Chapter 51

1.4K 33 0
                                    

Whatever

"IZETER MILES POV"

"Oh my gush!" halukipkip namin ni ate at nag katinginan.
Ibinalik ko ang tingin ko sa tatlo. Mas lalo napatitig ng agawin ni Azer si Yshera, kaya napabitaw si Blez.
Pinatitigan sila ng lahat. Walang nag sasalita hanggang sa humarap na si Azer kay Blez.
"I know ikaw ang unang nakakilala sakanya, pero ako naman ang naunang umangkin kay Yshera. So better know your distance bro, one centimeter away on my girlfriend"  dire-diretsong pagsabi ni Azer.
Laglag panga akong nanonood sakanila.  one centimeter? Pano nya nagamit ang mga salitang yun sa harap ng tatay ni Yshera.
"Ate is this really happening?" tanong ko pero hindi sya sumagot. "Oh my" dagdag ko. "At---" nilingon ko sya pero wala na sya sa tabi ko. Iniwan akong parang tanga, nakikipag usap sa multo.
"Sorry for interruption" ang napag usapan kanina, ako ang unang kakausap. Pero look, inunahan na naman ako ni Wizer este ni Ate.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya.
Ngumiti si tito Harold saamin, daddy ni Shera. Bumalik ang tingin nya sa tatlo na ngayon ganun parin ang posisyon.
"Sige" nagulat lahat nag salita si Blez. "Ikaw nga ang naunang umangkin sakanya, pero ako naman ang unang nakakita ng kahandahan nya" dagdag nya.
"Pero hindi naman ikaw ang minahal" dugtong ko. Pumunta ako sa gitna nina tito at Azer. "Am I right?" dagdag ko.

Tumikhim si tito kaya napalingon ako sakanya. "Pareho naman kayong nauna sa anak ko" sambit nya habang papalapit kay Yshera. "Pero isa naman ako ang bumuo sakanya" dagdag nya sabay hablot ng kamay ni Shera kay Azer. Pero hindi nya binitawan ito.
"Mr. Rissey, kung wala kayong tiwala sakin as her boyfriend" tugon ni Azer habang binibigay ang kamay ni Shera sa ama. Tinaggap naman ito ni tito Harold. "Let me court her again" dagdag nya.
Naging tahimik ang lahat. Panay naman ang iling ng mga matatanda.
"If you let him court Yshera, let me then. Total, wala namang limitasyon sa pan liligaw sakanya" tugon ni Blez.
Tumawa si tito Harold. "Pursigido talaga kayo na makuha ang anak ko" tugon nya. "Well pagbayaran nyu muna ang ginawa nina Rachel at Mikael kay Sherea na ina ni Yshera" dugtong ni tito.

"YSHERA POV"

Nagulat ako sa sinabi ni daddy. "Let take this to the Supreme Court" dugtong ni daddy
"Dad!" pigil ko. Tiningnan nya ako.
"Matagal ko ng hinahanap ang mga may kinalaman sa pagkamatay ng nanay mo Shera. Understand me, darling" nag mamakaawa nyang sabi.

Gusto kong maluha ngayon. Lahat ng nandito may kinalama sa pagkawala ni Mom at sa aksidente namin noon. Kasama na si Blez.
"Dad" emosyonal kong sabi. "Kung ganun papayag ako, wag mong idamay lang sina Blez at Remz este Azer" sagot ko.
"Hindi kita isasama pauwi ngayon, pero pagbalik ko dito ako ang magpapasya kong magpapaligaw ka sakanila" sagot ni daddy.
"Yes dad" nag baba na ako ng tingin. Niyakap ko si daddy. "Thank you dad" sambit ko.
Yumakap sya pabalik at kumalas ako. "I'm saying this sa harap nyung lahat" sambit ni daddy at hinarap sina tito. "I'm sorry, Mikael pero hindi ko matatanggap ang ginawa mo sa asawa at anak ko noon" sambit ni daddy.
"I understand, Harold" mahinang sambit ni tito. "Balak rin namin kasing sumuko kahit hindi ka pumunta ngayon dito" dagdag nya na mas ikinagulat ko
Nakita kong napatayo si Conz. "Mabuti naman" sambit nya. "Kasi plano ko rin isuko kayo kahit ayaw nyo" dagdag nya.
"Tapos ang usapan" pag tatapos ni daddy at naunang lumabas yung mga bodyguards nila at binuksan ang pintuan. "Stay safe, Shera" sambit ni daddy. Hinalikan ko naman sya sa pisngi.
"Alright dad" sagot ko.

