Hanggang sa mga sumunod na klase ay wala pa rin ako sa sarili ko. Hindi rin ako makapag-participate ng maayos kapag may mga group activities.

"Ms. Shinea Gomez!" dinig kong sambit ni Ma'am Perez. Inangat ko naman yung ulo ko. "Matutulog ka na lang ba sa klase ko?!"

"I'm sorry ma'am."

Maya-maya pa ay natapos na rin ang klase. "Jai pasend ako ng mga notes para sa presentation. Gagawa ako ng presentation mamaya."

Inirapan niya ko saka tiningnan mula ulo hanggang paa. "No! Ako na. Baka masira na naman presentation kapag ikaw gumawa."

Umalis na siya at ako na naman ang naiwan sa loob ng classroom. Napasapo ako sa ulo ko at saka nagsimula muling tumulo ang mga luha sa mata ko.

Pagod na ko. Pagod na ko sa masasakit na salitang natatanggap ko.

Isang linggo na ang lumipas. Mabuti na lamang ay pinayagan nang lumabas si Lauren. Sabi ko magpahinga muna siya pero nagpumilit pa rin kasi marami na raw siya ireremedial.

"Okay ka lang bes?" nag-aalalang tanong ni Lauren na sinabayan ko naman ng tango. "Kumain ka na. Hindi ka naman nag-agahan."

Tinapay lang ang kinain ko saka bumili ng mineral water.

Maya-maya lang ay pumunta sa table namin si Drey para kamustahin siguro si Lauren. Kasama niya sila Marcus, Jade at Jeth.

Mas lalo lang akong hindi magiging kompartable sa ganitong sitwasyon. Pilit akong nginitian ni Jade kaya nginitian ko na lang din siya ng pilit.

"Bes punta na lang muna ko sa room. Mag-aayos pa ko ng presentation." paalam ko kay Lauren.

Hindi na niya ako pinigilan at saka kinausap na lang niya yung T3 kasama si Jade.

Medyo naiaayos ko naman na yung pag-aaral ko ngayon. Mabuti na lamang ay medyo gumagaan na ang pakiramdam ko. Nakakasabay na uli ako sa klase.

"Eman pakibasa na lang yung pwedeng maging tanong ni sir mamaya sa presentation." binigay ko naman yung folder sa kanya at saka siya tumango. "Thanks Eman."

"Bes! Bes! Bes!" nagmamadaling lumipat sa akin si Lauren. "Naglabasan na yung mga announcements sa mga club! Drama Club is shaking!" Napapalakpak pa si gaga. "Ikaw sa'n mo balak sumali?"

"Sports o kaya Music Club."

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Gaga isa lang!"

"Sports Club na lang." Simpleng sagot ko sabay bigay ng mga folder sa kagroup ko.

"Hala! Gaga! Ayaw mo sa Music?"

"Mas gusto ko sa Music pero...." saka may binulong ako sa kanya para hindi madining ng mga kaklase ko.

Umagree naman siya sa gusto ko. Kahit alam kong mas gusto ko yung music, hindi pa rin pwede. Ayokong nakikita ng mga tao na kumakanta ko. Kahit 'siya' ayaw din na kumanta ko kaya mas okay na itago ko na lang.

Maya-maya pa ay pumunta na kami sa napili naming club. Si Lauren ay nasa Drama Club kaya hindi niya ko masasamahan ngayon. Pumunta na ko sa meeting place ng sports club.

Mag-isa akong nakaupo sa isang hilera ng mga upuan. Walang nagbabalak na tumabi sa akin.

"So Good Morning everyone! Welcome to the Sports Club..." nagsasalita si sir nang biglang may dumating. Si Jeth saka si Jade. "Proceed to your seats."

Naghahanap pa sila ng upuan nang bigla akong makita ni Jade.

"Dito na lang tayo?" tinanong niya pa si Jeth sabay turo sa dalawang upuang nasa tabi ko. Tumango naman ito bilang sagot. Tssk.

"Hi there Shinea!" kumaway pa siya sa akin. Pasimpleng ngiti na lang ang binigay ko.

"Next next week ay magkakaroon ng Interschool. Unexpected, Dewford University ang maghohost...." kabi-kabilaan naman ang bulungan ng mga estudyante. "So bukas magkakaroon ng audition kung sino ang magrerepresent sa bawat sport category sa paparating na interschool games."

Nagulat ako nang bigla akong kinausap ni Jade. "Ano sports mo?"

"Chess." tipid na sagot ko.

"Wooow! Same pala tayo!" tumawa pa siya. "Well, good luck sa'yo bukas." She said in a sarcastic tone.

Maaga ring nayari ang meeting sa sports club.

Pasimple pa kong tiningnan ni Jeth bago mag-iwas ng tingin. Hinila naman siya ni Jade at saka umalis na.

Pagkauwi ko sa dorm ay nagpapractice pa si Lauren ng lines.

"Para saan yan?" nagtatakang tanong ko.

"May audition kami bukas para sa gagawing play ng school." sagot niya at saka kinuha yung baso na may lamang tubig sa lamesa.

"So lahat siguro may pa-audition." saad ko.

"May pa-audition din kayo?" tumango naman ako bilang sagot. "So nandon si kuya? Table tennis yung sports no'n. Do'n siya magaling e."

Napatahimik pa ko sa pagkakasabi niya. "LQ ba?" sinabayan pa ng tawa ng gaga. "Saka sino ba yung Jade na 'yon? Napakaarte akala mo naman kung sino."

"Nililigawan niya ata."

"Ano?!" Binalot ng sigaw ni Lauren ang buong kwarto. "So paano ikaw?!"

Nagulat pa ko sa itinanong niya. Inaasahan ko rin namang tatanungin niya ko kung bakit nagkaganon. "Wala naman yung sakin. Pinilit ko lang naman yon na ligawan ako diba?"

"Akala ko naman may something something na."

Sa akin meron pero do'n sa isa, for sure wala. Pero ayoko na ring sabihin kay Lauren baka kung ano naman gawin niya. Mahirap na.

"Videohan mo na lang ako. Mag-cocover ako."

"Ikaw ah! Nakita mo na namang bago yung cellphone ko kaya babasalan mo!" inaasar niya pa ko. Sinabayan ko na lang rin ng tawa.

Kinanta ko yung 'Tagpuan' by Moira. Tuwang tuwa pa si gaga pagkayari. In-upload niya naman kaagad 'yon.

Patuloy lang sa pagpapractice ng mga lines si Lauren habang ako naman ay nagbabasa ng chess book.

Nagulat ako nang may inilapag sa table ko si Lauren. "Bigay ni Mom para sa'yo." Kwintas 'yon. Mahal panigurado 'to dahil halata naman sa mga disenyo. "Alam mo, sobrang boto pa naman si Mommy sa'yo. Tapos pa'no na yan ngayon! Si kuya kasi! Kainis!"

"Hayaan mo na. Hindi niyo naman siya kailangan pilitin kung ayaw niya talaga."

Hirap naman kung ipepressure siya sa isang tao kung may gusto naman pala siyang iba.

Maya-maya ay nakatulog na rin si Lauren habang sinusukat ko naman yung kwintas na binigay ng mommy niya. Maganda yung kwintas kaso hindi ata bagay sakin kaya hinubad ko na lang. Kahit anong gawin ko, hindi talaga bagay yung mga magagandang gamit sakin, nasisira lang yung class.

Humiga na ko para sana matulog na nang biglang tumunog yung phone ko. May nagchat kaya binuksan ko na lang.

Naihulog ko na lang sa kama yung cellphone ko ng mapagtanto kung sino yon.

TUKMOL💪:
We need to talk tomorrow. Peace garden. Lunch hour.

__________________☆

-CYRONGRAY

























Tune of HeartsWhere stories live. Discover now