Chapter 13

1 0 0
                                    

Melissa's POV

"Yow Mel! Mabuti naman magaling ka na."

"Oo nga Mel. Naging tahimik 'tong dalawa mong kaibigan noong wala ka e."

"Totoo 'yan!" Bati saakin ng kablocks namin. Napangiti naman ako sa pagsalubong nila. Ang kukyut kaya nila hihihi.

"Syempre ako lang 'to, si Mel!" Biro ko.

"Mel? Tiangco? Bwahahaha." Ay ang kokorni ng mga 'to bwisit.

"Oy arat sa bahay." Yaya ni Seb.

"No gagawin namin do'n?" Tanong ko.

"Hugas plato." Sinamaan naman namin siya ng tingin ni Max. "Joke lang. Moma tayo sa bahay. G kayo?"

"Yun oh! G na g ako dyan!" Masaya kong sabi.

"Tsk."

"Huwag na maarte Max! Yan ka nanaman sa pagiging pabebe mo."

"Kagagaling mo lang sa sakit. Paano kung atakihin ka ulit?"

"Mag mo-moma lang tayo teh. Anong sakit makukuha ko doon, aber?" Excited na nga akong makapag-bonding ulit e!!

"Oo na puro ka dahilan. Arat na." Nauna naman siyang naglakad. May sapak talaga 'tong kaibigan ko na 'to.

"Papayag din naman pala, panay reklamo pa." Natatawang sabi ni Seb.

"Crush mo naman."

"Ulok! Pag nag moma iba-blind fold kita boset."

"Oh talaga 'tol?" Asaran namin.

"Hoy antagal niyo naman mag lakad!"siya ata 'tong excited kesa saakin e, babaitang 'to may pacold effect pa bwahahaha.

Sumakay naman siya sa motor niya at kay Seb naman ako sumabay. Dahil kaming dalawa lang ulit ang magkasama, no choice siya kasi aasarin ko talaga siya.

"Gusto mo ba palit kami ni Max para siya kasama mo ngayon?" Tinaas taas ko pa ang kilay ko habang nagdadrive siya.

"Puwede rin kitang pababain para wala akong kasama ngayon."

"Ang sungit mo!"

"Ang malisyosya mo!"

"Ang feelingero mo!"

"Ang palengkera mo!"

"Ang pakialamero mo!"

"Ang panget mo!" Bwisit. Hindi talaga nagpapatalo 'tong isang 'to.

"Ang defensive mo kasi kaya masyado kang halata."

"Mama mo halata."

"Isusumbong kita kay mama. Kala mo jan." Kinuha ko naman ang phone ko para kunwari isumbong siya hahaha.

"Joke lang e! Parang hindi ka naman mabiro." Nagtawanan naman kami pag tapos non.

"Ano papanoorin natin?" Tanong ni Max pagpasok namin sa bahay nila Seb.

Grabe ang laki laki ng bahay nila, ang sarap siguro tumira dito.

"Ano ba gusto mo?" Tanong ni Seb.

"Ikaw," sabay naman kaming tumingin kay Max. OMYGULAY!!! aamin na ba siya ngayon? "kung anong gusto mo. Ikaw naman nag-aya e."

Punyets. Paasa ka Maxine. OTP ko pa naman kayo simula ngayon. Bwahahaha.

"Gusto niyo yung may otlum?"

"What the eff is otlum?" Tanong ko.

"Alam mo yung arat, omsim, oyat, egis, pero yung otlum hindi mo alam?"

The Average GirlWhere stories live. Discover now