Chapter 12

0 0 0
                                    

Melissa's POV

"Mel gising na oh. Sasali pa tayo sa BoB diba?"

Minulat ko nang dahan dahan ang mata ko.

"Seb! Seb! Gising na si Melissa!"

"Hala nakadilat na nga siya!"

"Anong gagawin natin?"

"Ano ba dapat gagawin?"

"Shunga tatawag ako ng nurse, wait lang."

Parang gusto ko ulit pumikit na lang dahil ang gulo gulo nila. Nakakaloka, gigising na nga lang ako, heto pa ang bungad saakin amps.

"Dumalaw ba sila dad?" Tanong ko. Matapos ako icheck ng doctor ay iniwan na rin kami.

"Oo Mel, tinext ko na rin sila na nagising kana." Nakangiting sagot saakin ni Max.

"Eh nasaan sila?"

"May ime-meet pa raw kasi silang client sa ibang bansa kaya hindi na rin sila nagtagal dito." Client nanaman.

Nalungkot naman ako nang saglit pero agad ko ring binawi nang magsalita si Sebastian.

"Hoy Melissa! May kasalanan ka saamin ha. Hindi mo sinabi na may sakit ka pala at may nararamdaman ka ng hindi maganda ayan tuloy pinagalitan kami ng parents m-"

"Seb!" Saway ni Max. Nagkatinginan naman sila.

"Pinagalitan ka rin Seb?" Tanong ko. Dahan dahan naman siyang tumango na parang bata. "Anong sinabi sayo?"

"Ano raw ginagawa ko rito. Pinagbintangan pa nga akong magnanakaw imbes na akalain nilang boyfriend mo 'ko. Sa gwapo kong 'to, ginawa nila akong kriminal, Mel!!"

Napailing naman ako at natawa.

"Sandali lang bibili lang ako ng pagkain sa baba." Paalam ni Max. 

"Kumusta na lagay mo Mel? Bakit naman kasi sinasarili mo 'yang nararamdaman mo?"

"Gusto mo sayo na lang? Hindi naman ako maramot." Biro ko. Hindi naman siya tumawa kaya nagtaka ako.

"Selfish ka." Sabay naman kaming natawa.

"Seb," seryoso kong sabi. Tumingin naman siya saakin. "Salamat pala. Salamat kasi inalagaan mo 'ko. Pero pinaka nagpapasalamat ako kasi sinamahan mo si Max sa pag babantay saakin. Atleast ngayon hindi na siya mag isang inalagaan ako. Hindi na rin siya mag isang pinagalitan ng parents ko hahaha."

"Lagi ba siyang pinapagalitan?" Tanong niya.

"Oo e. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya parati ang pinapagalitan. Ako kasi ang nagsabi sa magulang ko na hindi naman ako pababayaan ni Maxine para payagan nila ako magdorm."

"Kaya pala ganoon ka na lang alagaan ni Zeah. Napahanga niya nanaman ako." Nakangiti niyang sabi. Hmmm may nangyari ba noong hindi pa 'ko nagigising?

"May crush ka kay Max?" Kunwaring biro ko na gulat na gulat pa.

"Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Sus nag mamaang mangan ka pa. Sabi mo napahanga ka nanaman niya. Crush means paghanga. Edi may crush ka nga sakaniya!" Sigaw ko. Hindi ko napigilan emosyon ko e hahahaha.

"Ano ka ba Mel! Ang ingay mo. Mag lagay ka nga neto para mabawasan kadaldalan mo."

"Ano ba Sebastian!" Sinalpakan ako ng dextrose sa mukha ampotek!!

"Hoy Seb anong ginagawa mo?" Napatigil naman kami sa pagdating ni Max. Nginisian ko naman si Seb pero pinandilatan niya ako ng mata. Defensive kang bayot ka! BWAHAHA.

The Average GirlWhere stories live. Discover now