Tibok ng Puso

18 0 0
                                    

Nang isang araw sa hindi inasahan biglang dumating si Ian sa bahay nila Lady kasama ng tropa niya ang katwiran ay dinadalaw si Drew na kuya niya. Napa daan ang mga araw na pag bisita isang beses napa upo si Lady sa tabi ni Ian. Na gulat siya ng hinawakan ang kamay niya ni Ian at hindi na binibitawan kahit na pawis na pAwis ito. Hindi na din binitawan ni Lady ang kamay ni Ian dahil nga ay kahit na siya may narAramdaman na para kay Ian.

Napapadalas na ang dalaw ni Ian kahit wala ang kuya niya at ang buong tropa si Lady na ang dinadalaw niya. At kahit si Lady sa tuwing hindi nakaka dalaw si Ian hinahanap na niya ito. At hinayAan ni Lady na mahulog ang loob niya kay Ian dahil magalang mabait at ramdam niyang mahal siya nito.

At hindi nga nagkamali si Lady kay Ian na kahit sa eskul inaabangan siyang dumaan sa classroom nila Ian tatawagin ang pangalan niya at sa tuwing lilingon si Lady sisigaw si Ian ng Hi!!! I love You!! Na kahit ang mga kaibigan ni Ian inaabangan din ang pag daan ni Lady sa classroom nila at binibilang kung ilang beses ito dumaan. Hindi na naitago ni Ian ang nararamdaman niya kay Lady na buong eskul alam na may gusto si Ian sa kanya.

Dahil hindi na maitago ni Ian ang pag ibig ka Lady kahit upuan at mesa nila sa classroom may pangalan ni Lady biglang hirit ng guro nila ..

Sino ba itong Lady kahit saan na lang sa loob ng classroom nakikita ko ang pangalan ni Lady ika ni teacher Melai.

Lady love Ian ... Forever pa ang naka sulat sa kahit saan. Vandalism ang ginagawa mo Ian burahin mo yan kung hindi ipapatawag ko si Lady para burahin yan. . Kahit galit ito tunog malambing parin itong teacher nila dahil isa itong ilongga..

Sumingit pa si Karl na kaibigan ni Ian na mukhang palito sa sobrang payat sabay nka angat pa ang nguso Miss hindi daw buburahin ni Ian ang lahat tanda po nang pagmamahalan namin dalawa..

Ikiss ko daw muna siya .. Basag ang klase galit lalo si Miss Melai sa sinabi ni Karl.

LADY Miss Braces at ang Crush ng CampusWhere stories live. Discover now