Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does

174K 1.2K 196
                                    

*dedicated to GraceSantos3 na favorite daw ang LWFAW! Thank you so much! ;)

:) AT para sa lahat ng nag-comment na gusto nilang suntukin, pektusan, upakan, sapakin, batukan at paluin si Luigi (ang bu-brutal..hehe),  pati na din sa mga nagcomment na nakakainis, tinotopak, sinasapian, mean, shunga-shunga, di maintindihan at ang bad ni Luigi-boy........

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen's POV] 

7:30

7:35

Para akong sira na nakatitig pa din sa mga dress na nasa harapan ko.

Tiniklop ko ang mga tuhod ko at doon ko pinatong ang isang kamay ko para ma-ipatong naman ang baba ko.

Nakatapis pa din ako ng tuwalya. Nakaupo pa din ako sa kama ko at pinagmamasdan ang mga dress. Hinahaplos ko ang tela ng pinakamalapit sa akin habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

Pinabayaan ko na lang tumulo. Eh ano kung masira ang make up ko. Paraan saan pa?

Mukhang tinotohanan na ata na aalis na sya sa bahay namin.

Sana man lang nagsabi sya para hindi ako nag-mukhang tanga ngayon.

Inasahan ko ba talagang susunduin nya ako? Kaya ngayon umiiyak ako nung hindi sya dumating?

Sabi ko naman kanina, ok lang kung hindi nya ako susunduin eh.

Lalong dumere-derecho ang luha ko sa huling naisip ko. Sabi ko naman ok lang kung hindi ako susunduin ni Luigi, pero hindi pala ok.

Ng biglang may umupo sa tabi ko at inangat ang mukha ko.

Bakit nandito sya?

Di ko namalayan ang pagdating nya.

"Lu---ui--gi?"

Luigi gave me a weak smile.

"I'm--I'm sorry Laureen........"

"Luigiiiiii!", hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero kasabay ng pagbanggit ko ng pangalan nya ay ang pagyakap ko sa batok nya at pagbuhos lalo ng mga luha ko.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon