Chapter 4: Kingdom Above

91 17 1
                                    

Third Person's POV:


"It's dangerous for you to cross the barrier between two worlds" paalala ng isang tagapagbantay ng oras at panahon, Guardian ang tawag sa kanya ng mga Celestians at hindi ito kabilang sa mundo ng Celestial dahil nabuo ang nilalang na ito nang mahati ang mundo ng mga tao at mundo ng Celestians.


"I know, but I don't have a choice. There is no other way to look for her" mahinahong sagot ng hari, habang nakatayo sa tuktok ng bubong ng kanyang palasyo kung saan tanaw nito ang lahat ng kanyang nasasakupan.


"Your lucky, I'm on your side" the guardian said with a grin on his face.

"Well, I'll consider myself lucky then. And thank you for that, by the way" sensirong wika ng hari.


"It's my own decision to help you anyway, so there's no need to thank me and beside I saw what will happen in the near future and the dreams you always dreamed of" seryusong wika ng Guardian sa hari ng Celestial World.


"I know" buntong-hiningang wika ng Hari.

Hindi na ito nagtataka pa kung papaano nalaman ng Guardian ang tungkol sa panaginip nito, dahil alam ng Hari na makapangyarihan ang nilalang na ito.

Hindi maitatago sa itsura ng Hari ang pangamba at takot sa anumang maaaring mangyari sa hinaharap ng mundo nila. At muli ay naramdaman ulit nito ang bigat ng responsibilidad na iniatang sa kanya.

Simula pagkabata ay sa kanya na ibinigay ng kanyang Amang Hari at Inang Reyna ang responsibilidad ng pagiging Hari. Bagaman ang iba sa kanyang nasasakupan ang tutol dito ay tinanggap parin nito ang responsibilidad na'yon.

No'ng una ay hindi niya maunawaan kung bakit kailangang bumaba sa tungkulin ng pagiging Hari at Reyna ang kanyang mga magulang at bumalik sa Aether. Ngunit nang maglaon ay nalaman niya na dahil pala ito sa mga nagiging panaginip niya kaya isinakripisyo ng mga magulang nito ang mga buhay nila para sa katuparan ng hinaharap ng mundong ibabaw. At maging ang babaylang si Yashiheko ay isinakripisyo ang sariling paningin upang magabayan lamang ito.

Nabalik ang hari sa realidad nang tapikin ng guardian ang balikat nito.


"Nagpakita kana sa kanya, hindi ba?" tanong ng Guardian saka tumayo ng tuwid at tumingin ulit ang paligid.


"Hmm, at mukhang natakot ko ata siya sa ginawa ko" nakangiting sagot naman ng hari, ng maalala ang mukha ng babae nang minsan itong nagpakita sa dalaga na ikinatakot naman ng huli.



"At mukhang masaya ka rin" puna ng Guardian. Kahit hindi nito tingnan ang hari ay nahihimigan naman ng Guardian ang kasiyahan sa boses ng hari habang nag kwekwento ito.


"Hindi naman masyado, sadyang hindi ko lang malimutan ang mukha nya no'ng magulat sya dahil sa biglaang pagsulpot ko sa harapan nya" sagot ng Hari at walang imbehinasyong bigla nalang tumalon mula sa tuktok ng bubong kung saan ito nakatayo kani-kanina lang.

Hindi naman ito nakaramdam ng takot dahil kaya naman nitong lumipad. Sa katunayan pa nga ay lahat ng mga nilalang sa mundo na'to ay may kakayahang lumipad.


"Nawa'y magtagumpay ka sa iyong mga hangarin, mahal na hari at nawa'y mailigtas mo ang mundong ito sa unti-unti nitong pagkawasak" bulong sa hangin ng Guardian habang tinitingnan ang hari na unti-unting lumilipan papalayo, maya pa'y sumunod narin ito.


"Gassn!" tawag ng maliit na boses na narinig ng Guardian at napangiti ito ng makita ang batang lumilipad patungo sa kanya.


"Saan ka ba galing at kanina pa kita hinahanap?" nakangusong tanong ng bata ng makalapit ito sa kanya,  si Aira, ang batang laging nasa tabi ng Guardian at ito rin ang nagbigay ng pangalan sa Guardian na Gassn.


