Chapter 57

2K 41 2
                                    

AN:
Hey Cresents! Malapit na ang katapusan ko. Charr katapusan pala ng story na tu. And I'm happy na may sequel tu.
Above all, this book is unedited. Sa mga errors at iba pang wrong spellings na nabasa nyu dito ay hindi sinasadya haha!
I hope you'll like it! I've been writing this since April 28 and wala pang one month matatapos na agad!
-zilenz_zone
——————————————————

Leaving

"YSHERA POV"

Gusto kong manibago kay Conz kanina dahil sa ginawa nyang yun.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa byahi. I also informed Waelan and the other, except kay Remz. At si Conz lang ang nakakaalam kong kailan ang balik ko mula France.

Honestly, hindi ko rin alam kung kailan. Pero ang nasisiguro ko, hindi tataas sa limang taon. Aaminin kong biglaan rin ang pag alis ko dito at alam kong maninibago rin ako sa environment dun sa France, but I think I can do it all.

Nilingon ko si daddy, tulog sya napagod malamang kagabi. Pero ang mas pinagtakhan ko kung bakit hindi sya nagsalita nung nag aaway kaming tatlo kahapon.
Lumingon ako sa bintana ng eroplano, gusto kong umiyak dahil sa ginawa nya. Ang layo layo nya sa nakilala kong Remz. Nasasaktan ako sa isipan ko, pero alam ng puso ko na may rasun sya. May rasun syang sasabihin o hindi sasabihin sakin. Ngayon, hindi ko alam kong makaka move on ako sa lahat at sa kanya.
Hindi ko naman maisipang isipin si mommy, may pamilya na kaya sya o naalala nya na kami ni daddy? Kung may bago man syang pamilya, pangalan o alaala. Sana kahit papaano may natira sya saamin.

May lahing probinsyana si mommy, which is si lola. Pero si lolo half French. Sa Iloilo nila naisipang ipalibing sina lolo at lola dahil bago sila mamatay nagsumpaan silang dalawa na iisa at magkatabi dapat ang libingan nila, sa ganung paraan alam nilang hindi sila nag hihiwalay hanggang kamatayan.
Hindi rin naman pa patay yung lolo ko sa side nina mommy, yung kay daddy lang.
Sa Holy Gardens Cemetery naka burol sila. Oton Iloilo ang exact place. Pupuntahan ko rin mamaya yung Heaven on Earth sa San Joaquin, Molo Church, Iloilo River Esplanade, Isla de Gigantes, Pawikan Cave at iba pa.

Sa excite ko ng lumapag ang eroplano sa Iloilo  airport ay agad kong niyugyog si daddy.
"Calm down, darling" natatawa nyang sabi.
"Excited lang po" sagot ko. "Dad, saan pala tayo mag stay? Diba nasabi nyung may appointment pa kayo dito?" tanong ko habang sinusuot yung coat at sunglasses.
"Ah yah, sa Seda Atria" sagot nya. Napatango naman ako.
Naka suot ako ngayon ni skirt at spaghetti strap sa loob ng coat at naka high hells with sunglasses ang suot ko.

Paglabas namin ng airport agad kami sinalubong ng mga tao ni daddy. Sila na rin ang kumuha ng iba naming bagahi at ikinarga sa kotse.
Sumakay ako kasunod ang ama ko. "Sa Donato Pison Ave, Mandurriao, Iloilo City parin po ba yung Seda Atria tama?" tanong ko.
"Yes, darling. I booked two rooms for us" sagot ni daddy kaya ngumiti ako.

Agad kaming nakarating, pinataas ko ang sunglasses ko habang bumababa sa sasakyan. It's been a year since we meet Iloilo.
Naunang naglakad si daddy kaya sumunod ako. Lahat ng na dadaanan namin napapatingin sakin. Ngumiti nalang ako.

"Any reservation sir?" tanong nung isang babaeng staff.
"A room for two, Rissey" sagot ni daddy.
Pinindot ng staff yung computer nya at ibinigay ang dalawang susi. Nilingon ako ni daddy. "Choose one, my daughter" sambit ni dad. Ngumiti ako at naglakad papunta sa harapam nya.
Kinuha ko yung isang susi. At ibinigay kay dad yung isa. "Enjoy your stay maam, sir" sabi nung front desk staff.

Agad akong humiga sa kama at kinuha ang laptop ko. I opened the Skype at tinawagan si Conz.

Conz Falstrige.....

Ilang minuto lang at sinagot nya ito. Nakita ko pang nakasalpak yung headphone sa tenga nya. Agad akong ngumiti.
"Conz!" sambit ko at bumangon.
"Shera! Nakarating na kayu jan?" tanong nya.
"Hmm yeah, we're staying at hotel" sagot ko.
Nakita kong umupo sya. "Good for you" tugon nito. "Saan mo pala balak pumunta?" tanong nya.
Napaisip naman ako, sa dami ng gusto kong puntahan hindi ko alam ang uunahin ko. "I don't know, maybe dun sa Esplanade? Garden of Heaven? But before that, I'll go to the Holy Garden" sagot ko.
"Sana pala sinama mo ako jan" natatawa nyang sabi. "Mukhang masaya eh" dagdag nito.
"Yah" sagot ko at humikab. "I'm a little bit tired" sagot ko.
"Hmm, you need to rest then"
"Alright. I keep online, tawagan moko' kapag hapunan na" sambit ko.
"Of course I will. And I will miss your Tilona" agad nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Anong Tilona? Baka Tinola?" taka kung tanong.
"Yah, yah that!" sagot nya natawa naman ako. "Rest now" tumango naman ako.

I left my phone open. Baka kasi hindi ko marinig mamaya ang pag gising ni Conz sakin.
Naisipan kong mag cr muna. Nagdala ako ng tuwalya at dumiretso sa cr dito.

Malaki din yung cr nila. Nay shower at malaking salamin.
Nag umpisa akong maligo. Pagkatapos nun nag sipilyo at bumalik sa kama.
Malaki yung kama of course, may puting blanket at stripe blue and white na unan na maliit at ang dalawang kulay brown na may sparkle dust. May malaking sofa sa gilid na mag kapareho rin ng kulay sa kama at meron rin itong mesa na may prutas. May dalawang mag kabila na lampshades at may painting.
Sarado rin naman ang bintana nila. Malaki rin at tanaw ang nasa ilalim.

"WAELAN POV"

"She called me kanina" ani ni Conz habang nasa Skype kaming dalawa.
"Ha? Ang daya! Bakit ako wala?" angal ko naman sakanya
"She's tired and told me to wake her up mamaya" sagot nito.
"By the way Conz" biglang seryoso kong pagsasalita. "Bunso ka ba talaga?" tanong ko.
Pinagtitigan nya ako sa camera. "What's that kind of question Wae?" inis nyang tanong.
Umayos ako ng upo. "Hindi mo kasi tinatawag na ako na ate o si Shera eh" sagot ko.
"Tss. I'm not comfortable with that" sagot nya.
"Wee?" nakangiwi kong tugon. "Sige nga, sabihin mo sakin! Sino yung gusto mo?" hamon ko sakanya.
Bigla naman syang napaiwas ng tingin. "Let stop that topic, Wae" sagot nya. "I'm not ready to answer that" dagdag nya.
"Ikaw ang hindi ready or sya?" tanong ko. Muli syang napatahimik. "Kasi Conz sya lang yung nakagawa sayu ng ganun" dagdag ko.
"Who?" pag mamaang maangan nya.
"Tss, wag mo nga kong lukuhin. Alam kong kilala mo sya" sigaw ko. "Stop being immature, Conz"
"I'm not!" ganti nya. "I'm sure I'm not" dagdag nito at napailing pa.
Natawa naman ako. "Sampalin kaya kita haha" sagot ko.
Bigla namang dumilim ang mukha nya. "Alam kong expert ka sa sampalan pero wag mo naman ako pagbantaan ng ganyan" seryoso nyang sambit. "Kaya kung gawin ang sobra pa sa sampal Waelan" dagdag nya.
"Oky! I'm sorry" sagot ko.

"WAELAN!" rinig kong sigaw ni mommy sa labas.
"Bye na muna, sabihan moko' kapag gising na si Shera ha? Yung nanay ko kasi bratatat broom broom na naman mamaya pag hindi ako bumaba" sagot ko. Napatawa naman sya.
"Yah, sure" yun lang at pinatay ko na ang linya.

Bigla namang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Shera. Na nag sorry sya dahil sya ang gusto ng taong gusto ko. Kung sinampal ko kaya sya nung una pa. Haha. Pero in fairness, meron rin pala syang mataas na pride.


zilenz_zone

VS1: Living with the Three Damn Hot Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now