Ilang sandali pa ay nag fourth quarter na. 79-73, lamang pa rin ang FEU.

Sumasakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw para sa La Salle pero hindi ko pinansin 'yon.

"Aaaaaah! Go Ricci!!" malakas na sigaw ko nang makita kong siya ang may hawak ng bola at boom! Three points! Three fucking points! Tatlo nalang ang lamang. 79-76

"Last two minutes!"

Dahil sa narinig namin ay mas lumakas ang sigawan. Para sa FEU Tamaraws at para sa De La Salle Green Archers.

Napakabilis ng tibok ng puso ko nang anim na puntos na naman ang lamang ng FEU. Shems!

Sigaw na rin nang sigaw ni Sandara sa tabi ko para sa GA at para kay Andrei.

"Aaaaah! So galing! So galing! Caracut for three!!" kinikilig na sigaw ni Sandara na ikinatawa ko.

"Rivero for three!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig 'yon maya maya. Hinampas ko si Sandara.

"Kainis ka! Hindi ko nakita!" reklamo ko at dumila lang siya sakin. Argh! Nakakainis!

Nag-focus ako sa panonood ko at nakita kong 82-82 na ang score.

Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko dahil tatlong segundo nalang ang natitira sa oras. Mabuti nalang at nasa free-throw line si Ricci.

"Go, love. Kaya mo 'yan." mahinang bulong ko.

Hinampas naman ako ni Sandara. "Assumera." natatawang sabi niya na hindi ko pinagtuunan ng pansin.

"Oh my god! Yes! One more, Rivero! One more!" sigaw ko at hindi nga ako nabigo. Lamang na sila ng dalawang puntos, 84-82.

"De La Salle Green Archers!"

Sa narinig ko palang na 'yon ay alam kong panalo na nga sila.

Masaya kaming nagyakap ni Sandara nang may humawak sa braso ko. Nagulat ako nang makita na Mommy 'yon ni Ricci, kasama ang asawa na si Coach Pao at anak na si Rasheed.

"Hello po." bati ko sakanila.

Ngumiti sila samin. "Fan of my son, eh?" nakangiting sabi ni Mrs. Rivero.

Alanganin akong ngumiti sakaniya.

"A-Ahm.. I'm a fan of the whole team po, Mrs. Rivero." i said while smiling.

"Hmm, bakit si Ricci lang narinig kong chineer mo?" may himig ng pang-aasar sa boses ni Mrs. Rivero nang sabihin niya 'yon. "By the way, don't call me that, too formal 'nak.." sabi niya at nahihiya nalang akong tumango. 

Hindi agad ako nakapagsalita. Rasheed and I are friends pero never ko pa silang na-meet. Aside from I'm nahihiya dahil parents sila ni Ricci 'no, busy rin ako sa laro. 

Natulala lang ako sakanila, lalo pa sa sinabi niya na si Ricci lang daw ang narinig niya na chineer ko. Nakakahiyaaaaa!!

"Hi, Zoey." bati naman sakin ni Rasheed.

I smiled at him, "Hello, Sheedy!" nag beso kaming dalawa.

Siniko naman ako ni Sandara, nginunguso sina Mr. and Mrs. Rivero.

"Ah, si Sandara po pala. Bestfriend ko." sabi ko sakanila.

"Hello, hija. Nice meeting you." sabi ng Mom ni Ricci at ngumiti.

Grabe! Grabe, ang bait nila!

"Sige 'nak, puntahan lang namin si Sahia, or baka gusto niyo sumama?" Ricci's mom asked.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now