Chapter 14: The Aether

51 14 1
                                    

Yuna's POV:

     Habang sinusundan si Lady Yashehiko ay hindi ko naman maiiwasang di kabahan ng husto para sa gagawin naming paghahanda, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kaya ito ako ngayon tense na tense at pinagpapawisan ng husto kahit mahangin naman ang buong paligid.



Siguro na nararamdaman niya na kinakabahan ako kaya huminto ito sa paglalakad at tumingin sakin, she even smile a bit before I heard her spoke.



"Wag kang kabahan, wala naman tayong ibang gagawin para mapahamak ka" mabining wika nito, mapayapang pakinggan ang boses nito gaya ng hangin ---- banayad, kaya pakiramdam mo ay para kang hinihili kapag narinig mo itong magsalita.



"I can't help it" mahinang tugon ko rito na hindi tumitingin sa kanya, halata mo rin sa boses ko ang kaba. Narinig ko naman itong tumawa ng mahina.


"We're really glad that you're here Yuna...." wika ulit nito kaya napatingin ako sa kanya, ngunit nakatalikod na ito at nag-umpisa nang maglakad kaya sinundan ko ulit sya

"King Alec maybe the strongest heavenly being in this world, Yuna, but he can't hold this world's future alone, he needs you, everyone did..." salaysay nito "......his been shouldering the weight of this world from the very first beginning he reign the throne"


Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya habang nakasunod parin rito, halata sa boses nito ang pagod at panghihina maging ang awa na nararamdaman para sa hari nila, kahit ako man ay ramdam rin ang kalungkutan ni Alec. Hindi ko alam kung bakit, pero para kasing itinadhana kaming dalawa dahil nararamdaman ko ang ano mang nararamdaman nya.




Ang pangungulila sa mga magulang at ang bigat na pasaning nakaatang sa mga balikat niya, ang strong will na iligtas ang mundo nila sa maaaring pagkawasak at maging ang pagmamahal nya sa kanyang mga nasasakupan. Kahit alam nyang wala ng pag-asa ay patuloy parin syang lumalaban at hindi susuko para sa kaligtasan ng mundong ito, hanga ako sa tapang na meron sya at kahit ang mahinang ako ay nagkaroon ng lakas ng loob para lumaban at iligtas ang mundo ko kahit pa puno ng kasamaan ang mga tao.




"At lubos kaming nagpapasalamat sayo dahil sa pagtulong mo samin" napabalik naman ako sa huwisyon ng marinig ang sinabi niya.



"Hindi lang naman mundo nyo ang maliligtas sa gagawin kong pagtulong kundi pati narin ang mundo ko kaya hindi mo na kailangang magpasalamat pa" senserong usal ko rito.



"Kahit gano'n man ay nagpapasalamat parin kami ng taos sa aming puso Yuna sa iyong pagtulong" wika nito, hindi nalang ulit ako nagsalita at patuloy lang sinusundan siya.


Tahimik ulit kaming naglakad, ngunit maya-maya lang ay ako na ang bumasag ng katahimikang bumabalot samin.


"Lady Yashehiko? May tanong po ako?" tawag pansin ko rito


"Ano yon?"


"Ano po yong sinasabing pinakamalakas na kapangyarihang kayang magpabago ng lahat? Hindi ko kasi maintindihan"



"Ahh yon ba? hmm paano ko nga sasabihin to" nag-iisip nyang turan niya at napahinto sa paglalakad "ahh... parang ang mundong ito, na gawa sa pinakamalakas na kapangyarihan, na siya ring dahilan upang mabuhay lahat ng mga Celestian. Tawag namin doon ay Aether"


The Heaven's Realm [ Short Fantasy Story ]Where stories live. Discover now