Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game

Magsimula sa umpisa
                                    

"Andito pala si HONEY eh!", malakas na sabi ni Ken sa akin.

"Ha-Hi Ken!", sabi ko sa kanya.

Hinatak nya ako palapit kina Luigi.

Tinignan ko si Charm at sumenyas ako sa kanya na sundan nya ako. Tumayo naman si Charms at sumunod sa amin.

"Andito si Hon o!", sabi ni Ken sa mga co-players nya, tapos tumingin sya ulit sa akin, "Dyan ka umupo Hon, para kita ka kaagad....inspiration!", he said beaming at inakay ako sa isang upuan.

Tumango na lang ako. Kinuha ko ang kamay ni Charm at pinaupo sya sa tabi ko.

"Hi Laureen..", sabi ni Billy sa akin, nag-smile sya ng tipid.

 Nagsmile din ako ng bahagya sa kanya.

"Naks naman Charm!", sabi ni Billy, "Tayo ka nga!", hinawakan ni Billy si Charm patayo, "Wow naman talaga! Ang ganda-ganda naman ni Charms!", sabi nya pa.

Sumimangot na lang si Charms kay Billy.

"Haha. Seriously! You look great!", sabi ni Billy, "Diba boys?", sabi nya sa mga co-players nya.

"Naman!", sabi ni Ken.

"Absolutely", sabi ni Lance at nag-smile sya kay Charm.

Tumango-tango si Ivan.

"Wow!", sabi ni Benj.

Hindi kumibo si Aaron. Kinuha nya ang lagayan nya ng tubig at uminom.

Uminom lang din si Luigi ng tubig. Nakita ko na lang na tinabig ni Ken ang kamay ni Luigi. Kaya natapon at nabasa ng konti ang jersey ni Luigi.

"Hoy, pansinin mo naman yung Hon mo!", sabi ni Ken kay Luigi.

"What the f***! G*go ka talaga Ken!", sabi ni Luigi at pinagpag ang damit nya.

Nagulat ako kasi hindi naman sya nagmumura ng ganon.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon