Chapter 41

1.4K 27 0
                                    

That man


"YSHERA POV"

Simula nong may nangyaring masama sakin na nabaril ako hindi na nila ako pinapayagang lumabas mag isa. Nung isang araw kasama ko si Conz o di kaya sina Blez at Remz. Naging close rin kami ulit ni Blez. At kada recess sa eskwelahan, sinusundo kami ni Remz sa room namin ni Blez. Nakasanayan na yun. O di kaya naman kong hindi kami pwedeng lumabas dahil sa mga notes namin, hinahatidan nalang kami nila ni Conz ng snacks. Nag kikita kita rin kaming mag kakabanda. At nakapag perform na rin kami sa mga ibang events dito sa school. Nung isang gabi sa bar. Niyaya nga ulit kami nung may ari pero ayaw rin ni Remz, para sa kaligtasan daw hanggang hindi pa nakikita yung bumaril sakin.
Araw-araw din akong kinakamusta ni daddy through email or Skye.
Kami naman ni Conz ay pilit na inaalam kong kay Remz ba yung USB, pero hindi nya parin sinasabi. Nakabalik na rin ang mga magulang nila at kung minsan ay umuuwi na dito sa bahay. Hindi naman sinabi nina Conz at Blez na may alam sila sa mga ginagawa nito.

Makalipas ang isang buwan ganito na kami araw-araw.

Kasalukuyan kaming nasa classroom. As usual nandito si Crystal. Hindi narin namin nakita si Kyral. Pati si Conz nag aalala na kasi baka ano na ang nangyari dun o hina-hunting na naman ng parents nila.

"Group yourself into three" our proffer said. Pero nanatili kaming tahimik ni Blez.
"Guys, dito nalang ako sainyo" si Crystal. Wala kaming nagawa kundi tumango.
"I want you every group to create your own experiments. One experiment is enough. Until next Monday" dagdag nito.
Nagkatinginan kami ni Blez. Kung ganun makakasama namin ng madalas ang babaeng tu.

Lumabas ang proof at here we go again.
Nilipat nya ang upuan sa harap namin.
"Anong balak nyu?" tanong nya. Ang paalisin ka sa grupo.
Umayos ako ng upo maging si Blez. "I will research about that" sagot ni Blez. "Tayo ang gagawa and tayo rin ang mag per-present sa harap" dagdag na ani nito.
Ngumiti ako. "Yes! Kahit ngayon lang sana umayos ka" sarkisto kong sabi. Napa rolled eyes sya. Wow! Gawain ko yan tsk!
"Maayos naman ako. Baka ikaw hindi" ganti nito sakin. "Palagi mo akong pinapahiya sa harap ng iba" dagdag nya.
Napangiwi naman ako at nag crossed arm. "Hello? Are you still there? Ikaw ang nauuna tinatapos ko lang. Pagod lang ako sa paulit-ulit nu" ganti ko.
"Tss hindi pa nga nag sisimula ganyan na kayo" suway ni Blez. Napaayos ako ulit ng upo. "Sa bahay tayo gagawa for the safety of Yhsera" dagdag nya.
"Eh yung safety ko, Blez?" aba ang kapal nag tanong pa ang kupal.

"Were not worrying about you" sagot ni Blez. Napangiti naman ako. Tss.
"So sa bahay nyu tapos" si Crystal.
"Wag ka nalang sumama ang reklamador mo!" sabay naming singhal sakanya. Dahilan ng napatingin ang iba saamin.
Sasagot pa sana sya ng pumasok si Remz.

Agad syang tumingin sakin. "It's recess, hindi ba kayo makakalabas?" tanong nya. Nakita ko namang ngumiti si Crystal.
"May meeting kami about sa p--" hindi nya natuloy ang sasabihin ng lumapit si Remz sakin at humalik sa pisngi.
Nalaglag ang panga nya sa ginawa ni Remz. "Let's go, babe" tiningnan nya si Blez at yun na naman ang tanguan nila.

Kukunin ko na sana ang bag ko ng maunahan nya ako.
"Akina yan" sambit ko
Hinawakan nya ang bewang ko at isinukbit yung bag ko sa kabilang balikat nya. "I'll bring this" sabay hila saakin palabas ng classroom.

Habang naglalakad kami. Hindi maiwasan ang pagtinginan kami ng ibang estudyante. Bihira kayang magdala ng bag ang lalaki na pag-aari ng babae.

Pumasok kami sa cafe at agad sumalubong saamin sina Waelan.
Pinaghila ako ni Remz ng upuan at umupo sa tabi ko.

"Paparating na yung in-order namin" si Lyron.
Tumango ako. Kompleto kami ngayon. Nasa kabila sina Waelan, Warde at Lyron. Katabi ko naman si Conz at Remz. Katabi ni Remz si Blez.

"So tutugtog ba tayo sa birthday party na yun?" tanong ni Waelan.
"Saan?" tanong ko. Lumingon sya sakin.
"DBands is invited to perform on Autemn Rads Villan 15th birthday" sagot ni Conz.
"Talaga? So pumapayag ba kayo?" tanong ko.
"We don't know Shera. Si Remz parin ang mag di-decide." si Lyron ang sumagot.
"Alright then" sagot ni Remz. Kinabahan na naman ako. Villan yun. Birthday ng bunso nila.
"So kailan ang practice?" si Warde.
"Next week pa naman yun" si Waelan. "Mahaba ang days natin makapag practice. At isa pa Villan yun. Sigurado akong maraming bigatin na bisita dun" dagdag nya.

Tama nga naman sya. Napalingon ako kay Conz pero tumango lang. Ano tu hobby nilang tatlo tanguan?

"Maganda yun. At least someone can discover us" sagot naman ni Remz.

Nanatili kaming tahimik na tatlo hanggang sa makadating yung order namin.

"Karne?" sabay na sambit namin ni Conz. "Sinong nag order nito?" kunot noo naming tanong ni Conz.
Lahat sila maliban kay Blez ay itinuro si Remz. "Well puro kasi kayo sweets. So I order this" sambit nya at nilagyan ang plato ko ng karne na may broccoli at iba pang dahon. Wala ding nagawa si Conz.
"Kuya treated us like a pig" inis na sabi ni Conz. "He let you eat that leaves" sabay irap sa gulay.

Tiningnan ko si Remz. "Sa susunod---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng iharang nya ang daliri sa bibig ko.
"Walang susunod. You need to be healthy so eat that leaves" sambit nito at kumuha rin ng kanya.

Nag kwentuhan sina Waelan about dun sa party na yun. Kung kailan ang practice namin at anong oras. Sa bahay raw nila ulit dahil kompleto ang instruments dun at maganda ang view.

Natapos ang iba sa pag kain at nag paalam ang mga ito. Natira kaming apat dito.

Siguro mula kanina, tatlo o apat na kutsara lang yung nakain ko. Kinuha ko yung juice sa gilid at uminom.

Tiningnan ko ang plato ni Conz. Ganun rin yung sakanya. "Kuya it's time na. Baka ma late ako bye Shera" agad alis sa table.

Aba nakatakas ah! Ang daya naman.
Tumikhim si Blez. Napansin ko ring awkward pala kung kaming tatlo nalang yung nandito.
Binalewala ko iyun at nanatili ang katahimikan sa gitna naming tatlo. Oo gusto kong mag perform sa mga bigatin na events pero hindi ko maiwasan isipin ang consequences na maaring mangyari.

First, pwede kaming ma promote at mag karoon ng sarilin kanta. Second, pwede ring sa gabi na yun mabunyag ang katotohanan about sa Azer Mike at yun ang kinatatakutan ko.

Tumayo si Blez. "Were going late. Tara na Shera" yaya nito. Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Tiningnan ni Remz ang plato ko atsaka humalik sa pisngi ko.
"Je t'aime" sambit nito na palaging nag papangiti sakin.
"Lyt" yun lang ang naisagot ko at umalis na kami ni Blez dun.

Habang naglalakad sa corridor tahimik lang kami.
"Iniisip mo ang posibleng mangyari pagkatapos ng party?" si Blez, napatingin ako sakanya at tumango.
"Hmm, baka hindi pa ang araw na yun" sambit nya at naunang pumasok.

Papasok na sana ako ng mahagip ng mata ko yung lalaki na naka coat na agad tumakbo. Agad bumilis ang tibok ng puso ko sa kadahilanang baka sya ang bumaril sakin noon.



zilenz_zone

VS1: Living with the Three Damn Hot Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now