Pinanood ko silang anim na lumabas. At agad hinarap sina Remz. "Anong sinabi mo kay daddy?" tanong ko.
Nagtaas naman sya ng kilay. "Hindi mo narinig? Naapakan na ba ng pagmamahal ko yang tenga mo" ngising sambit nya.
Mas lalo akong nairita sakanya. "Huy Villan ang taas ng pride mo ah!" ganti ko.
"Sayo rin naman" sagot nya.
"Narinig mo? Ha?" hamon ko sakanya.
"Oo, sa pag uusap nyu ni Waelan nung nasa kwarto mo kayong dalawa" sambit nya.
Hmm, sinabi ko lang naman na ako ang gusto ni Blez, which is I'm right diba?
"Eh totoo naman" sagot ko.
"So gusto mo rin palang may ibang makaagaw sayo, sakin?" tanong nya.
"Tss!" agad akong nag martsa palabas sana pero nahawakan nya ang kamay ko, dahilan ng mapasandal ako sa dibdib nya.
"Your driving me crazy everytime I'm with you. Do you think I can let you go?" ayan na naman ang puso kong nag kakarera.
Tumikhim ang iba kaya napahiwalay agad ako sakanya. Napayuko nalang ako sa hiya.
"I'll go first" habang sa sahig ang tingin. "Conz" tawag ko at agad tumalikod.

Naramdaman ko rin ang pagsunod nya sakin. Naabutan namin sina Waelan sa labas.
"Anong nangyari?" agad na tanong nilang tatlo.
"Wala" sagot ko. "Mauna na muna kami" sambit ko sa sahig parin ang tingin.

WAELAN POV

Sinundan namin ng tingin sina Shera na umalis, tsaka pumasok sa loob.
Naabutan namin ang apat na nag uusap. Nakaupo sina Wizer at Izeter habang mag kaharap sina Blez at Azer.
"Sinabi mong hahayaan mokong mahulog sakanya pero bakit ganyan ka?" si Blez.
"Sinabi ko ba? Well binabawi ko na" sagot ni Remz. Ngumisi naman si Blez.
"Alam kong talo ako sa puso nya at alam kong ikaw rin ang mahal nya. Pero naniniwala parin akong walang permamente sa mundo" si Blez.
Nag pamulsa si Azer. "Mahal mo ang taong hindi ka gusto, paano naman ang taong totoong mag mamahal sayo? Si Waelan" parang dinambol ang puso ko ng sabihin ni Azer yun. "Mahahanap mo ang taong para sayo, kung titigil ka kakahabol sa hindi naman para sayo" dugtong ni Azer.
"I don't like her! I don't fvking do!" sigaw ni Blez.

Hindi ko na na kontrol yung sarili ko na tumulo yung luha ko. Tinapik lang ako ni Warde. "Wae" nag aalala nyang sambit.
"Edi ako na ang tanga! Graduated na nga" tugon ko dahilan ng napatingin silang lahat saakin.
"Waelan" gulat na tawag nila sakin.

Lumabas ako ng auditorium. Alam ko namang desperada ako sakanya, alam ko ring hindi ako ang gusto nya pero bakit patuloy parin nag hababol ang puso ko na parang tanga.
Dumiretso ako sa tambayan ko. Dito sa ilalim ng puno.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa masampal ko na yung sarili ko.
"Oh" may umabot ng panyo sakin. Tumingala ako para makita sya.
"Shera? akala ko umalis ka?" takang tanong ko at pinahid ang luha ko.
"Tss. Akala ko rin ako lang ang tanga" sambit nya at umupo sa tabi ko.
Hinarap ko sya. "Sampalin mo rin kaya ako para magising" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sinampal na nya ako.
"Ayan oky na?" napahawak ako sa pisngi ko.
"Ang sakit ah!" gatong ko sakanya.
Umirap naman sya. "Ikaw nga eh mas malala pa jan hahah" sabay pa kaming natawa.
"Isang sampal para sa mga taong hindi minamahal" sambit ko.

zilenz_zone

VS1: Living with the Three Damn Hot Guy [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora