31 : The Beginning

Start from the beginning
                                    

" Aba siyempre. Dun din si Savi ko mag-aaral. Dun sa magarang paaralan" Ngiting wika ko sa aking anak. Pumalakpak siya at tumalon talon pa sa tuwa ng sabihin kong dun din siya mag-aaral.

GABI NA ng umuwi galing sa pagtatrabaho si Tim. May dala siyang ulam na binili niya. Masaya ito na lumapit sa akin at niyakap pa ako.

" Oh bakit? Masaya ka ata ngayon" Wika ko. Nakangiti niya akong binalingan.

" Isa natanggap ako bilang janitor dun sa kumpaniyang pinag-aplayan ko ng trabaho" Masaya niyang wika sa akin. Napayakap din ako sa kaniya dahil sa tuwa. Sinabi kase sa akin ni Tim na matagal na niyang gustong mag-apply dun sa malaking kumpaniya.

Natutuwa ako dahil natanggap na siya.

" Masaya ako para sa iyo Tim. Magkakaroon ka na din ng permanente na trabaho" Nakangiti ako sa kaniya.

" Mapapag-aral na natin si Savi, Isa." He whispered as he hugged me.

Iba ang pakiramdam ko sa yakap ni Tim ngayon kaya ako na ang pumutol dito.

" Ah Tim, ano pala ang dala mo?" I asked him.

" Wow fried chicken!" Narinig naming wika ni Savi sa likod namin.

" Mama may dala si papi na fried chicken!" Ang saya ng anak ko. Hindi naman kase madalas na naguulam kami ng fried chicken.

" 'Tong apo kong bibong bibo." Wika naman ng mama ni Tim habang tinutulungan akong ihanda iyung lamesa.

Isinaw saw ni Savi sa ketchup iyung fried chicken niya habang masayang kumakain. Mahilig kaming magkamay kaya natuto na din si Savi nun. Napadami din ang kanin niya dahil nasarapan sa ulam.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagprisinta na maghugas ng pinagkainan namin para makapagpahinga na din si Nay Flora, ang mama ni Tim.

Si Savi naman ay naglalaro sa laruan niyang airplane na gawa sa papel. Sa murang edad ni Savi ay nakitaan ko na siya ng potensyal sa pagbabasketbolista. Magaling siya sa larong basketbol. Madalas ay natatalo niya iyung mga kalaro niya. Matangkad na din siya para sa edad niya.

Siguro ay kailangan ko na ding maghanap ng trabaho na masmataas ang sahod. Kahit maging katulong nalang ako sa karinderya.

Nang matapos akong maghugas ng pinagkainan namin ay tinawag ko si Savi para matulog na kami.

" Savi anak tara na, matulog na tayo" I called him. Tinigil naman niya ang kaniyang ginagawa at sumama na sa akin.

Hindi kami magkatabi na matulog ni Tim. At hindi kailanman kami nagtabing matulog. Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya at ganun din siya sa akin.

" Anak bukas, sama ka sa akin pupunta tayo sa karinderya ni Aling Pacing. Mag-aaplay ng trabaho si mama dun" Wika ko sa anak ko. Madalas ay sinasabi ko kay Savi ang lahat ng plano ko. He always ask. Kung may hindi siya maintindihan sa nangyayari, nagtatanong siya.

" Magtatrabaho po kayo dun para may pangiskul ako?" He asked. Tumango ako at piningot ang matangos niyang ilong.

" Oo anak. Para may pang-iskul si Savi" I smiled at him. Ngumiti naman pabalik sa akin si Savi at niyakap ako.

UMAGA na ng magising ako. Tulog pa si Savi kaya iniwan ko na muna siya sa kama. Nagluto ako ng maaga para makapag-almusal muna si Tim bago umalis sa trabaho.

Pinagbaon ko din siya ng niluto kong ginisang sitaw at kalabasa na paborito niya.

" Ayos! Ginisang sitaw at kalabasa ang ulam ko mamaya." Masayang baling sa akin ni Tim.

" Shempre naman" Wika ko naman pabalik sa kaniya.

" Ingat ka Tim" Kumaway ako sa kaniya ng paalis na siya. Nginitian naman niya ako pabalik.

Maagang umalis si Tim dahil ang sabi niya dapat daw alas singko ay nandun sila para linisan iyung building bago pa man pumasok iyung boss nila.

Ang sabi niya kase sa akin napakasungit daw nung boss nila. Iyun daw kase ang sinasabi pala ng mga empleyado nila dun.

Kung sino man iyung boss nila, grabe naman siya. Pinapapasok niya iyung mga trabahante niya ng ganong kaaga para lang maglinis.

Nang magising na si Savi at si Nay Flora ay hinanda ko na iyung pang almusal namin.

" Nay pupunta po pala kami ni Sabi kila Aling Pacing. Baka ho kase may bakante silang trabaho dun para sa akin" Magalang kong wika kay Nay Flora.

" Sigurado ka ba anak. Medyo may kasamaan ng ugali iyang si Pacing." Wika sa akin ni Nay Flora.

" Okay lang po Nay. Kakayanin ko po. Para po kay Savi" I told her.

" Bilib na talaga ako sa kakayahan mo Isa. Lahat kinakaya mo para kay Savi. O siya kung iyan ang gusto mo. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kung may problema ka 'nak. Alam mo namang para naring anak ang turing ko sa iyo at parang apo ko na din si Savi. Si Tim kase mukhang wala ng balak mag-asawa pa iyun. Simula nung dumating kayo sa buhay namin ay kayo na ang naging pamilya ni Tim. Parang ikaw na nga ang naging asawa ng anak ko at si Savi na ang anak niya" Wika sa akin ni Nay Flora.

" Salamat po ng marami Nay. Pero gusto ko lang pong linawin sa inyo na wala pong namamagitan sa amin ni Tim bukod sa pagiging magkaibigan" Wika ko kay Nay Flora. Tipid siyang ngumiti sa sinabi ko.

" Alam ko anak. Hindi nagsisinungaling ang nakikita ng mga mata ko. Mukhang hindi ka pa handang ipagkaloob sa anak ko ang puso mo 'nak. Dahil alam kong hanggang ngayon, kahit wala kang maalala, iyung ama parin ni Savi ang nilalaman niyang puso mo. Isip lang ang nakakalimot anak pero hindi ang puso" Wika ni Nay Flora.

Kung totoo man ang sinabi niya, baka nga. Baka nga hanggang ngayon ay siya parin.

Na kahit hindi ko man siya maalala, kilala parin siya ng puso ko.

-----

Updated : May 17, 2020 Sunday 3:40 PM

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now