Habang naglalakad ako at hindi alam kung saan patungo ay may nakabunggo ako sa daan. "Paumanhin binibini, nasaktan ba kita?" Pag tingin ko sa taong nasa harap ko ay si Kyado pala "Ikaw pala 'yan Riyhana, pauwi ka naba? Sasamahan na kita" hindi naman na ako kumontra pa kase hindi ko tin alam kung saan ang bahay namin


"Sino ang mga kastila na nagpapatay sa aking ina?" Laking pasasalamat ko at nakakapag tagalog ako ng matuwid dito. "Ang mga opisyal, bakit?" Naguguluhan niyang tanong. Bukas na bukas din ay pupunta ako doon upang malaman kung totoo ba ang sinasabi nila. "Wala naman. Nga pala anong okasyon kanina, sorry nalimutan ko?" Nag peace sign pa ako siya naman ay naguguluhan sa inaasta ko


"Kaarawan ni Ina tsaka sorry? Ano ang salitang iyon, ngayon ko lamang narinig 'yan. Tsaka 'yang ginawa mo ano 'yan?" Natawa naman ako sa ginagawa niya "ang sorry ibigsabihin non paumanhin" tumango tango naman siya sa akin "at ito" ipinakita ko sa kanya ang peace sign "ibig sabihin niyan biro lang" natatawa pa rin ako pero pinipigilan ko na baka makita ni Kyado


"Ikaw lang ang nakita kong ganyan kakaiba ka Riyhana" nakangiti niyang sabi sakin. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Hanggang sa muli binibini" napatingin ako sa harapan, napahanga sko sa ganda nito. Lumabas dito ang isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay iyong kapatid ang tawag sa akin. Lumapit siya sa amin


"Buenas nóchés señor muchas grácíás por servir a mí hermáno"
(Magandamg gabi ginoo, maraming salamat sa paghatid sa aking kapatid)


"Denada señorita Elena"
(Walang anuman binibining Elena)


"Bueno estamos entrando"
(Mabut, kami ay papasok na sa loob)


Pagkasabi ng kapatid kong si Elena pala ang pangalan ay pumasok na kami sa loob, inihatid niya ako sa aking kwarto bago nagpaalam na pupunta narin sa kanyang silid para magpahinga.


Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto ko. Napakalinis at ang daming damit. May mga librosa gilid ng kama ko at aparador naman sa paanan. Sa kanang bahagi naman ay ang bintana, magpasiya na akong magpalit na ng damit dahil napaka init ng suot ko. Kumuha ako ng pantulog at siyang isinuot.


Halos isang oras na akong nakatitig sa kisame dahil hindi ako makatulog. "Ano ba ang totoo? Patay naba talaga si mommy? Tulungan niyo ko tita Hattie" pagmamakaawa ko kung may makakarinig sakin ay mapagkakamalan akong baliw sa ginagawa ko. Dahil dala narin ng kyuryusidad ay nagpasiya akong lumabas ng kwarto para magpahangin sa labas


Nagpunta ako sa likod ng bahay napaka linis ng paligid ang mga hardin sa paligid ay alagang alaga. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito napaka daming puno at talagang sariwa ang hangin "kung napanatili lamang ito hanggang sa kasalukuyan, sariwang hangin din sana ang nilalanghap ko ngayon" nagmumuni muni ako habang nakaupo sa isa sa mga upuan doon


"Tila mag isa ka ata binibini"


"Ay butiki" nahampas ko sa braso si Kyado ng bigla ay sumulpot siya sa tabi ko "bakit kaba nanggugulat Kyado?" Asik ko sa kanya na siya namang ikinatawa niya. "Kakaiba ka talaga" wika niya "I know right" sabi ko na siya namang ikinakunot ng noo niya "ano ang katagang iyon?" Tanong niya, ako naman ang napatawa ngayon at umiling iling "wala" yun nalang ang nasabi ko


"Gusto mo bang sumama sakin" maya maya ay tanong niya "saan?" Puno ng kyuryusidad na tanong ko, nginisian niya ako na siyang nagpa gwapo lalo sa kanya "basta, tara?" Maingat niyang hinawakan ang kamay ko at idinala ako sa kung saan. Napakasukal ng dinaanan namin hindi ko tuloy maiwasang mag alala


"Hoy Kyado baka kung saan moko dalhin malilintikan ka saken" saad ko pero ang loko ay walang imik at dere-deretsyo lang sa paglalakad "bata pa ako huhu 'wag naman" naiiling siyang pumaling sakin "ano ba ang sinasabi mo diyan Riyhana?" Ako naman ang hindi umimik at kunyare ay walang naririnig, hmp kala mo diyan ha!


