Chapter 10

1 0 0
                                    

"Maxine! Maxine! Si Melissa nasugod sa ospital!! Pumunta ka ngayon dito sa Adamson Hospital!!"

"Ano?!?!"

Agad naman akong nagising nang tuluyan saka bumangon. Nag hilamos lang ako at nag suot nang maayos na damit. Kumatok muna ako sa kwarto nila mama.

"Ma! Pa!" Nataranta naman silang napabangon at tumingin saakin.

"Anong nangyari anak?" Kalmadong tanong ni papa.

"Pa, pwede mo bang tawagan o itext iyong parents ni Melissa?"

"Oo naman. Bakit anong nangyari?"

"Si Melissa ho kasi, naospital." Naiiyak na sabi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit anong nangyari sakanya?" Tanong naman ni mama.

"Hindi ko rin ho alam. Magpapaalam lang din po ako na pupunta ako sa ospital ngayon. Pupuntahan ko po siya." Tumango naman sila. Nagaalala man, pinayagan pa rin nila ako.

--

"Denise! Nasaan si Melissa?" Nakita ko si Denise na nakapang tulog pa at mukhang kagagaling lang sa pagtulog.

"Hindi ko alam Max. Basta narinig ko na lang na nahihirapan siyang huminga tapos hindi na makapagsalita kaya nanghingi ako ng tulong sa sekyu sa dorm tapos eto. Masyadong mabilis iyong pangyayari hindi ko na masyadong matandaan."

Napaupo naman ako sa kung saan din siya nakaupo kanina. "Nasaan siya?"

"Nandoon. Chinicheck ng doctor." Tinuro niya naman kung saan.

Napahilamos naman ako sa mukha ko. Sheht sheht sheht kasalanan ko 'to e. 

"Max," nilingon ko naman si Den. "Pwede bang iwan na muna kita rito? May pasok pa kasi ako nang maaga e."

Tumango naman ako saka siya hinawakan sa kamay, "oo naman Den. Salamat ha?"

Ipinatong niya naman ang kamay niya sa kamay ko, "Pasensya ka na. Max. Gagaling din 'yon si Melissa. Malakas iyon e."

Nginitian ko naman siya bago siya umalis. Hindi ko na alam ang ginagawa ko kaya hindi ko namalayan na tinatawagan ko na pala iyong number ni Seb.

Ilang ring muna ang narinig ko bago niya sagutin, [Hello? Zeah? Bakit?]

"Seb." Nag uumpisa ng mangilid ang mga luha ko, hindi ko na alam kung paano magsalita nang hindi nanginginig.

[Zeah? Bakit? May nangyari ba?]

"Seb pwede ka bang pumunta ngayon dito sa Adamson Hospital?"

[Ha? Oo sige hintayin mo 'ko dyan.] Napangiti naman ako sa sagot niya, basta lang siya pumunta kahit hindi niya alam kung anong nangyari. Isa sa nagpapatunay na tunay siyang kaibigan at hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan siya.

Habang nag aantay, yumuko ako at patuloy na hinihilamos ang mukha.

"Zeah!" Napaangat naman ako ng tingin sa tumawag saakin.

Ngumiti naman ako kahit maluha luha na ang mata ko, "Seb."

Tumabi naman siya saakin sa upuan, inakbayan niya ako saka nilapit sa dibdib niya. Dito na nga ako tuluyang umiyak, lalo nung dinadagdagan ang paghaplos niya saakin sa balikat.

"Kasalanan ko 'to e." Umiiyak kong sabi. "napansin ko na iyong nangyayari sakaniya dati pa e. Pero binalewala ko, hinayaan ko lang. Napakawala kong kwenta."

"Shh. Wala namang nakakalam na mangyayari 'to Zeah. Huwag mo sisihin iyong sarili mo." Pag alo niya saakin pero umiling lang ako nang umiling dahil sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Mula pa nung birthday ni Seb, napapansin ko ng may hindi magandang nararamdaman si Melissa pero alam kong tinatago niya lang saakin ang kung minsan na pag kapos ng hininga niya.

The Average GirlWhere stories live. Discover now