Special Chapter 2

4.1K 67 7
                                    

"Kim Suhen! Kim Enho!"

Umagang umaga ay stress na si Suho sa anak niyang kambal. Sinasaway niya itong wag maglaro sa putikan pero nagulat nalang siya nang madatnan niya ang kambal na punong puno na ng putik at masayang naglalaro sa bakuran nila. Napasapo nalang ng noo si Suho.

"Let them be Suho-ya. They are kids. Let them play." Malambing na turan ni Athenna at tinignan siya ni Suho.

"Ayokong magkasakit sila. Bat ba ang titigas ng ulo nila? Di naman ganto si Sohee." Tumawa lang si Athenna sa sinabi ni Suho.

"We are here if magkasakit sila. Minsan lang sila bata. Let them enjoy everything. We are here naman to take care of them." Ngumiti si Athenna at napatango nalang si Suho. Niyakap ni Suho si Athenna patalikod at pinatong ang baba nito sa balikat ng asawa.

"Look at them Suho-ya. They are happy." Ani ni Athenna habang nakamasid sa kambal nilang puno na ng putik at naliligo sa ulan.

"I wonder why ang kukulit nila. I mean hindi naman ako ganya---" Naputol ang sasabihin ni Suho nang humarap sa kanya si Athenna.

"Anong hindi? Excuse me Mr.Kim sa ating dalawa ikaw ang pinakamakulit at tigas ulo. You know I was a bookworm when I was a kid. So don't ask kung bakit ganyan ang kambal dahil ikaw ang ama ng mga yan kaya malamang sayo yan susunod." Pangaral ni Athenna kay Suho at napanguso si Suho.

"I was a good kid Athenna-ssi. Hindi ako matigas ulo." Depensa ni Suho. Tinignan lang ni Athenna si Suho.

"Anong good kid ka jan? Baka gusto mong isa isahin ko yung ginagawa mo noon. Remember, Tita always complaint about you being stubborn and hardheaded. So wag mo kong magood kid good kid dyan." Sabat ni Athenna habang nakakrus ang mga kamay nito sa dibdib niya.

Wala ng naisagot si Suho dahil wala siyang laban sa asawa niya. Athenna's right. He was stubborn and hard-headed nung bata sila.

"Fine fine." Suho said in defeat at lumapit ulit sa asawa. Niyakap niya ito ng patalikod muli.

"Btw, where's Sohee?"

Napakibit balikat lang si Athenna at muling pinagmasdan ang kambal.

"OH MY GOD!" Malakas na bulalas ni Sohee nang makitang naglalaro ang kanyang kambal na kapatid sa putikan sa kanilang bakuran.

Napalingon ang mag asawa sa kanilang panganay na nakatingin lang sa kanyang mga kapatid.

"MOM! DAD!" Naiinis na tawag nito at napakibit balikat lang si Suho. Alam niya kase kung gaano kaprotective si Sohee sa mga kapatid niya.

"What?"

"Bakit niyo sila hinayaan?" Di makapaniwalang tanong ni Sohee. Magsasalita pa sana si Athenna nang agad na hinubad ni Sohee ang kanyang earphones at pinatong sa malapit na couch. Agad siyang lumabas ang tinawag ang kapatid.

His Unloved WifeWhere stories live. Discover now