"Nandito na tayo" wika niya napanganga naman ako sa ganda. Inalalayan niya akong umakyat sa hagdan, isa yong tree house! Pag pasok namin sa loob ay ang laki non kasiya ang anim na tao at may higaan pa sa gilid, lamesa at mga upuan. Nakabukas na ang ilaw ng pumasok kami doon kaya nakita ko ang kabuuan


Mula sa kinatatayuan ko ay nalanghap ko ang sariwang hangin, tanaw na tanaw dito ang tahimik na siyudad napakapayapa. "Napaka ganda naman dito, sino ang may gawa nito?" Binalingan ko siya, nakangiti siyang nakatingin sakin "sino paba?" May pagmamalaking wika niya. Isa rin palang mahangin ang isang to piste!


Tiningnan ko siyang kumuha ng ilang piraso ng tinapay at gatas. Seryoso gatas? Ew ayoko non! "Meron ka pala niyan dito?" Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo "dinala ko ang mga iyan kanina pagka hatid ko sayo" naglapag siya ng ilang piraso mg tinapay at isang baso ng gatas sa harap ko ganon din sa kanya "malimit ka bang nandito?" Tanong ko habang nakain ng tinapay


"Gabi gabi akong nandito, at dito natutulog. Mas komportable ako dito kaysa doon sa tinitirahan namin. Mas malaya akong nakakagalaw dito kumpara doon" wika niya, tumango tango naman ako. Saglit na katahimikan ang namayani samin


"Bilisan mona riyan at ihahatid ma kita, baka hinahanap kana ng iyong kapatid na si Elena" wika niya "tulog na siya" sambit ko "dito nalang ako matutulog" pilyong ngiti ang kumawala sa aking labi "ngunit binibini hindi maaari ang iyong nais" napasimangot naman ako sa kanya "bakit naman? Wala ka namang gagawin sakin na masama diba?" Tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya


Naiilang siyang tumango marahil ay wala na siyang magawa sa kakulitan ko. Matapos kumain ay pinahiga niya ako sa kama at siya naman sa upuan na mahaba.


Habang nakahiga ay naalala ko sila tita at ang kasalukuyan kong panahon. Kelan kaya ako makakabalik o kung makakabalik pa nga ba? Hindi ko maiwasang maluha habang iniisip ang mga 'yon


"Riyhana?, naiyak ka ba?" Napukaw ng atensyon ko si Kyado ng magsalita siya. Akala ko ay tulog na siya panira talaga ng moment 'tong isang 'to kainis! "Hindi ah, matulog kana nga!" Bulayaw ko sa kanya, wala naman na akong narinig sa kanya kaya naisip ko na nakatulog na siya


Hindi ko pa man napipikit ang mga mata ko ay may narinig akong mga yabag, tumayo ako para silipin kung sino ang mga 'yon laking gulat ko ng mga gwardiya sibil ang mga yon! Hindi kona nagawa pang balaan si Kyado dahil napasok na kami ng mga gwardiya sibil dito


"Que estás hacíendo aquí? No es correctó verte en una situacíón que es ilegal!" Sigaw sa amin ng isa sa mga gwardiya sibil. Napabangon naman si Kyado dahil sa ingay. Gulat din siya sa mga nangyayari. Wala akong naiintindihan sa sinabi ng mga gwardiya sibil na ito basta paglabag sa batas ang tinutukoy nila kaya diko din alam kung paano magpapaliwanag kay Kyado


"Lo sientó pero te equivocás"
(Paumanhin ngunit nagkakamali kayo ng iniisip)


Si Kyado ang nakipag usap, at mabuti nalang ay medyo naiintindihan ko ang sinabi niya sa kastila


"Está claró señor ven cón nosotrós sín lastímarté"
(Malinaw iyan ginoo sumama kayo sa amin ng hindi kayo masaktan!)


Padarang nila akong hinawakan at sapilitang pinababa. Hind ito pwede! Paano ko nalang maliligtas si mommy kung huhulihin nila ako? Nagpumiglas ako at nakawala. Tumakbo ako palayo


"Riyhana!"


Kasabay ng pagsigaw ni Kyado ay ang pana na tumama sa kaliwang braso ko. Napaupo ako sa sakit at wala ng nagawa kundi umiyak. Napalingon ako sa kanila na kasalukuyan ng palapit sa pwesto ko. Pinilit kong makatayong muli ngunit isa nanamang pana ang dumaplis sa kanang binti ko at tuluyan akong natumba


To be continue...

This is my page kung saan ako mag uupdate, kindly visit it here: https://www.facebook.com/prettivyxx/

This is my FB Account: https://www.facebook.com/morcillaivypearl

Twitter and IG: @ivyramor

Email: theivymorcilla@gmail.com

Time Enough for Love [On-going]Where stories live. Discover now