"Dito lang naman ako" nakangiting sagot ni Gassn sa bata at bahagyang ginulo pa ang buhok nito na ikinasimangot naman ng bata
"Kinausap ko lang ang hari" dugtong nito dahilan upang tingalain siya ng bata

"Kahit na, sabi ko naman sayo wag mo akong iwan" hirit ng bata, na animo'y nagtatampo.


"Wag kang mag-alala hindi kita iiwan. Pangako" nakangiting wika ni Gassn.


Binuhat nito ang bata at pinaupo sa balikat nito saka sila umalis upang puntahan ang isa sa mga pillar ng mundo at bantayan iyon laban sa mga kalaban ng palasyo na nagtatangkang pabagsakin ito.




(inside the palace)

"Lady Yashiheko?" tawag ng isang batang lalaki sa isang babaylan.


"Narito ako Tatecho" sagot naman ng babaylan at tiningnan ang batang tumawag sa kanya.

"Bakit po kayo nandito, Lady Yashiheko?" inosenteng tanong ng batang si Tatecho sa babaylang nakaharap sa salamin ng buhay.


"Tinitingnan ko lang ang mga kaganapan ng taga-ibabang mundo at maging ang kalagayan ng ating Hari" sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa salamin ng buhay. Bagaman ito'y bulag ay nakikita nito ang mga nangyayari sa mundong ibaba, hindi rin mapantayan ang kakayahan nito sa panghuhula.


"Sa tingin po ba ninyo, magtatagumpay ang ating Hari na dalhin dito ang itinakda?" tanong ulit ng bata at bahagyang tumunghay sa salamin ng buhay upang tingnan din ito, subalit walang ibang nakikita ang bata sa salamin ng buhay kundi ang sarili nitong repleksyon sa salamin.


"Hindi ko masasabi, maaaring oo, maaaring hindi rin, ngunit sa tingin ko'y magtatagumpay ang ating Hari sa kanyang mission, kilala mo naman ang Hari diba? Hindi iyon basta-basta susuko" sagot ng babaylan at nilingon ang bata saka ngumiti rito ng bahagya.



"Ano po pala ang itsura ng babaeng itinakda Lady Yashiheko?" curious na tanong ulit ng bata.

Bahagyang lumuhod naman ang babaylan upang magpantay sila ng bata na sabik makita ang itinakdang babae. At mula sa tubig ay lumabas ang isang pigura ng babae.


"Ito ang kanyang itsura, gaya ng iba, normal lang syang tao at kagaya mo na normal rin syang bata" pahayag ng babaylan habang nakatingin sa pigura ng dalaga.


"Diba gawa sya sa mahika?" tanong ulit ng bata, he look so curious about the young female he just saw.

"Tama ka, kaya sya ang kailangan natin upang isaayos ang mundong ito at hindi na muling humarap sa pagkawasak" nakangiting sabi ng babaylan at ginulo ang buhok ng batang lalaki. Ngumuso naman ang huli.


"Mawawasak po ba ang mundo natin?" tanong ulit ng bata, hindi na nakasagot ang babaylan sa naging tanong ng bata. At sa halip ay iniba nalang nito ang paksa ng kanilang usapan.


"Oh sya! umalis kana Tatecho, baka mahuli ka sa iyong klase" nakangiting paalala ng babaylan.


"Hala oo nga po pala!, muntik ko nang malimutan ang aking klase" napa face palm nalang ang bata dahil sa katangahan na muntikang malimutan na may klase pa pala ito.


"Aalis na po ako Lady Yashiheko" paalam ng bata at kumaripas ng takbo, napangiti naman ng bahagya ang babaylan habang tinatanaw ang papalayong pigura ng bata.

Tumayo ng tuwid ang babaylan at saka muling humarap sa salamin ng buhay at umusal ng mga salitang kanyang nakikita mula rito.


"Ang mundo ay babalutin ng kadiliman, mawawasak ito at maraming buhay ang mawawala, maging matatag ka sana aming Hari" naisatinig nito ang mga bagay na nakita nya sa salamin ng buhay.











A/N: Your support and comments are highly appreciated.

The Heaven's Realm [ Short Fantasy Story ]Where stories live. Discover now