“Sino bang babae ang gugustuhin ang isang bakla, Corazon?” nakangiti pang tanong niya kaya hindi ko napigilang matawa.

“What a lame excuse, Freiya, the hell I care if you're gay and you like me? I'm happy with you and that's what matters most. Isn't that enough for you stay and still be my friend? If I sounded so selfish, then fine, leave.”

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang nilagpasan niya ako at dumiretso sa pintuan. What the freaking hell?!

“Talagang gagawin mo?” hindi makapaniwalang tanong ko habang nakahawak na siya ngayon sa doorknob.

“Freiya,” tinawag siya ni Cindy, pero hindi pa rin siya lumilingon.

“Pilitin mo 'kong manatili sa tabi mo at maging kaibigan ka pa rin,” aniya habang nakatalikod pa rin sa amin.

Is he pulling a joke? But, he sounded so serious when he said that.

“Trip niyan?” Cheska also can hardly believe with what Freiya said.

“How can I do that?” I asked with my brows knitted.

“Sing for me,” he replied.

WHAT THE HELL?!

FREIYA'S POV

“Cora is almost the perfect human on earth, but unfortunately she can't sing,” bahagya pang napa-iling si Rosa.

“Precisely, she can draw, write so well, can act, and dance, but she never sings, she's out of tune,” sabi naman ni Tanya.

Nakyuryos tuloy ako kung ano ba talaga ang boses ni Corazon kapag kumakanta. Ma-request nga sa kanya minsan.

Paano kung mapakanta ko siya?” tanong ko.

“Then surely, you're a hundred percent special to her,” Rosa replied.

“Ano na?” tanong kong muli habang nakatingin na ako sa kanya.

Tingnan natin kung espesyal ba ako sa babaeng ito. Kahit iyan lang, hindi na ako aalis at okay na sa akin na maging magkaibigan pa rin kami.

“What the heck, Freiya?” hindi pa rin makapaniwalang aniya.

“Mr. Right by Kim Chui, dali na,” sabi ko kaya mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

“A-Ano ba, can I just sing twinkle, twinkle, little star?”

Gusto na talagang kumawala ng mga tawa ko, pero pinigilan ko iyong sarili ko. Kailangan niyang kumanta.

“Mr. Right,” pag-uulit ko pa.

Alam kong alam niya iyan dahil sikat na sikat ang kantang iyan ngayon at kahit mga bata at matatanda ay nakakaya iyang kantahin.

“Will that make you stay then?” she made sure, tumango naman ako agad, then she started singing, “Ikaw nga ba si Mr. Right? Ikaw nga ba love of my life?”

Napangiti ako agad. Sintunado nga si Corazon. Lumapit na ako sa kanya habang hindi binubura ang ngiti sa labi ko.

“Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko...” napatigil siya nang tuluyan ko siyang yakapin.

“That's enough,” bulong ko. “Mas maganda pala ang boses mo kaysa sa original singer.”

“Siraulo,” asar pang aniya. “Kailangan mo pa talaga akong ipahiya para lang manatili ka, don't you know that I never sing with an audience in my entire life?”

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now