Chapter 14

0 0 0
                                    

Kenzo's POV

"Pre naman! Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Alam mo naman na kapag nalaman mo iyong impormasyon tungkol doon, mapapahamak ka."

Nandito kami ngayon sa hideout kung saan kaming dalawa lang ni Cloud ang magkasama.

"Mas importante pa ba sa'yo yung impormasyon na 'yon kesa sa grupo natin? Ikaw nagtatag nito tapos ikaw rin naman pala 'tong susuko. Akala ko ba mahalaga sa'yo 'tong samahan natin? Bumaliktad ata utak mo." Patuloy na pag sermon saakin ni Cloud.

Puro buntong hininga lang ang naisasagot ko sakaniya. Wala akong balak sagutin siya dahil ayokong madamay siya, sila. Ayoko rin malaman niya.

"Alam mo naman na maaalis ka sa grupo kapag ginawa mo 'yon, pero ginawa mo pa rin. Hindi ko alam kung anong dahilan mo pre, ang labo mo. Sobrang labo. Alam mo rin namang bago ka umalis sa grupo, gagawin ka muna nilang lumpo, diba?"

"Alam ko." Sagot ko.

"Bakit ginawa mo pa rin?! Tol! Ano bang pumasok diyan sa kokote mo at naisipan mong alamin yung tungkol doon?! Paano ka?!"

Hindi ko masisisi kung bakit ganiyan na lang ang reaksyon ni Cloud. Wala rin naman siyang alam kung bakit ko ginagawa 'to.

"Puwede ba Cloud, tama na. Nangyari na, hindi ko na pwedeng balikan pa. Pumunta ako rito hindi para sermonan mo. Pumunta ako rito para ihabilin sa'yo ang grupo. Ikaw ang inaasahan ko Cloud, kaya ikaw na ang bahala. Nagtitiwala ako sa'yo."

Napatigil muna siya ng ilang saglit, hindi inaasahan ang sinabi ko. "Hindi. Ayoko. Kailangan ka namin."

"Cloud." Pagbabanta ko. Wala naman siyang magagawa dahil ito na ang nakatakda.

"Tsk. Oo na, ano pa bang magagawa ko." Napangiti naman ako nang bahagya dahil alam kong kaya niya. Alam kong mas mahihigitan niya ang ginawa ko para sa grupo. "Eh ano na'ng mangyayari sayo niyan? Ano na'ng plano mo?"

"Edi haharapin ko kung anong gagawin nila saakin. Haharapin ko kung anong mangyayari, dahil ginusto ko naman 'to. Tapos bahala na. Bahala na kung anong buhay ang tatahakin ko."

"Basta dre nandito pa rin ako ha? At ang tropa. Ako na ang bahala sa grupo, hindi ko sisirain ang tiwala mo. Hindi ko rin malilimutan ang itinuro mo." Ngumiti ako nang bahagya atsaka tumayo na.

Tinapik ko siya sa balikat, "Ikaw na bahalang magsabi sakanila, Cloud. Ingatan mo sila, ikaw na ang bahala sa lahat. Hanggang dito na lang siguro talaga ako. Aalis na 'ko."

"Mag iingat ka Kenzo, hindi man na tayo puwedeng magsama, puwede mo pa rin kaming kausapin. Lalapit ako sa'yo kapag kailangan ko ng tulong."

Tumango na lang ako sakaniya. Hindi na niya kailangan ng tulong ko, mas magaling siya saakin.

Pagsakay ko sa kotse ko may natanggap akong text.

From: +63949*******

Magkita tayo sa Silent Hill. Hihintayin ka namin bago magdilim.

Mukhang haharapin ko na ang parusa. Tsk. Masyadong mabilis, pero ayos na rin para matapos na. Sinimulan ko na ang pag mamaneho.

Wala akong balak ipark yung kotse ko sa Silent Hill kaya mas pinili kong mag park malapit sa pagkainan dito. Ilang oras na akong nasa loob ng kotse, nag iisip. Hindi ako makalabas sa kotse, pero hindi rin ako pwedeng maduwag.

*beep*

From: +63949*******

Masyado kang matagal Hunter. Huwag mong antayin maubos ang pasensya ko.

The Average GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang