Chapter 17 [Part 2] - This Means War **

163K 1K 116
                                    

[Laureen's POV]

"What triggered?", tanong ni Luigi.


What triggered, what triggered pa sya. Che!


Nakarating naman kami ng bahay ni Luigi ng maayos.


Pero nung malapit na kami sa bahay, bigla syang nanahimik. Mukhang napuruhan ko ata ang braso nya nung huling kurot ko sa kanya, mahaba ang mga kuko ko -- kaya nasugatan ko ang balat ni Luigi.


Hanggang sa maka-akyat na kami ng kwarto namin, tahimik lang si Luigi.


"Luigi, sorry naaa", sabi ko sa kanya pagkasara ko ng pinto ng kwarto namin.


"Shower muna ko Laureen", sagot ni Luigi sa akin at dumerecho na sya sa loob ng cr.


Patay.


Mukhang galit sa akin si Luigi. Baka dumere-derecho na naman yang galit nya. Matagal-tagal na syang hindi nagsusungit sa akin ng seryosohan. Wag naman sana.


Umupo lang muna ako sa kama. Nag-stretch-stretch, tapos nanawa na akong unatin ang buong katawan ko kaya humiga na din ako.


Paglabas ni Luigi ng cr, tumagilid ako ng higa para makaiwas sa sinful nyang katawan.


Tumabi si Luigi sa akin sa kama pagkabihis nya. Nagulat ako kasi pinalo nya ako sa legs, "BIHIS NA!", masungit na sabi ni Luigi sa akin.


"ARAY! MASAKIT YUN LUIGI AH!", napaupo ako tapos hinampas ko sya ng unan.


"DAHIL DYAN SA SUOT MO MUNTIK KA NA MAPAHAMAK AH! IKSI-IKSI!", galit na sabi ni Luigi sa akin.


"WALA NAMANG NANGYARI AH!", depensa ko.


"HIHINTAYIN MO PANG MAY MANGYARI? HA? LAUREEN?", sabi pa ni Luigi ng pasuplado.


Sinapian na naman 'tong si Luigi ng pagka-masungit nya.

 


"Sobra ka naman Luigi!", sabi ko sa kanya.


"BASTA, HINDI NA PWEDE YUNG GANYAN HA!", sabi nya pa sa akin.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon