Chapter 3: First Meeting

119 23 5
                                    


Yuna's POV:


Lumabas na ako ng bahay matapos kong mag agahan at makapagpaalam sa dalawang matanda.


"Alis na po ako!!" pagpapaalam ko at kumaway sa kanila.

Nag-umpisa na rin ako sa pagtakbo paalis dala ang aking payong dahil mainit ang panahon ngayon, dahil papasok na sa summer ang season dito sa Japan.

"Mag-iingat ka apo" huling rinig ko mula sa kanila bago ako makalayo sa bahay.


Pagdating ko sa may intersection malapit sa overpass na madadaanan ko papuntang paaralan ay nakasalubong ko ang dalawang matalik kong kaibigan. Si Rukiya Mishiko at si Hanabi Otokawa, ang dalawang babaeng naging tagapag-tanggol ko sa ibang batang nangbubully sa akin noong mga bata pa kami at bago palang ako sa lugar na'to.

"Ohayou! gozaimasu Yuna" kumakaway at nakangiting bati ni Rukiya na nasa tulay kasama si Hanabi.


"Ohayou! Rukiya, ohayou Hanabi" ganting bati ko rin at kumaway sa kanila.

Tumatakbo pababa ng overpass si Rukiya habang pa-cool namang naglakad si Hanabi kasunod nito. Hinintay ko ang dalawa na makababa para magkasabay kami sa paglalakad papasok sa paaralan.

Sa katunayan ay magkaiba ang ugali ng dalawang kaibigan ko. Si Rukiya kasi ay kahit 17 years old na ito ay may pagka-isip bata parin at palagi rin itong nakangiti at positive lagi ang perspective nito sa buhay, samantalang si Hanabi naman ay may pagka-boyish ang dating, masyado rin itong seryoso pero di mo naman maitatago sa kanya ang kasiyahan pagmagkasama kaming tatlo. Silang dalawa ang tagapagtanggol ko sa ibang mga batang nangbubully sakin. Magkakaedad lang rin kaming tatlo at pareho ng pinapasukang paaralan at maging sa klase ay magkakasama rin kami at halos magkakatabi din ang mga upuan namin. Magkasundong-magkasundo kaming tatlo simula pagkabata, dahil sila ang unang nag-approach sakin noong nagtransfer ako sa school na'to, yon ngalang magkakaibang dereksyon ang bahay na tinitirhan namin. At dito lang kami nagkikita sa intersection para magkasabay na kami sa pagpasok.

"Kumusta kana Yuna?" rinig kong tanong ni Hanabi nang makalapit ito sakin.


"Ayos lang naman, ikaw kumusta?" nakangiti kong sagot sa kanya at sabay pagtatanong narin.

"Mabuti lang din" maikling tugon  nito

Ganyan talaga yan maikli ang mga tugon at minsan lang kong mangyari na mahaba itong magsalita kaya sanay na ako rito.


"Ikaw Rukiya kumusta?" tanong ko sa isa pa naming kaibigan at kinaway ang dalawa kong kamay, halos mapunit narin ang pisngi ko dahil sa laki ng aking ngiti.


"Ok lang, masayahin parin.hehe" hyper na pagkakasabi nito sabay ngiti ng malaki.

Tumalikod na ito samin at naunag maglakad kaya napailing nalang kami ni Hanabi bago sumunod din dito sa paglalakad.



Habang naglalakad kami ay nasa unahan namin ni Hanabi si Rukiya na pinakikinggan namin sa paghu-hum ng kanta at pinanood kung papaano nito idinuduyan ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid na parang bata habang nag-uusap-usap tungkol sa lalaking nangliligaw kay Rukiya. At mukhang hindi na ata nakayanan ni Rukiya ang paghu-hum dahil kumanta na talaga ito.

"Gomen Ne sunao ja nakute
yume no naka nara ieru
shikou kairo wa Sho-To sunzen
ima sugu aitai yo
nakitaku naru you na moonlight
denwa mo dekinai midnight
datte junjou doushiyou
Ha-To wa mangekyou

tsuki no hikari ni michibikare
nandomo meguriau
seiza no matataki kazoe
uranau koi no yukue
onaji kuni ni umareta no Mirakuru Romansu

mo ichido futari de weekend
kami-sama kanaete happy end
genzai kako mirai mo
anata ni kubittake

The Heaven's Realm [ Short Fantasy Story ]Where stories live. Discover now