Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game

Start from the beginning
                                    

Fourth year. Fun Year. At isa sa mga gustong gawin ni Charm ang ginagawa nya ngayon. Kaya kahit anong mangyari hindi ko siya hinayaan na hindi sumipot ngayon.

Nakakatuwang panoorin sya. Humahataw ang bestfriend ko.

The dance floor is hers, and the dance floor is owning her too.

Uminit ang mga gilid ng mata ko. Pinigilan ko ang luha ko kasi baka magtaka ang mga tao kung mapapaiyak ako bigla-bigla. Masaya lang talaga ako para kay Charm, ganon lang.

"O", sabi ni Billy. Tumingin ako sa kanya. Inaabutan nya ako ng isang malinis na towel, "Namumula na ang mata mo", sabi nya ng nakangiti sa akin.

Natawa na lang ako, "Billy naman eh!", sabi ko ng mahina.

"Ang galing ni Charm noh?", mahinang sabi ni Billy sa akin pero tinapik nya si Aaron sa tuhod.

Napatingin ako kay Aaron. Nanonood sya sa mga sumasayaw. Napangiti naman ako.

Tapos nakita ko na lang si Aaron na nag-sara ng isang mata at nagtakip ng bibig nya. Bumalik ang tingin ko sa cheerers.

HOMAYGAD!

Kaya pala napasara ang isang mata ni Aaron, alam nya sigurong magli-lifting na sina Charm.

Nakita ko si Charm na tumakbo papunta sa mga kapwa cheerers nya, binuhat, at sinuportahan ng kapwa nya cheerers, hawak ng dalawang cheerers ang isang paa ni Charm, at ang isang paa naman nya ay sinusuportahan ng dalawa pang cheerer, nakatiklop ang binti nya.

Ganon din ang pwesto ni Jasmine sa kabilang side.

Nakita ko si Karang sumampa at maya-maya pa, naka-apak na sya sa tig-isang hita nina Jasmine at Charm. Sinusuportahan nina Charm at Jasmine ang legs ni Kara. Si Kara naman ay masayang nakangiti sa crowd at naka-extend ang mga kamay sa ere.

Nag-iisa sya sa pinakatuktok. Third level ng pyramid. Cheerleader.

Naghiyawan ang mga tao sa court.

Tiniklop ni Kara ang mga braso nya sa harapan nya at tsaka sya nagpatihulog.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now