiklop naming mga kamay. Si Savi naman ay tulog na tulog parin sa kaniyang bisig. Kitang kita ko kung paano mapatingin si Gigs sa anak ko at tinititigan pa ito.

" Matangos ang ilong niya Babe. Kaya pala pinaglihian mo ang ilong ko noon" Baling niya sa akin.

" Nagtaka din ako nung pinanganak ko siya dahil pango ang akin" Sagot ko sa kaniya.

He chuckled

" Hindi ka pango Babe. Maganda lang" He answered me. Ngayon ay nakangiti na siyang bumaling sa akin at hinalikan pa ang kamay ko.

" I love you, Babe. Hindi ako magsasawang sabihin iyon sa 'yo dahil iyon ang totoo. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin" He said.

MINUTO ang lumipas nang makarating kami. Nang buksan niya iyon ay agad na bumungad sa akin ang pamilyar na paligid na para bang dati na akong pumunta dito.

" This is our home, Babe. Ito ang naging saksi sa lahat ng pagmamahalan natin. Boarding house mo 'to noon Babe pero itinuring nating bahay na natin. I did not give up this place even without you by my side. I lived here already. Araw araw dito na ako umuuwi kahit na wala ka. I always pray that someday I will soon come home with you and our child." He said. Ginaya ko ang aking mata sa buong bahay. Wala man akong maalala sa kasalukuyan ay alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil maluwag ang pakiramdam ko sa lugar.

Sinundan ko siya ng pumasok siya sa kuwarto. Malawak ito at malinis. Sumalubong din sa amin ang amoy panlalaki. Ito din ang amoy niya na naaamoy ko sa kaniya kanina pa.

" This is our bedroom Babe. Dito natin ginawa si Savi" Gusto kong mahiya dahil harap harapan niyang sinasabi iyon sa akin.

" We usually have sex there" Turo niya sa banyo na nandito din sa loob ng kuwarto.

" Tapos dito din, Babe. Maraming beses" Turo din niya sa kama kung saan niya hiniga ang anak namin.

Napaatras na lamang ako ng biglaan siyang naglakad papalapit sa akin.

He pulled me by my waist and kissed me on my neck.

" I want to make love with you right now, Babe. Pero ayaw kitang biglain. I will wait until you're ready for this again" He whispered as he claimed my mouth for a kiss. Tinanggap ko ang kaniyang mga halik.

" Let's take a bath, Babe." He whispered afterwards. I almost shouted when I felt him carry me bridal style.

" Gigs ibaba mo ako!" Tinapik tapik ko ang kaniyang balikat ngunit parang wala siyang naririnig. Pumasok kaming pareho sa loob ng banyo at binaba niya ako.

Nagsimula na siyang maghubad ng maibaba niya na ako.

" Babe hubad ka na din. Kumpleto parin iyung gamit mo dito ah. Ito iyung shampoo mo, tapos ito iyung conditioner mo. Babe ako ang naghihilod ng likod mo tuwing naliligo tayo kaya ako dapat gagawa nun mamaya ah. Tapos babe ikaw ang nagsheshave sa akin kaya ikaw gagawa nun sa akin" Ang dami dami niyang sinasabi sa akin. Ako naman ay gulat na gulat dahil sa nakikita ko sa harapan ko.

Literal na naghubad siya sa harapan ko at tumambad sa akin ang malaki niyang ano.

Kung iyan ang nakabuntis sa akin noon, ayoko na!

Ang laki! At ang taba!

" Babe hubad ka na din." He said.

" Gigs, an-ano ang ginagawa natin?" Hindi ko na napigilang itanong sa kaniya.

Nakitaan ko siya ng lungkot sa kaniyang mga mata.

" Babe I'm sorry kung nabibigla kita. Sobrang excited lang kase ako. I will go out now." He said. Kabiguan ang nakapinta sa kaniyang mga mata habang binabalik ang mga damit niya ngunit pinigilan ko siya.

" I'm sorry, Gigs" Wika ko sa kaniya.

" Naiintindihan ko, Babe. I'm sorry" He whispered as he put on his clothes back. Hinalikan niya ako sa labi bago siya lumabas ng banyo.

I sighed when he finally left.

Gusto kong makaalala na. Gustong gusto kong makaalala.

Kung nasasaktan ako, alam kong masnasasaktan siya dahil siya ang nakakaalala ng lahat.

----

Updated : May 19, 2020 Tuesday 6:30 PM

Concealed Identity (Completed) [R-18]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora