27 : The Intuition

Magsimula sa umpisa
                                    

" Uy galit ka?" Hindi ko na naiwasang itanong kay Gigs ng makapasok kami sa kotse niya. Kanina pa siya walang imik sa akin. Hindi ako sanay dahil kadalasan, siya ang gumagawa ng paraan para magkausap kami.

" Babe hindi ako galit. Nagtatampo lang" Sinagot niya parin naman ako kahit nagtatampo siya.

" Dahil ba sa ayaw kitang pakasalan kaya ka nagtatampo?" Muli kong tanong sa kaniya.

Tumingin siya sa akin bago sumagot.

" Oo. Ba't kase?" Wika niya bago niya binalik ang mga mata sa daan.

" Hindi naman kase sa ayaw ko. Ang gusto ko lang, ayusin muna natin ang dapat ayusin. Tapos kung okay na ang lahat, okay na." Sagot ko naman sa kaniya.

" Babe sabi mo kanina ayaw mo. Kakasakit ka na ng damdamin ah. Tapos anong okay na? Okay na na ano? Babe ayusin mo naman daw oh." Nasasaktan siya. At hindi siya nahihiyang ipakita iyon sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan iyung isang niyang kamay na nasa kambiyo ng sasakyan. Kailangan kong suyuin si Gigs sa pagkakataong ito dahil nagtatampo. Ngayon lang kase 'to nagtampo ng ganito kalala. Hindi naman kase 'to mahilig magtampo. Kadalasan napipikon lang.

" Gigs, ngayon ko lang din natuklasan na posible nga akong buntis. Tapos aayain mo agad akong magpakasal? Gigs hinay hinay lang naman daw." Pag-eexplain ko.

" Babe di ko naman hinihiling na pakasal na tayo bukas ah. Pwede naman next week. Babe 26 na ako, 24 ka na din. Nasa marrying age na tayo" Iyung logic ni Gregoryo may sayad na. Hindi naman kase lahat ng nasa marrying age dapat ng magpakasal.

" Paano kung hindi naman pala ako buntis?" Tanong ko pabalik.

" Edi pabuntis ka sa akin. Kagabi, di ka pa ba nabuntis nun? Babe nag-acrobatics na ako sa 'yo kagabi ah. Tapos di naman ako gumagamit ng condom dahil may balak naman talaga akong buntisin ka." There, umamin na din siya. Ako naman ngayon ang napatahimik na. Mukhang napansin agad niya iyon.

" Babe sorry na. Pag-aawayan ba natin si baby. Parang hindi naman ata tama" He said. Totoo din naman iyung sinabi niya. Nag-aaway kami dahil sa posibilidad na buntis ako at gusto niya na akong pakasalan. Wala namang ibang dapat sisihin kundi ang sarili din namin. Ginusto namin. Pareho naming ginusto kung anuman ang namagitan at namamagitan sa amin.

Iyung hashtag ko, masmalala pa kaysa sa iyung kina Grasha at Sabina.

Iyung akin kase

#DiNaBaklaKayaNabuntisNiGregoryo

Kung buntis nga talaga ako. Iyan ang hashtag na nababagay sa akin.

" Babe punta na tayo ngayon sa doktor. Kung okay lang sa 'yo. Papacheck up natin si baby" Baby na agad ang tawag niya sa dugo palang na nasa sinapupunan ko kahit hindi pa kumpirmadong buntis nga ako.

Tumango ako. Gusto ko ding malaman kung buntis nga ako.

DUMIRETSO agad kami sa doktor ng makarating kami sa Manila.

May nurse na lumapit sa amin pagkarating namin at inalam agad kung ano ang pakay namin. Si Gigs na ang nagsalita para sa akin kahit may bibig naman ako.

" My girlfriend vomited twice. The other was two days ago and now. She was also feeling dizzy early this morning and was sensitive to food. I need a private female OB gyne" May paEnglish english pang nalalaman si Gregoryo. Tapos ang seryoso niya pang makipag-usap sa nurse. Kung ibang tao, ang galing niyang mag-english pero kapag kami lang nagtatagalog naman.

" I understand your concern sir. The doctor will be here in a few minutes and will discuss about the patient's case with you. But for the mean time, allow me to take your vital signs ma'am" Baling na ngayon sa akin nung nurse at kinuhanan ako ng Blood pressure.

Kinuhanan din niya ako ng iba pang tests.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating iyung doktor na nagpakilalang Dr. Jared Hernandez.

Nirefer niya kami sa isang kakilala niyang OB gyne na may private clinic lang daw sa last floor sa baba.

Babae ang piniling OB gyne ni Gigs para sa amin. Agad naman kaming dinala dun nung staff nurse. Nasa tabi ko lang lagi si Gigs. Our fingers were intertwined with each other as we walk going to the private doctor's clinic.

" Maiwan ko na po kayo dito sir, ma'am. May kasamang assitant naman si Doc Romualdez." Magalang na wika sa amin nung nurse bago nagpaalam na umalis.

A female assistant welcomed us inside the clinic.

Binati agad kami nung OB doctor.

" Goodmorning, I'm Dra. Romualdez. Nirefer kayo sa akin ni Doc Hernandez" Wika sa min nung Doktora.

" Doctor Hernandez refered your case to me since he told me that you could be pregnant. And to confirm that, we need a urine test for that." The doctor said. Tumango naman agad kami ni Gigs sa sinabi nung doktora.

May binigay iyung assistang sa akin na urine collector at pinapunta ako sa isang pribadong CR. Sumama din naman sa akin si Gigs.

" Babe naiihi ka na ba?" Tanong sa akin ni Gigs ng maiwan kaming dalawa.

" Uhm Oo" Paano ba kase? Papanoorin ba niya akong gawin 'to?

" Gigs labas ka muna please. Kaya ko na 'to" I told him.

" Okay. Hintayin kita dito sa labas" He told me before going out of the bathroom.

Nang matapos akong umihi sa urine collector ay inayos ko ito.

" Babe" Rinig kong tawag naman sa akin ni Gigs.

Binuksan ko iyung pintuan pagkatapos kong ayusin iyung sarili ko.

BINIGAY ko sa assistant yung urine collector bottle na binigay niya sa akin kanina. She told us to wait for the results dahil ipupunta pa daw ito sa lab. Sabi niya mabilis lang naman daw iyung resulta kaya hinintay na namin ni Gigs. The doctor is currently entertaining some pregnant clients that's why we chose to sit outside and wait for the results.

Habang hinihintay namin iyung resulta ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga babaeng nakaupo sa harap namin at malaki ang tiyan.

Magiging ganon din iyung tiyan ko kapag buntis nga ako. I can already imagine how heavy that would be. Imagine carrying that weight for nine months.

" Babe excited na akong maging daddy" Bulong pa sa akin ni Gigs. He's excited but how 'bout me? Hindi naman siya ang magbubuntis kundi ako. Hindi din siya ang manganganak dahil ako ang manganganak sa anak niya.

" Gigs kaya ko kayang magbuntis?" Hindi ko na naiwasang itanong pa iyon sa kaniya.

Mashinigpitan pa niya lalo ang kapit sa akin. His strong arm was wrapped around my shoulder possessively.

" Babe alam kong magiging mabuti kang nanay sa magiging anak natin. Huwag ka ng kabahan oh, nandito naman ako eh. Sasamahan kita." He assured me.

" I love you" He kissed me on the forehead as he provided me with the love and security that I need right now.

-----

Updated : May 16, 2020 Saturday 12:30 PM

Concealed Identity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon